• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 24

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Paano Iwasan ang Pagpapaliban o Procrastination

January 30, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Iwasan ang Pagpapaliban o Procrastination - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagiging productive ay ang pagsisimula ng mga nararapat na gawain. Sa kasamaang palad, marami sa atin ang pumapalya doon. Gustuhin man nating tapusin ang isang mahalagang bagay, may ilang daang ibang gawain na kumakain sa ating oras. Malamang alam mo iyon. May proyekto kang kailangang tapusin sa loob ng isang linggo at kaya mo itong tapusin ngayon. Alas-dyis pa lang ng umaga sa Sabado kaya marami ka pang panahon, binuksan mo na ang computer mo para magtrabaho… pero naubos mo lang ang buong araw kakabrowse sa internet o pagtsismis sa Facebook.

Inulit ulit mo iyon buong linggo hanggang napansin mong bukas na pala ang deadline. Ngayon kailangan mo nang magmadali at sa ganoong kalidad ng trabaho mahirap nang makakuha ng mataas na marka. Alam ko ganoon ako noong ako ay estudyante pa, at alam ko ring hindi ko dapat makasanayan iyon pagtanda ko. Malamang ganoon din ang naiisip mo kapag ikaw ay mahilig magprocrastinate.

Paano mo pipigilan ang sarili mo sa pagsasayang ng oras? Narito ang ilang payo mula kay Napoleon Hill na pwedeng makatulong sa iyo. Hindi lang pala ito para sa iyong mga gawain sa iskwelahan o trabaho. Pwede mo rin itong gamitin sa iyong mga pangarap o layunin sa buhay.

[Read more…]

Pagkuha ng Trabaho, Customers, at mga Kliente: Paano Magpromote ng Sarili at ng Iyong Negosyo

January 23, 2018 by Ray L. 1 Comment

Pagkuha ng Trabaho Customers at mga Kliente Paano Magpromote ng Sarili at ng Iyong Negosyo - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Nagorder ka na ba sa isang magandang restaurant kahit mas sulit kumain sa isang fast food restaurant? Nagbayad ka na ba para sa isang massage, spa treatment, o guided tour ng isang lugar kahit hindi mo naman ito kailangan? Nagtaxi ka na ba kahit pwede ka namang maglakad ng isang oras para mapuntahan ang lugar na kailangan mong puntahan? Nagdonate ka na ba sa charity?

Itinanong mo na ba sa sarili mo kung bakit mo ginawa ang mga iyon?

Kung natutunan mong itanong at sagutin ang tanong na iyon para sa sarili at sa ibang tao, natutunan mo na ang isa sa pinakamahalagang payo tungkol sa sales. Kung hindi mo pa alam gamitin ito, malamang magsasayang ka ng maraming oras sa advertising para sa iyong negosyo at sa mga job hunting services. Basahin mo lang ito at lubusan itong makatutulong sa iyong career at negosyo.

[Read more…]

Paano Pagbutihin ang Iyong Kakayahang Mag Desisyon

January 16, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Pagbutihin ang Iyong Kakayahang Mag Desisyon - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Kapag marami kang gustong makamit sa buhay, kailangan mabilis kang magdesisyon.

Alam mo ba na madalas akong lumabas at uminom ng kape para magisip ng mga bagong Your Wealthy Mind articles? Ang High Street area ng Bonifacio Global City (BGC) ay parang mahabang liwasan na may maraming tindahan tulad ng nasa loob ng malls, masasarap na kainan, at mga coffee shops. Bukod sa Starbucks, Coffee Bean and Tea Leaf, at Seattle’s Best, naroon din ang mga gusto kong Filipino coffee shop tulad ng Bo’s, Figaro, at Local Edition. Mayroon ding Cafe de Lipa sa Market Market at % Arabica sa may 30th street.

Madalas inaabot ako ng 20 minutos sa paglalakad bago ako magdesisyonn kung saan ako tatambay, iinom ng kape, at saka magiisip ng mga bagong aral at articles na gusto kong isulat para sa inyo dito. Sa kasamaang palad, hindi iyon mabuti at, sa oras na ito, hindi ito tungkol sa mamahaling kape.

[Read more…]

Mayroon ka bang Leadership Habit?

January 9, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Mayroon ka bang Leadership Habit - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ano ang leadership? Hindi ka nagiging leader dahil lang sa iyong titolo o posisyon. Ikaw ay nagiging leader dahil sa kakayahan mong umaksyon. Kung pangarap mong makagawa ng napakabubuting bagay at maging mas matagumpay sa iyong negosyo, career, relationships, finances, at kahit ano pang iba, may isang kalidad, isang habit na kailangan mong makasanayang gawin. Alam mo ba kung ano iyon?

[Read more…]

Bagong Taon, Bagong Layunin: Ano ang Susunod Mong Tagumpay?

January 1, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Bagong Taon Bagong Layunin Ano ang Susunod Mong Tagumpay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Kakatapos lang ng isang taon at kakasimula lang ng panibago. Kung gusto mong simulan ng maayos ang panahong ito at makakamit ng mas maraming bagay, kailangan mong paghandaan ang mga gusto mong makamit sa mga susunod na buwan. Panahon na para itigil ang pagsasayang ng oras para mabuhay lang at pagplanuhan na natin kung paano tayo mabubuhay ng masagana. Sabi nga, kapag hindi mo alam ang pangarap mo, malabong makakamit mo iyon.

Itatanong ko ngayon sa iyo ito: Ano ang mga susunod mong tagumpay?

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in