• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations

Paano Kumita sa YouTube: AdSense at ang YouTube Partner Program (YPP)

June 13, 2019 by Ray L. 8 Comments

Paano Kumita sa YouTube AdSense at ang YouTube Partner Program YPP Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Paano ba kumita sa YouTube bilang isang vlogger (video blogger)? Ang isang paraan ay ang YouTube Partner Program o YPP na gumagamit din ng Google AdSense. Noong nakaraang linggo, may isang reader na nagtanong sa akin kung paano maaapprove ang kanilang Google AdSense account. Nagsulat na ako ng guide tungkol doon dati, pero ang reader pala na iyon ay nanghihingi ng tulong sa paglagay ng AdSense sa kanilang YouTube channel. Ibang iba ang proseso nito kumpara sa paglalagay ng AdSense sa isang WordPress blog.

Gayunpaman, tinulungan ko pa rin siya at marami rin akong natutunan tungkol sa YPP dahil dito. Ang isang mahalagang detalye sa reader kong iyon ay hindi siya ganoon kadalubahsa sa wikang ingles kaya ang Tagalog na article na ito ay makatutulong nang husto sa mga Pinoy na katulad niya na gusto ring maging vlogger.

Kung gusto mong matutunan kung paano kumita sa YouTube bilang isang vlogger at gamitin ang YouTube partner program, narito ang isang maikling guide tungkol sa mga kailangan mong gawin.

[Read more…]

May Problema? Subukan mo ang Possibility Thinking Game!

June 4, 2019 by Ray L. 1 Comment

possibility thinking game your wealthy mind
English Version (Click Here)

Ang buhay ay puno ng problema at hadlang na kailangan nating masolusyonan. Minsan din, may makakaharap tayong mga napakahirap o “imposibleng” problema. Paano tayo makakahanap ng solusyon kung wala tayong maisip na pwedeng gawin? Pwede nating subukan ang “possibility thinking game” ni Robert H. Schuller.

[Read more…]

10 Inspirational Quotes kapag Ikaw ay May Problema sa Buhay

May 28, 2019 by Ray L. 1 Comment

Inspirational Quotes kapag Ikaw ay May Problema sa Buhay
English Version (Click Here)

Sinabi ko sa nakaraang article na may malaking problemang pinagdadaanan ang pamilya namin at walang garantisadong solusyon hanggang ngayon. Sa buhay natin, may mga tao na walang pakialam kung makakasakit sila ng iba basta may makukuha silang benepisyo (tulad ng pera o iba pang bagay), pero meron pa rin mga taong tutulong. Ano man ang mangyari at sino man ang mga makaharap mo, kailangan mo pa ring gawin ang iyong makakaya.

Kapag ikaw ay naghihirap at may problema sa buhay, basahin mo lang din muna itong mga inspirational quotes na sana ay makatulong sa iyong magpursigi laban sa mga hinaharap mong mga pagsubok.

[Read more…]

Kapag may Problema, Magdasal para Maging Mapayapa

May 22, 2019 by Ray L. 4 Comments

magdasal para maging mapayapa your wealthy mind
English Version (Click Here)

Namomroblema nang husto ang pamilya ko nitong nakaraang buwan dahil sa ginawa ng isang korporasyon malapit sa aming bahay kaya nakikiusap kami sa mga abugado at government offices para humingi ng tulong. Nagkakasakit na ang aking ina dahil sa pagod, at hindi kami makapagpahinga dahil sa pagaalala.

Sa mga panahong ganito, naalala ko tuloy ang isang simpleng dasal na natutunan ko sa dati kong kolehiyo. Ito ay ang “Serenity Prayer” na isinulat ni Reinhold Neibuhr (1892-1971).

[Read more…]

Isang paraan para maging masaya: Matuwa sa pagmamay-ari ng iba

May 14, 2019 by Ray L. Leave a Comment

Isang paraan para maging masaya Matuwa sa pagmamay ari ng iba your wealthy mind
English Version (Click Here)

Sabi nga, walang hangganan ang pagiging mapagkamkam ng mga tao. Palagi nating hahangarin ang mas marami at mas maganda sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Tama lang naman na gustuhin nating umasenso at mabuhay nang mas maginhawa. Ang tamang ambisyon nga naman ang dahilan kung bakit umaasenso ang mga tao at ito rin ang sanhi ng tagumpay.

Sa pagmamadali nating makakuha pa ng mas marami, pwede nating makalimutang pahalagahan ang mga nakukuha natin sa buhay. Maraming magagandang bagay sa paligid natin. Kung ang iniisip lang natin ay mga bagay na hinahangad natin at mga bagay na hindi natin nakakamit, mapapagod lang tayo at hindi natin mapapansin ang kagandahan sa buhay.

Narito ang isang napakahalagang aral mula kay Orison Swett Marden na dapat nating matutunan dahil pwedeng mapabuti nito ang ating buhay.

[Read more…]
  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 9
  • 10
  • 11
  • 12
  • 13
  • …
  • 50
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in