• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 35

10 Best New Year’s Resolutions ngayong Bagong Taon

January 3, 2017 by Ray L. Leave a Comment

10 Best New Year’s Resolutions ngayong Bagong Taon - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Parehong nakakapagpasigla at nakakalungkot ang Enero. Sa pagdiwang ng bagong taon marami ang sumusubok gumawa ng mas mabuti at mas nakatutulong na habits, at napakarami din ang kukulangin ng disiplina at inspirasyon para ipagpatuloy ang mga pagbabagong ito. Ang iba naman, hindi nila alam ang gusto nilang gawin ngayong bagong taon. Kahit ang bawat isa sa atin ay mai iba-ibang idea kung ano ang pinakamabuting new year’s resolution, eto ang sampung gawaing pwede mong subukan sa dadating na panahon. Hindi mo kailangang gawin silang lahat, pero dahil sila’y mga popular na payo ng self-improvement literature, baka gugustohin mo silang subukan.

[Read more…]

Ang Simula ng Tagumpay: Paghahanap ng paraan para Umasenso sa Buhay

December 27, 2016 by Ray L. 2 Comments

Ang Simula ng Tagumpay - Paghahanap ng paraan para Umasenso sa Buhay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ako, pangarap kong magkaroon ng masaganang bahay, malaking kita, kotse at motorsiklo, maging kilala dahil sa aking mga gawa (mga isinulat kong articles dito at mga librong isusulat ko), magkaroon ng mabuti at mapagmahal na pamilyang kayang makipag-sparring sa akin, maging dalubhasa at malakas para makapagsparring kasama ang aking pamilya, makapagpaasenso ng napakaraming tao, mag-iwan ng mabuting legacy, at marami pang iba. Sa ngayon, wala pa ako ng kahit alin doon (ngayong Dec. 26, 2016).

Gaya ng karamihan, pangarap kong maging “successful.” Malamang, may ganoon ka ring pangarap (bukod sa “martial arts at makipag-sparring sa pamilya”), pero kagaya ko, malamang hindi mo pa nakakamit ang lahat ng gusto mo. Ano ang kailangan nating gawin para makamit ang mga gusto natin? Napakaraming paraan para makamit ang tagumpay sa buhay, pero may isang NAPAKAHALAGANG simula para sa lahat ng ito. Kailangan alalahanin natin ito at alamin kung paano natin ito magagamit.

[Read more…]

Itigil ang Bisyo ng Pagreklamo: Tatlong dahilan kung bakit ito’y kailangan Iwasan

December 20, 2016 by Ray L. 1 Comment

Itigil ang Bisyo ng Pagreklamo: Tatlong dahilan kung bakit ito ay kailangan Iwasan - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Sa pagtanda natin, natutunan natin na ang ilang masamang bisyo o bad habits ay nagdadala ng kasamaang palad at kailangan natin silang iwasan kahit anong mangyari. Natutunan natin na ang paninigarilyo ay pwedeng magbigay ng cancer, na ang sedentary lifestyle o pamumuhay na hindi aktibo at pagkain ng hindi masustansyang pagkain ay nagdudulot ng napakaraming sakit, at ang hindi mabuting paghawak ng pera ay nagdudulot ng problema sa pera. Bukod pa doon, may isa pang psychological habit na kasing sama nila. Kung nasanay kang magreklamo sa mga problema at abala sa bawat pagkakataon, baka patungo ka sa pagkabigo. Eto ang tatlong malaking dahilan kung bakit kailangan mong itigil ang bisyo ng pagrereklamo!

[Read more…]

Paano mo nakakamit ang iyong Inaasahan: Kung bakit Self-Fulfilling Prophecy ang Buhay

December 13, 2016 by Ray L. Leave a Comment

Paano mo nakakamit ang iyong Inaasahan - Kung bakit Self-Fulfilling Prophecy ang Buhay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

May popular na 1960’s study kung saan ang isang Harvard professor na nagngangalang Robert Rosenthal ay nagresearch sa epekto ng expektasyon ng mga guro sa mga estudyante. Nagbigay siya ng standard IQ test sa mga batang nasa elementary, random siyang pumili ng mga ordinaryong bata, at sinabi niya sa mga guro nito na ang mga estudyanteng iyon ay magiging napakatalino. Tama sa hinala, matapos ang dalawang taon tumaas ang IQ ng mga napiling estudyante.

Noong nagpatuloy ang pananaliksik ni Rosenthal, natuklasan niya na ang expektasyon ng mga guro ay nakaapekto sa pakikipag-ugnayan nila sa mga random na napiling estudyante. Ang mga inaasahan ng mga guro na magtagumpay ay binigyan ng mas-maraming oras para sumagot sa tanong, mas ispesipikong feedback, at mas maraming papuri: mas-madalas silang humawak, tumango, at ngumiti sa mga batang iyon. Sa madaling salita, ang expectations nila ay nakaaapekto sa kanilang galaw, at ang galaw nila ay nakaaapekto sa kanilang resulta. Inasahan nilang magiging mabuti ang mga bata, kaya sila’y gumalaw sa paraang nakapagpatalino sa mga batang iyon.

Ano ang kinalalaman ng kuwentong ito sa iyo? Simple lang. Ang expektasyon mo sa sarili mo ay makaaapekto sa iyong galawin. Alam mo man o hindi, gagalaw ka sa paraan na magpapakatotoo ng expektasyon mo. Ang buong buhay mo ay sumasalamin sa iyong pag-iisip.

Bakit ito mahalaga? Kung pangarap mong umiwas sa buhay ng pagkatalo at gusto mong umasenso, kailangan mong pag-aralan kung paano kontrolin ang iyong pag-iisip at pagbutihin ang iyong expektasyon.

[Read more…]

Paano gumawa ng Layunin sa Buhay: Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay

December 6, 2016 by Ray L. 3 Comments

Paano gumawa ng Layunin sa Buhay Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

“The key to success is to focus our conscious mind on things we desire, not things we fear.” – Brian Tracy

(Ang susi sa tagumpay ay ang pagfocus ng ating isipan sa mga gusto natin, hindi sa mga kinatatakutan natin.)

Alam mo ba na ang paggawa ng layunin gaya ng “gusto ko ng masayang buhay” o “gusto kong yumaman” ay hindi makabubuti? Hindi ko sinasabi iyon dahil imposible silang makamit. Ito’y dahil sila’y napakalabo na hindi ka makakauha ng impormasyong magagamit mo para makamit ang mga ito. Bukod pa doon, wala din silang nakatakdang hangganan kaya hindi mo malalaman kung tunay mo nga ba silang nagawa. Kung gusto mong makamit ang iyong mga pangarap at magtagumpay sa isang bagay, kailangan mong pag-aralan ang tamang paglikha ng layunin. Pag-aralan mong mabuti ang article na ito, at gumawa ka ng layunin gamit ang mga prinsipyo dito.

“Lack of direction, not lack of time, is the problem. We all have twenty-four hour days.” – Zig Ziglar

(Ang kakulangan ng direksyon, hindi ang kakulangan ng oras, ang problema. Tayong lahat ay mayroong 24 oras kada araw.)

 

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 33
  • 34
  • 35
  • 36
  • 37
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in