• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations

The “Rich vs. Poor” Myth: Hindi Ninanakaw ang Kayamanan, ito’y PINAGSISIKAPAN

September 9, 2015 by Ray L. Leave a Comment

rich vs poor myth wealth earned yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)
Hindi nilikha ng Diyos ang tao upang maging mahirap.
Wala sa pagkatao natin ang angkop sa pagdurusa at paghihirap. Ang mga tao ay nilikha upang maging masagana, masaya, at matagumpay.
Hindi ginawa ang tao para magdusa, tulad ng katotohanang hindi siya ginawa upang maging baliw o kriminal.
– Orison Swett Marden, Prosperity: How to Attract It

Minsan napupunta ako sa pinakamagagandang malls at shopping centers sa Pilipinas gaya ng Greenbelt, SM Aura, Bonifacio High Street, at iba pa. Sa bawat paglingon ko may mga mayayaman na kumakain sa mga restaurant na ang bawat ulam ay mas-mahal pa sa pangaraw-araw sweldo sa isang trabahador, suot ang mga damit na kasing-mahal ng sweldo nila sa isang buwan, at bumibili ng mga gadgets na aabutin tayo ng ilang taong pag-iipon para mabili.

Sa kabilang dulo ng siyudad, ilang kilometro lang sa mga magagarang lugar ay mga komunidad na mahihirap at hindi kayang mabuhay ng sapat. Ayon sa report ng ABS-CBN tungkol sa Philippine Statistics Authority (PSA) Annual Poverty Indicators Survey (APIS) noong 2014, halos isa sa apat na Pinoy ay naghihirap. Dahil sa kawalan ng mabuting pagkakakitaan, marami ang napipilitang mamulot ng basura para makahanap ng pagkain, natutulog sa kahon sa kalsada, at nanlilimos ng ilang piso para lang mabuhay.

Habang ang ilang mga bata ay naglalaro sa lansangan dahil hindi sila kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang (ang edukasyon ay isang susi para makaahon sa kahirapan), ang mga anak ng mga mayayaman ay binibigyan ng lubos-lubusang mga kagamitan, masustansyang pagkain, pinakamabuting edukasyon, at napakarami pa.

Parang hindi ito tama diba?
Oo. Hindi nga ito tama. Paano naman natin ito masosolusyonan?
[Read more…]

Mag-ingat: Investment Advisor Scams

September 4, 2015 by Ray L. Leave a Comment

Beware of Investment Advisor Scams
ENGLISH Version (Click Here)

Isang biyernes ng hapon, ipinakita sa akin ng kaibigan ko ang isang investment strategy video.

Sa simula, akala ko ito’y tungkol sa “money cost averaging,” isang epektibong technique na nagpapababa ng risk gamit ang pag-invest ng naka-set na amount ng pera ng paunti-unti. Hindi pala tungkol doon ang video na nakita ko. Gaya ng pagkaganda ng fast-food hamburger sa mga TV commercial kaysa sa totoong produkto, ang investment “system” nila ay nagpapakita ng napakagandang past performance returns (mga 20-30% ang kita). Posible nga ang ganoong kita… kung NAPAKASWERTE ka. Ang mga umaasa na PALAGING makakakuha ng ganoong kita ay mabibigo.

Sa kalagitnaan ng video patuloy ipinakita kung paano gumagana ang “system.” Kinilabutan ako noon. Nanlaki ang mata ko at napapigil hininga ako ng ilang sandali. Para akong nanonood ng commercial na nagpapainom ng pesticide bilang “health” drink.
[Read more…]

Mula Jeepney Driver hanggang maging Milyonaryo: Pag-Invest para Yumaman, kahit Maliit ang Kita

August 28, 2015 by Ray L. Leave a Comment

From Jeepney Driver to Millionaire yourwealthymind your wealthy mind
ENGLISH Version (Click Here)
Alam mo ba na ang mga Jeepney Driver ay pwedeng maging MILYONARYO?

Oo, alam ko na isa sila sa mga pinakamahirap sa Pilipinas at ang kinikita nila ay nasa P300-400 kada araw… pero huwag mong mamaliitin yon.

Kaya nilang maging milyonaryo kahit ganoon lang ang kinikita nila, at alam mo ba na…?

KAYA MO RIN.
“Palaging mukhang imposible hanggang may makagawa nito.”
– Nelson Mandela
Bago tayo magsimula, eto ang isang quiz:

[Read more…]

Mula Libro patungong Kayamanan: Paano mo Matututunan ang Pagsikap at Pagpapayaman

August 23, 2015 by Ray L. 2 Comments

Books to Riches yourwealthymind your wealthy mind pixabay
ENGLISH Version (Click Here)
“Madalas ang pagbabasa ng libro ang nagpayaman sa iba.”
– Ralph Waldo Emerson
Kung papipiliin ka:

Ilang librong P3,000 ang presyo,
o P5,000 ng groceries/sigarilyo/beer/gamit alin ang pipiliin mo?

Marami ang pipili ng P5,000 ng kagamitan.
…pero paano kung ang mga librong iyon ay magtuturo sa iyo kung paano mag-invest at MAGING MILYONARYO sa loob lamang ng 20 taon? Kukunin mo pa ba ang mga kagamitang hindi tatagal ng ilang buwan?

Yun ang pinagpilian ko noon, at sasabihin ko sa iyo kung paano ako nagsimula. Malay mo…

Baka magawa mo rin iyon…

[Read more…]

Isang Pangarap: Pasaganahin ang Mundo, Puksain ang Kahirapan

August 18, 2015 by Ray L. Leave a Comment

ang kayamanan ay hindi ninanakaw o nililimos ito'y pinagsisikapan yourwealthymind your wealthy mind
ENGLISH Version (Click Here)
“Ang edukasyon ang pinakamalakas na sandatang pwede mong gamitin para baguhin ang mundo.”
– Nelson Mandela

6pm o 7pm na kapag papauwi ako mula sa trabaho. Sa paglakad pauwi, napapadaan ako sa isang overpass na dinadaanan ng maraming tao.

Doon sa lapag, nakikita ko siya ilang beses kada linggo. Nakaupo sa daan, ang kaniyang mga binti ay nakatupi at nakatago sa maruming damit. Ang kaniyang balat ay marungis, buhok niya’y kulot at mahaba na sa kawalang-alaga, at ang kaniyang mukha ay hindi umiimik. Sa kamay niya ay may maruming plastic na baso, gamit na at itinapon ng iba, at palagi niya itong inaabot sa mga dumadaan. Tahimik lang siyang nanlilimos.

Naghuhulog ako ng limang-piso habang naglalakad pauwi.

Kada-linggo ilang beses ko siyang nakikita sa parehong lugar, parehong damit, at ganoon pa rin ang ginagawa. At naghuhulog uli ako ng limang-piso.

Linggo-linggo nakakakuha siya ng barya mula sa mga naglalakad. Linggo-linggo andoon lang siya. Magkano pa kaya ang kailangan nating ibigay para makabili siya ng maayos na damit? Magkano para makabili siya ng maayos na bahay? Magkano para makabili ng mabuting kabuhayan?
[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 47
  • 48
  • 49
  • 50
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in