• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 34

Paano Mag-Budget ng Pera: Isang Maiksing Aral Tungkol sa Personal Finance

February 6, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Paano Mag-Budget ng Pera - Isang Maiksing Aral Tungkol sa Personal Finance - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Kakaunti lang sa atin ang may oras para magbasa ng librong may 300 pages. Pwedeng ngang wala tayong ilang minuto para magbasa ng 2,000-word na article! Kung gusto mo ng maiksi at simpleng guide tungkol sa kung paano mag budget ng pera at paano makaipon ng pera, ang article na ito ay para sa iyo!

“A big part of financial freedom is having your heart and mind free from worry about the what-ifs of life.” (Isang malaking bahagi ng financial freedom ay ang kalayaan ng puso’t isipan mula sa pag-aalala tungkol sa kawalang-katiyakan ng buhay.) – Suze Orman

Bago tayo magsimula, huwag mong kalilimutan ang LAYUNIN ng pagbudget ng pera:
Katatagan at Kapayapaan ng Iyong Finances/Pananalapi (Financial Stability) at Financial Freedom

Mahirap maging masaya sa buhay kapag baon ka sa utang, kapag nag-aalala tungkol sa kung saan makakapaghagilap ng pera para magbayad ng mga bayarin, at kapag ang buong pamilya mo ay nagdurusa sa kahirapan at kakulangan. Sa kabilang dako naman, mas-madaling maging masaya sa buhay kapag may labis kang pera at kagamitan para mabayaran ang mga kailangang bilhin, bumili ng masasarap na pagkain, bumili ng pangkatuwaan, maglakbay, makatulong sa kapwa, at iba pa. Mas-madali pa kapag hindi mo na kailangan pang magtrabaho ng 9-to-5 dahil ang mga investments mo ay kumikita PARA SA IYO at may oras at kakayahan kang gawin ang mga gusto mo kahit kailan mo gusto.

Ito ang layunin ng mabuting paghawak ng pera, at ito ang matututunan mo dito.

“No one can feel easy or safe who is living from hand to mouth.” (Walang makakaramdam ng kaginhawaan at kaligtasan kapag nabubuhay ng isang kahig, isang tuka.) – Orison Swett Marden

[Read more…]

Gusto mong gumawa ng blog? 20 Best Blogging Tools at Plugins para sa WordPress

January 30, 2017 by Ray L. 2 Comments

Gusto mong gumawa ng Blog - 20 Best Blogging Tools at Plugins para sa Wordpress - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links. Alalahanin mo nga lang na ginagamit ko ang lahat ng tools dito sa YourWealthyMind.com at hindi ako magrerekomenda ng mga bagay na hindi ko pinagkakatiwalaan.

Para sa pagpapalaganap ng iyong brand o negosyo, kumita ng pera online, o ilabas ang iyong creativity at galing, ang paggawa ng blog ay isa pa rin sa pinakamabuti at pinaka-accessible na paraan para ikaw ay magpublish ng content sa internet. Nagblog ako ng seryoso ng higit isang taon at ito ang mga pinakamabuting blogging tools at wordpress plugins na ginagamit ko sa YourWealthyMind.com. Kung gusto mong gumawa ng blog, baka magustuhan mo ring gamitin ang mga ito.

[Read more…]

Sampung rason para Mag-Invest sa Stocks na nagbibigay ng Dibidendo

January 24, 2017 by Ray L. Leave a Comment

“Sampung rason para Mag-Invest sa Stocks na nagbibigay ng Dibidendo” is locked Sampung rason para Mag-Invest sa Stocks na nagbibigay ng Dibidendo - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Ilang linggo na nakalipas, ang isang reader ko ay nagsend sa akin ng email at nagtanong siya tungkol sa pag-invest sa mga stocks na nagbibigay ng dibidendo. Dahil gusto ko din ang long-term o pangmatagalang dividend growth investing (kaysa sa trading, market timing, at panghuhula o speculation sa paggalaw ng stocks), sinubukan so siyang tulungan hanggang kaya ko. Sa huli, ang payo ko sa kanya ay dapat niya itong pag-aralan ng kusa dahil ang mga experto na nagsusulat ng mga libro tungkol sa investing ay may mas-marami at mas-mabuting kaalaman at detalyeng maituturo sa kanya kumpara sa masasabi ko sa iilang email.

Ganoon pa man, kung gusto mo ring matutunan ang ilang bagay tungkol sa pag-invest sa dibidendo, eto ang sampung aral tungkol sa dividend stocks na kailangan mong malaman ngayon.

[Read more…]

Basics ng Personal Finance: Ang Beginner’s Guide tungkol sa kung Paano Palaguin ang Pera

January 17, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Basics ng Personal Finance: Ang Beginner's Guide tungkol sa kung Paano Palaguin ang Pera - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Noong kabataan ko, naaalala ko ang isang nilaro kong role-playing game na tinatawag na Fable 2. Kahit medyo komplikado ang kwento nito, ito’y karaniwang RPG kung saan kinukumpleto mo ang mga quests, sumusugod ka sa mga kalaban, at nagliligtas ka ng mga baryo at siyudad. Ang isang bagay na may malaking impact sa akin ay bukod sa paglaban sa mga halimaw at pagresolba ng mga quests, pwede ka ring “magtrabaho” (mga minigame) at bumili ng mga tindahan at negosyo para kumita ng pera.

Sa simula ng laro, ang “gold” (pera sa game) ay mahirap makuha kaya hindi ko palaging mabili ang pinakamalalakas na sandata at armor. Kapag naipagpatuloy mo ang laro, saka lalabas ang mga trabaho gaya ng bartending (barista) at blacksmithing (panday). Kaysa lumaban sa mga halimaw at magpatuloy ng kwento, ilang ORAS ako sa mga “trabahong” iyon para makakuha ng pera. Matapos makaipon ng ilang libong gold, hindi ako bumili ng bagong sandata o armor. Bumili ako ng tindahan ng gulay at iba pang tindahan na kumikita para sa akin ng kaunting gold kada sampung minuto.

Sa pagdaan ng oras at pagdami ng kita mula sa mga tindahan, inipon ko ang kinita ko at nagpatuloy ako sa blacksmith para makabili pa ng MAS MARAMING tindahan. Pagdaan ng panahon, kumita ako ng ilang daan hanggang ilang libong gold kada sampung minuto sa laro. Pagkatapos ng ilan pang oras, kinaya ko nang bumili ng mga malalaking negosyo na ilang milyon ang presyo gaya ng mga taverns at blacksmiths at malaki ang naidagdag nila sa aking kita kada sampung minuto.

Ano ang susunod na nangyari? Iniwan ko muna ang laro para gawin ang aking homework, magbasa sa internet, atbp. Noong pagbalik ko, ang mga negosyong binili ko ay kumita ng ilang libong gold na ginamit ko para bumi ng pinakamalalakas (at pinakamamahaling) sandata at armor. Ang paglaban sa mga halimaw at pagligtas sa mga siyudad ay naging napakadali na noon.

Bakit ko kinuwento iyon sa iyo? Simple. Kapag natutunan mo ang mabuting paghawak ng pera, magiging napakadali din ng iyong buhay. Isipin mo lang. Hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol sa biglaang emergency at kung paano magbayad ng mga bayarin dahil may pera ka para sa kanilang lahat. Malaya ka mula sa nakakasakal na utang dahil binayaran mo na silang lahat at marunong kang umiwas sa karagdagang utang. Malaya ka para maghanap ng mas-mabubuting trabaho, negosyo, at iba pang oportunidad dahil may ipon ka para sa kanila. Higit sa lahat, hindi mo na kailangang mag-alala pa tungkol sa mahirap na pagkayod sa trabaho, matatagal na commute, at masasamang amo at malaya ka para sundan ang iyong mga layunin at pangarap dahil ang mga investments mo ay nagbibigay ng matibay na pangkabuhayan para sa iyo at sa iyong pamilya. Kahit ang pera ay hindi ang pinakamahalagang bagay sa mundo (ito’y kagamitan lamang na magagamit para makagawa ng mga bagay), ito’y makakatulong sa iyong buhay kapag ginamit mo itong mabuti.

Hindi ba mabuti iyon? Posible lahat iyon kapag natutunan mo ang tamang paghawak ng pera. Kung gusto mong matutunan ang basics ng personal finance, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa. Ito’y napakabuting simula ng iyong paglalakabay.

 

[Read more…]

7 Aral sa Buhay mula sa isang usapan noong Weekend

January 10, 2017 by Ray L. 2 Comments

7 Aral sa Buhay mula sa isang usapan noong Weekend - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Minsan, matututunan mo ang pinakamahahalagang aral sa buhay sa pakikipagusap mo sa iyong mga kaibigan. Noong nakaraang Sabado nakasama ko ang aking dating classmate noong high school na kakagaling lang mula Singapore. Marami kaming napagusapan gaya ng mga ginawa namin noong mga nakaraang taon, mga plano sa aming kinabukasan, mga aral sa buhay na natutunan namin, at marami pang iba. Madalas hindi ko pinag-uusapan ang mga iyon kasama ang aking ibang mga kaibigan, pero may mga exceptions – sila ang nakapagbibigay ng kaalaman at malalim na usapan. Kapag kasama ko sila, ang ilang oras ng usapan ay nakapagbibigay ng halagang katumbas ng isang napakagandang libro.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 32
  • 33
  • 34
  • 35
  • 36
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in