• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations

Paano Harapin ang mga Problema at mga Abala sa Buhay

June 5, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Harapin ang mga Problema at Hadlang sa Buhay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Problema, emergencies, at mga abala. Hindi natin sila maiiwasan. Ang magagawa lang natin ay paghandaan sila, at kapag nangyari sila kailangan nating hanapin ang pinakamabuti nating pwedeng gawin sa mga sitwasyong iyon.

Mga 10pm na nang gabi iyon at nagiistream ako ng digital art sa Twitch.tv. Kinukulayan ko ang bago kong comic at kausap ko ang aking mga manonood noong biglang nawalan kami ng kuryente. May isa nanamang brown out o power outage sa aming lugar. Hindi ko na natapos nang maayos ang aking stream at hindi rin ako nakapagpaalam nang maayos sa aking mga manonood. Bukod pa doon, hindi pa rin ako nakakapagsimulang magsulat ng article ko sa linggong ito (itong article na ito). Marami pa akong trabahong kailangang tapusin, at hindi ko sila magawa.

Parati tayong makakaranas ng iba ibang mga ganoong problema. May brown out, naipit sa trapik ang bus na sinasakyan natin, nasira ang internet at telepono natin, o iba pa. May mga oras din na nadelay ang ating kita o suweldo, o mga oras kung saan nasiraan ka ng kotse bago ang isang meeting kasama ang isang mahalagang kliente sa trabaho.

Ano ang dapat nating gawin kapag may problema o abala na pumupigil sa ating gawin ang kailangan nating gawin?

[Read more…]

Ano ang Assets at Liabilities? (at Paano Yumaman, Ayon kay Kiyosaki)

May 29, 2018 by Ray L. 4 Comments

Ano ang Assets at Liabilities at Paano Yumaman - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Kapag nakapagbasa ka na ng mga bagay tungkol sa personal finance o sa tamang paghahawak ng pera, malamang may narinig ka na tungkol sa librong Rich Dad, Poor Dad, ang best-selling book ni Robert Kiyosaki. Para sa akin, napakabuting libro nito at dapat basahin mo ito, lalo na kapag hindi pinaguusapan ang pera ng mga magulang at kaibigan mo habang lumalaki ka. May isang aral doon na hindi ko makalimutan at dapat mo ring matutunan ito:

Rule One. You must know the difference between an asset and a liability and buy assets. Poor and middle class acquire liabilities, but they think they are assets. An asset is something that puts money in my pocket. A liability is something that takes money out of my pocket.
— Robert Kiyosaki

Translation: Ang ikaunang payo. Kailangan alamin mo ang pinagkaiba ng asset at liability at bumili ka ng assets. Ang mga mahihirap at middle class ay kumukuha ng liabilities, pero akala nila assets ang mga ito. Ang asset ay isang bagay na naglalagay ng pera sa bulsa ko. Ang liability ay nagtatanggal ng pera mula sa bulsa ko.

[Read more…]

Paano Maging Mas Productive Gamit ang Eisenhower Matrix

May 22, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Maging Mas Productive Gamit ang Eisenhower Matrix - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Sa panahon ngayon, hindi tayo nauubusan ng mga bagay na kailangang gawin. Halos palagi may kailangan tayong tapusin, pero madalas wala tayong panahon para tapusin silang lahat. Sa kabutihang palad, hindi naman kailangang tayo lang palagi ang gagawa ng lahat ng nasa listahan natin at hindi din natin sila kailangang tapusin lahat agad. Ang pagsasapuso sa puntong iyon ay isang mabuting paraan para hindi lang maging mas productive pero maging mas epektibo din.

Paano ka magiging mas epektibo sa trabaho gamit ang limitado mong oras? Subukan mong gamitin ang technique ng dating U.S. President na si Dwight Eisenhower: ayusin mo ang listahan ng kailangan mong gawin ayon sa kung gaano sila kailangan madaliin (urgent) at kung gaano sila kahalaga! Narito ang paraan kung paano maging mas productive gamit ang Eisenhower matrix.

[Read more…]

20 Inspirational Quotes Tungkol sa Pagsisikap at Pagkamit ng Tagumpay

May 15, 2018 by Ray L. 1 Comment

20 Inspirational Quotes Tungkol sa Pagsisikap at Pagkamit ng Tagumpay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Minsan ang kailangan lang natin ay kakaunti pang karagdagang lakas ng loob upang malagpasan ang araw at makagawa ng isa pang hakbang patungo sa tagumpay. Narito ang dalawampung inspirational quotes tungkol sa tagumpay at pagsisikap na malamang magbibigay sa iyo ng lakas para ipagpatuloy ang iyong pagpupunyagi.

1. “You are never too old to set another goal or to dream a new dream.” — Les Brown

Gaano ka pa man katanda, pwede ka pa ring magsimula ng bagong layunin o mangarap ng bagong pangarap.

 

2. “If you don’t like how things are, change it! You’re not a tree.” — Jim Rohn

Kung hindi mo gusto ang kalagayan mo ngayon, baguhin mo! Hindi ka naman puno.

 

3. “We may encounter many defeats, but we must not be defeated.” — Maya Angelou

Makaranas man tayo ng napakaraming pagkatalo, hindi natin dapat tanggapin ang kabiguan.

 

4. “In order to succeed, we must first believe that we can.” — Nikos Kazantzakis

Upang magtagumpay, kailangan muna nating paniwalaan na kaya nating magtagumpay.

 

5. “The secret of getting ahead is getting started.” — Mark Twain

Ang sikreto sa pagasenso ay ang pagsisimula (ng pagsisikap o pagpupunyagi).

[Read more…]

Paano Malaman Kung Sulit ang Iyong Paggastos (o Hindi)

May 8, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Paano Malaman Kung Sulit ang Iyong Paggastos o Hindi - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Nagbigay si Orison Swett Marden ng mabuting payo para malaman natin kung sulit man o hindi ang paggastos natin ng pera: “It is wholly a question of what you get out of your expenditure, not its amount, which makes it a wise expenditure or a foolish one.” Ang nakuha mo sa iyong paggastos, hindi ang laki ng halagang ginastos mo, ang batayan ng kabutihan o pagkasulit ng iyong gastusin. Kung lamang ang pakinabang na nakuha natin kumpara sa ginastos, mabuti ang paggastos natin. Eto lang ang kailangan nating tandaan. Ang halaga ng bagay ay hindi palaging maitutugma sa presyo nito, at napakaraming gastusin ang walang kwenta gaano pa man kaakit-akit ang bawas o pagkamura nito.

Heto ang isang maiksing guide na pwede mong gamitin para malaman kung maayos ba ang iyong paggastos ng pera.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 19
  • 20
  • 21
  • 22
  • 23
  • …
  • 50
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in