English Version (Click Here)
Habang naglalakad ako sa Philippine Military Academy (P.M.A.) sa Baguio City, may nakita akong plaka kung saan nakasulat ang mga salitang unang nabasa ko noong high school C.A.T. (Citizen Army Training).
“We, the cadets, do not lie, cheat, steal, nor tolerate among us those who do so.” — Cadet Honor Code
(Kaming mga kadete ay hindi nagsisinungaling, nandadaya, nagnanakaw, o nagpapaubaya sa mga gumagawa nito.)
Kaya natin at DAPAT nating sundin din iyon, at sayang nga lang na may ilan sa ating hindi sumusunod dito. May ibang nakakapasok sa matataas na posisyon sa gubyerno gamit pekeng pangako at pagsisinungaling sa milyon milyong katao. May mga nakakakuha ng maraming pera sa pagbebenta ng mumurahin o walang kwentang bagay at pandaraya sa mga customers. May iba ring nakakakuha ng kayamanan gamit krimen at korupsyon.
Kahit mayroon ngang naging “mayaman at matagumpay” gamit ang masasamang paraan, huwag mong iisipin na iyon lang ang paraan para makamit ang tagumpay. Ang maling pag-iisip na iyon ay pwedeng isumpa ka sa kahirapan, o ito’y tutuksuhin kang gumawa ng krimen para “umasenso.” Hindi mo magugustuhan ang resulta ng mga iyon. Tandaan mo palagi na ang integridad o mabuti at tapat na pagkatao ay kailangan para makamit ang tunay na tagumpay.