Disclaimer: Hindi ito promoted o paid post. May nagtanong sa akin dati kung papaano sila makakapagbayad online kahit wala silang debit o credit card. Dahil doon, nagresearch ako at nalaman ko ang tungkol sa GCash. Sinubukan kong gamitin ito para makapagsulat ako ng guide tungkol dito.
English Version (Click Here)
Hindi ko alam sa iyo, pero ayaw kong maghintay nang matagal sa pilahan. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills o magpadala ng pera, kailangan kong maglakad papunta sa isang Bayad Center branch o lugar ng service provider, kumuha ng form, sulatan ito, at maghintay nang napakatagal kasama ang halos isang dosenang tao na kailangan ding magbayad ng kanilang mga bills. Kung kailangan ko ring bumili ng prepaid load, kailangan kong maghanap ng tindahan na may load at bayaran ito kasama ang patong ng tindahan. Malaking abala talaga.
Salamat na lang may mas madali at mas mabilis na paraan para gawin ang mga iyon. Hindi ko na kailangang maghintay sa pila. Kung kailangan kong magbayad ng mga bills, bumili ng load, o magpadala ng pera, pwede ko itong gawin sa bahay ko lang o habang nagbabasa ako ng libro sa loob ng isang coffee shop. Noong gumawa ako ng GCash account, ginagamit ko ito para magbayad ng mga bills ng aking pamilya, magbayad ng aking SSS, at bumili ng load. Dahil madalas walang mahabang pila sa mga TouchPay machine, naglalagay lang ako ng pera sa aking GCash account kapag may paparating na kailangan kong bayaran.
Kung gusto mong magbayad ng bills, magpadala o makatanggap ng pera, bumili ng load, magbayad online, at gumawa ng iba pang ganoong bagay gamit ang iyong smartphone o tablet nang hindi na kailangang lumabas ng bahay, edi basahin mo lang itong guide na ito para matutunan kung paano gumamit ng GCash!
[Read more…]