*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Yung kaibigan ko higit sampung oras siya nagtratrabaho ARAW ARAW kahit weekends. Ginagawa na niya ang trabaho niyang iyon ng ilang buwan na at ayos lang sa kanya ang ganoong schedule. Sayang lang at karamihan sa atin hindi gusto ang ating trabaho. Kahit gaano man natin kagustong mawala ang stress mula sa trabaho, halos palagi itong nariyan para ubusin ang ating lakas. Ayaw mo rin ba sa Lunes/Mondays? Hindi ka ba nageenjoy sa iyong trabaho? Pagod at stressed ka ba pag-uwi sa bahay dahil sa trabaho? Nananatili ka lang ba sa trabaho mo dahil kailangan mo ng pera?
May isang mabuting gamot para sa stress sa trabaho. Hindi ito madaling solusyon, pero makakabuti ito ng lubusan.
Ang Pinakamabisang Gamot Para sa Stress mula sa Trabaho
May isang aral na nanatili sa akin mula sa librong The Millionaire Mind ni Thomas J. Stanley. Karamihan sa mga milyonaryo ay nagsisikap, pero hindi sila madalas stressed. Bakit? Dahil alam nila ang pinakamalalang sanhi ng stress at natutunan nilang imanage ang buhay nila para iwasan ito.
“As most millionaires report, stress is a direct result of devoting a lot of effort to a task that’s not in line with one’s abilities. It’s more difficult, more demanding mentally and physically, to work in a vocation that’s unsuitable to your aptitude. It’s even worse if you know that you are a round peg assigned to a square hole. Add the realization that your vocation has little or no probability of making you wealthy, and you are stressed out big-time.” — Thomas J. Stanley, The Millionaire Mind
(Sabi ng mga milyonaryo, ang stress ay direktang resulta ng lubusang pagpipilit sa gawaing hindi angkop sa iyong kakayahan. Mas mahirap mentally at physically ang pagsisikap sa trabaho o bokasyong hindi tama para sa iyong aptitude o kakayahan. Malala pa dito kung alam mo na ikaw ay parang isang bilog na paltak na pilit ipinapasok sa parisukat na butas. Idagdag mo pa ang kaalamang sa trabaho mo ngayon ay may kakaunti o halos wala kang pagkakataong umasenso, at lubusan ka ngang maiistress.)
Sa madaling salita, ang pagsisikap sa trabahong hindi tama para sa iyo (at hindi magpapayaman sa iyo) ay nakakasama.
Kapareho nito ang itinuro nina Marcus Buckingham at Curt Coffman sa management classic na First, Break All the Rules: What the World’s Greatest Managers Do Differently. Ang mga tauhan ay mabuting ilagay sa mga trabahong gumagamit sa kanilang talento. Halimbawa, kung pinilit mo ang gitarista na gumamit ng drums (at gawin mo ang kabaliktaran nito), mahihirapan ka lang at papangit ang resultang makakamit mo. Karamihan sa atin ay katulad ng mga musikerong pinipilit magpatugtog gamit ang instrumentong hindi natin gusto para lang makabayad ng mga bilihin.
Naaalala mo ang kaibigan kong nagtratrabaho ng higit sampung oras kada araw? Mahilig siyang magdrawing at gumawa ng digital art, kaya nagbukas siya ng commissions at nagsimula siyang magstream sa twitch.tv (panoorin mo siya dito). Dahil gusto niya ang ginagawa niya, madali niyang nagagawa ito ng ilang oras araw araw at pati mga weekends. Kung kaya niyang gawin iyon, bakit hindi rin natin subukan?
Maghanap ka ng career o negosyong gustong gusto mo. Oo, pwede kang magkaroon ng magarang titolo o career na pwede mong ipagmayabang sa mga kaibigan, pero makabubuti ba sa iyo ito kung ang kapalit ay hindi ka masaya sa buhay dahil sa sobrang stress sa trabaho?
Pag-isipan mo lang.
Pag-isipan mo ang iyong pangarap na career o bokasyon. Ito’y dapat isang bagay na gagawin mo kahit hindi ka binabayaran, SAKA ka maghanap ng paraan para kumita mula dito. Kung gusto mong makaiwas sa stress sa trabaho, kailangan mong maghanap ng trabahong ikatutuwa mo. Pagplanuhan mo na iyon: ayusin mo ang iyong finances, pag-aralan ang kailangang pag-aralan (hal. business, marketing, management, specialized skills, atbp.), at maghanap ka ng paraan para lumipat doon matapos ang ilang taon (ginawa ko na iyon—iclick mo lang ang link na ito para malaman mo ang ginawa ko).
Hindi ito magiging madali, pero ito’y makabubuti ng husto. Huwag mong kalilimutan na ang buhay ng tao ay nasa mga 70 years lang. Huwag mo nang patagalin pa dahil lahat tayo’y mauubusan din ng panahon.
May isang pagkakataon ka lang para mabuhay. Hindi ba panahon na para ipasabuhay mo ang iyong mga pangarap?
Leave a Reply