English Version (Click Here)
Sabi ni Joe Biden, “huwag mong sabihin sa akin kung ano ang pinahahalagahan mo, ipakita mo sa akin ang budget mo at sasabihin ko sa iyo ang pinahahalagahan mo sa buhay.” Ang ibang tao nagsisikap kumita ng pera at ginagamit nila ito para bumili ng alak, sigarilyo, o ilegal na droga. Ang iba naman, nagsisikap para makabili ng mga bagay na nagpapabuti sa buhay nila kagaya ng paglalakbay, edukasyon, at pagpapabuti sa sarili o self-improvement. Sa sandali nating buhay sa mundo, ano nga ba ang magagawa natin para sulitin ito? Ano ang dapat nating gawin para mapadami ang ating makakamit gamit ang perang pinagsikapan natin? Ito ang ilang idea sa mga bagay na kailangan mong paglaanan ng pera!
*Paalala: Hindi ko isasama dito ang mga bilihing kailangan para mabuhay gaya ng pagkain, tubig, at mga iba pang pangangailangan kagaya ng kuryente o internet. Ang mga nandito ay mga bagay na kailangan mong paglaanan ng pera pagkatapos mong mabayaran ang mga iyon. [Read more…]