English Version (Click Here)
Sa pagluluto, ang mga pinakamagagaling na chef ay sumusunod sa konseptong “mise en place” (lahat nasa tamang lugar). Ibig sabihin noon, kailangan naintindihan mo na ang mga instructions o tagubilin sa pagluluto at inihanda mo na ang lahat ng sangkap bago ka magsimula. Kung hindi mo siniguradong ihanda ang lahat ng kailangan, ang mga nakalimutan mong gawin ay pwedeng makasira sa lasa ng iyong niluluto. Ang konseptong ito ay pwede mo ring gamitin sa pagsisimula ng negosyo. Kailangang planado mo na ang lahat para makita mo ang mga bagay na pwedeng pagmulan ng problema at iresolba mo sila bago ka magsimula, at ililista mo rin ang mga bagay na kailangan mong gawin para mas mataas ang pagkakataong magtagumpay ang iyong negosyo.
Bukod sa paghahanda para sa mga problemang pwedeng harapin, kapag nangangailangan ka ng loans sa bangko o kailangan mo ng investors na magbibigay ng pera o kapital para sa iyong negosyo, malamang gugustuhin muna nilang makita ang iyong business plan. Isipin mo lang, kung may nanghihingi sa iyo ng sampung libong dolyar (halos P500,000), ang negosyanteng alam ang kailangan nilang gawin para magtagumpay ang kanilang negoyso ay mas nararapat bigyan ng pagkakataon kumpara sa isa pang negosyanteng nanghuhula lang.
Maraming ibang mas detalyadong guides tungkol sa pagsulat ng business plan sa internet. Ang article na ito ay maglalaman lang ng basics. Ang pangunahing dahilan kung bakit isinulat ko ito ay dahil hindi ganoon karami ang mga guides na nakasulat sa Tagalog. Kapag kailangan mong magsimulang gumawa ng business plan, basahin mo lang ito para makita ang ilang mga bagay na kailangan mong pagisipan.