• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 37

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Butas Wallet? Paano Magtrack, Bawasan Gastos, at Magtipid ng Pera

September 13, 2016 by Ray L. Leave a Comment

English Version (Click Here)

“Annual income twenty pounds, annual expenditure nineteen six, result happiness. Annual income twenty pounds, annual expenditure twenty pound ought and six, result misery.” – Charles Dickens

Maililigtas mo ba ang lumulubog na bangka kapag hindi mo alam kung nasaan ang butas nito? Makakaipon ka ba ng pera kapag hindi mo alam kung saan ito nauubos? Ang isa sa pinakamabuti at pinakasimpleng paraan para bawasan ang iyong paggastos ay ang pag-alam ng pinupuntahan ng pera mo at SAKA mo bawasan ang pag aksaya mo nito. Pagkatapos noon, ikumpara mo ang gastos sa kinikita mo at bawasan mo ito hanggang mas-nakahihigit ang sahod mo kaysa sa paggastos mo.

Para sa akin, nakita ko na ang pinasimpleng version ng technique nina Vicki Robin and Joe Dominguez’ sa libro nilang “Your Money or Your Life” ay mabuting gamitin, at ipapakita ko kung paano mo ito magagamit dito.

*Siya nga pala, pwede kang gumawa ng sarili mong file, o pwede mong gamitin ang libreng template na ibibigay ko sa iyo mamaya. Ginagamit ko iyon mula pa noong 2009.

[Read more…]

Sisirain ba ng Pagmamalasakit at Pag-Asenso mo ang iyong Pamilya?

September 6, 2016 by Ray L. Leave a Comment

Sisirain ba ng Pagmamalasakit at Pag Asenso mo ang iyong pamilya? - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

“Bakit kami magsisikap kung bibigyan mo pa rin naman kami ng libre?” Ihanda mo muna ang sarili mo dahil baka masakit ang aral na ito kapag ikaw umasenso na sa buhay (o aasenso pa lang). Kahit ang kayamanan at pag asenso ay magbibigay sa iyo ng kakayanang makatulong sa iba (sa kamag-anak, kaibigan, at pulubi), ang sobra sobrang pagtulong ay nakakasama. Imbis na bigyan mo sila ng pakpak para makalipad, baka pinapaasa mo lamang sila sa iyong limos.

“In general, I am opposed to giveaways and handouts. They take away initiative and responsibility from people. If people know that things can be received ‘free,’ they tend to spend their energy and skill chasing the ‘free’ things rather than using the same energy and skill to accomplish things on their own. Handouts encourage dependence rather than self-help and self-confidence.” – Muhammad Yunus, Creating a World Without Poverty

(Madalas, umaayaw ako sa pagbibigay ng limos. Inaalis nito ang pagkukusa at responsibilidad ng mga tao. Kung alam nila na ang ilang bagay ay makukuha ng ‘libre,’ madalas gagamitin nila ang lakas at galing nila sa paghahanap ng mga ‘libreng’ bagay kaysa gamitin ang parehong lakas at galing para makamit ang mga gusto nila gamit ang sarili nilang pagsisikap. Ang limos ay humihimok ng pagpapasustento kaysa sa pagtulong sa sarili at pagpapalakas ng loob.)

[Read more…]

Paano Maaprove ang iyong Account sa Google AdSense [Philippines]

August 23, 2016 by Ray L. 52 Comments

How to get your Google AdSense Philippines Account Approved (My Story) - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ang isang popular na paraan para kumita ng pera online ay blogging, at ang pinakakilalang paraan para mamonetize o kumita mula dito ay ang paggamit ng Google AdSense (Philippines din gumagana na ito) para maglagay ng mga ads sa iyong website. May ilang mga nagtanong sa akin sa forums at sa email kung paaano maaprove sa AdSense kaya ikukuwento ko sa iyo ang karanasan ko pati ang mga pwede mong subukan para ikaw ay maaprove din.

[Read more…]

Tipid sa Pera: Limang Payo para sa Pagbili ng Matibay na Gamit

August 16, 2016 by Ray L. Leave a Comment

Best ways to Save money: 5 Simple Tips on Buying QUALITY - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Bagong damit, bagong sapatos, bagong bag, bagong gamit… kasi yung huling binili mo hindi man lang tumagal ng tatlong buwan. Bumili ka ng mumurahing peke at nasisira lang, kaya bumili ka uli at ganoon pa rin nangyari. Hindi ka lang nagsasayang ng pera sa walang kwenta, nakakasama ka rin sa kapaligiran dahil sa basurang itinatapon mo. Kung gusto mong iwasan ang ganoong perwisyo at pagkadismaya, pwede mong pag-aralan ang pagiging tipid sa pera sa pagbili ng may kalidad na gamit. Itigil mo na ang pagbili ng ilang-daang mumurahin at ipunin mo na lang ang pera pambili ng kakaunting kagamitan na dekalidad o matibay. Mas tipid ka sa pagdaan ng panahon at ito pa ang limang payo para lalo kang mas-makatipid pa.

[Read more…]

Paano Yumaman? (Higit sa Stocks, Bonds, at Mutual Funds)

August 8, 2016 by Ray L. 2 Comments

"How can I Get Rich?" (Beyond just Stocks, Bonds, and Mutual Funds) - Your Wealthy Mind

*Ang post na ito ay naglalaman ng mga affiliate links.

English Version (Click Here)

Malamang itinanong na natin sa ating sarili kung paano yumaman at naghanap tayo ng mga libro at articles para sa sagot. Malamang, nahanap natin ang “mag-ipon ng kaunting pera at mag-invest” at kung paano ang pag-invest sa mga stocks, bonds, at mutual funds sa mahabang panahon ay makakapagpayaman sa atin balang araw (itinuturo ko iyon sa iba kong articles). Ang kailangang itanong naman natin ngayon ay iyon lang ba ang dapat nating pagpuhunan?

Ituloy pa natin ang ideang ito. Ang karamihan ba ng mga mayayaman yumaman dahil doon lamang? Sabi ng isang bestselling author at researcher na nagsurvey at naginterview ng ilang-daang milyonaryo, hindi.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 35
  • 36
  • 37
  • 38
  • 39
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in