English Version (Click Here)
Paminsan minsan, may kumokontact sa akin tungkol sa negosyo. Habang ang karamihan sa kanila ay nagbibigay ng mabubuting offer at tumatanggap ng mga rates na isinasaad ko (sinisigurado kong patas para sa lahat), may ilang okasyong sobrang baba ng offer na ibinibigay nila sa akin. Kapag nangyayari iyon, tumatanggi lang ako. Kung kaya ko rin, inirerefer ko sila sa iba na baka pumayag para makatulong lang. Hindi ko tinatanggap ang mga offer na hindi tama o patas para sa akin.
Bakit ko ito ikinuwento sa iyo? Dahil ito ang “sikreto” para manalo sa mga deals. Hindi nga manalo, kundi “hindi matalo.” Ang aral na ito ang pwedeng maging batayan ng pag-asenso mo gamit ang pagkamit ng mas-mabubuting deals, o ang iyong patuloy na pagkabigo dahil palagi kang tumatanggap ng mas-masasamang offers.
Paano Hindi Matalo sa Negosasyon
Isipin mong magsisimula ka sa isang magandang career at alam mo na ang entry level na sahod ay nasa P20,000 o higit pa kada buwan. Matapos ang isang buwang paghahanap ng openings, nakahanap ka ng isa, ikaw ay na-interview, at pumasa ka. Bago mo pirmahan ang kontrata, nakikita mo na ang pinakamataas na starting salary na ibibigay nila ay… P10,000 a month lang.
Tatanggapin mo ba? Malamang hindi.
Sayang nga lang, may mga taong tatanggap ng PALUGING deals dahil INIISIP nilang wala na silang ibang alternatibo, o hindi sila KARAPAT-DAPAT makatanggap ng mas-makabubuti sa kanila. Pwera na lang sa pagtanggap ng hindi mabuting deals dahil sa depserasyon, ang pagtanggap sa mga nakakasamang deals ay kailangan mong iwasan. Madali nga talaga iyong sabihin.
Noong nabasa ko ang The Seven Habits of Highly Effective People ni Stephen Covey, natutunan ko ang isang napakahalagang aral na pwedeng magamit sa business at pakikipagkaibigan:
“Think WIN WIN.”
Sa baway pakikitungo mo sa ibang tao, ang LAHAT ay dapat mabigyan ng benepisyo. Sa halimbawa ng paghahanap ng trabaho, ang empleyado ay makakakuha ng stable at maayos na trabaho sa mabuting sahod, at ang employer naman ay makakakuha ng empleyadong gagawin ang trabahong kailangang gawin. Pareho silang may benepisyo. Kung ang employer naman ay hindi nagbabayad ng sapat na sahod o ang empleyado ay tamad kahit nabibigyan sila ng tamang sweldo, iyon ay isang scenario kung saan may natatalo at iyon ay kailangang iwasan.
Always think WIN WIN. Ang pinakamabuting pwedeng mangyari ay makinabang ang lahat.
Paano naman ngayon kung walang gustong magkompromiso? Ang employer ay nagbibigay ng napakababang sahod, o ang empleyado ay nanghihingi ng sobrang taas na sahod na hindi naman karapat-dapat? Paano naman din kung ang presyong nabibigay nila ay ang dulo ng kanilang makakaya, tulad ng employer na isang startup lang na walang masyadong pera, o ang empleyado ay NAPAKAHUSAY na expert na talagang binabayaran ng mataas na sahod?
Doon nila kailangang gamitin ang susunod na option: NO DEAL.
Kung hindi kaya ang maayos na agreement, itigil na lang nila ang negosasyon at maghanap ng alternatibo. Kung maaalala mo, iyon ang ginagawa ko sa mga hindi nagbibigay ng tamang presyo. Wala naman akong galit sa kanila. Ito’y tama lang na gawain.
Iyon ay isang aral na kailangan mong gamitin. Kung hindi mo gusto ang terms, mas-mabuting umalis ka na lang. Iwasan mo ang employer na hindi nagbibigay ng tamang sahod, iwasan mo ang empleyadong nanghihingi ng sobra sobrang pera, iwanan mo ang kaibigang nakikisama sa iyo dahil lang gusto nilang mangutang at hindi nagbabayad ng utang, at iwanan mo ang toxic relationship kung saan ikaw ay nagdurusa.
Alisin mo na ang scarcity mindset (iniisip na walang oportunidad o alternatibo) at gamitin mo ang abudance mindset. Palaging mayroong alternatibo, para sa iyo at sa iba. Hindi mo kailangang palaging magkompromiso o matalo sa bawat negosasyon. Iwasan mo ang mga iyon at maghanap ka ng matapat o tamang alternatibo. Kung maghahanap ka, makikita mo sila, lalo na sa mga lugar kung saan hindi mo naisip hanapan.
Leave a Reply