English Version (Click Here)
Criticism is something you can avoid easily—by saying nothing, doing nothing, and being nothing.
(Ang kritisismo o pagpuna ay madali mong maiiwasan—wag kang magsalita, wag kang gumawa, at maging wala kang kwenta.)
— Aristotle
Noong nakaraang linggo nagsulat ako tungkol sa kung paano pinintasan ang sagot ko sa “What one sentence can change the world if every human being would live by it?” (Anong isang sentence/pangungusap ang makakapagpabago sa mundo kung isinabuhay ito ng bawat tao?) dahil hindi gusto ng isang tao na pwedeng kumita ng pera mula sa pagblog at pagsusulat ng mga guides ang kagaya ko. Kahit pwede kong awayin siya sa internet, wala namang akong mapapala kapag ginawa ko iyon. Buti na lang at nakapulot ako ng kaunting inspirasyon mula sa kanya. Pwede mo ring gawin iyon kapag ikaw ay pinipintasan. Kaysa magalit, bakit hindi mo subukang kumuha ng mabuting aral mula dito?