English Version (Click Here)
Dahil sa extended community quarantine (ECQ), malamang marami na tayong oras para gawin ang mga bagay na hindi natin magawa dati. Matatapos ang ECQ sa Metro Manila sa May 15, pero mabuting ipagpatuloy pa rin natin ang social distancing at lumabas lang para sa trabaho at pagbili ng mga kinakailangan. Mukhang magiging ligtas lang tayo kapag may bakuna na laban sa pandemic na ito.
Para sa aral natin ngayon, heto ang isang quote mula kay Orison Swett Marden, ang isa sa aking paboritong manunulat:
Our todays are the blocks with which we build our future. If these are defective, the whole structure of our life will correspond… Power and fortune are hidden away in the hours and moments as they pass, awaiting the eye that can see, the ear that can hear, the hand that can do.
Sa Tagalog: Ang ating araw araw ay mga bloke ng ating kinabukasan. Kung palpak ang mga ito, ang buong istruktura ng ating buhay ay matutulad dito… ang kapangyarihan at mabuting kapalaran ay nakatago sa mga oras at sandaling lumilipas, at ito’y naghihintay para sa mga matang nakakakita, mga taingang nakakarinig, at mga kamay na lumilikha.
Sa kasamaang palad, hindi ito ganoon kasimple sa panahon ngayon. Kahit gusto nating pilitin ang sarili nating gamitin ang mga oras na ito para maging mas masipag, magbasa ng mga libro, pagtuonan pa ng pansin ang ating mga layunin, magsimula ng negosyo o gumawa ng iba pang bagay, malamang napansin mo na rin na hindi ito ganoon kadali habang lumilipas ang panahon.
[Read more…]