• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 47

7 Life Questions para Magtagumpay sa Buhay

November 10, 2015 by Ray L. Leave a Comment

7 Life Questions for Finding Success - YourWealthyMind
English Version (Click Here)

TEKA! TUMIGIL KA MUNA!

Tumigil ka lang sandali para mag-isip. Pag-isipan mo ang ginagawa mo araw-araw at ang dahilan mo kung BAKIT mo ito ginagawa.

Marami sa atin ang nagtratrabaho at nabubuhay lang ng naka-automatic… at marami sa atin ang namamatay ng walang nakakamit na pangarap.

Paano mo babaguhin iyon? Sabi ni W. Clement Stone, may kapangyarihan kang baguhin ang kapalaran mo, at ang kapagyarihan mong iyon ay ang PAG-IISIP.

Isa iyong kapangyarihang mapapasiklab mo kapag nagsimula kang magtanong sa sarili.

 

Ang  7 Life Questions (Click Link para sa Full Article)

7 life questions list
[Read more…]

Tatlong Susi ng Tagumpay (isang aral mula kay W. Clement Stone)

November 3, 2015 by Ray L. Leave a Comment

3 keys to success

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Pag-isipan mo itong mabuti: Ano na ang narating mo sa buhay? Nakamit mo na ba ang lahat ng pangarap mo? May mga gusto ka pa bang gawin o makamit bago ka mamatay?

Nasasakal ka ba dahil andiyan ka pa rin sa  parehong trabaho, sahod, bahay, kotse, o lugar ng ilang taon? Naisip mo na ba na, kapag ipinagpatuloy mo iyan, tatanda ka lang na wala pang ibang narating sa buhay?

Ano ang mga pangarap mo? Ano ang mga gusto mong makamit?

Isipin mo ang sarili mo na 80 years old na, masyado nang matanda at mahina para magtrabaho at pinagsisisihan mo na lang ang mga ginawa mo “sana” noong bata ka pa.

Isinulat ko sa isang nauna kong article na marami tayong pangarap pero kakaunti lang sa atin ang nakakakamit nito.

Ano ang solusyon? Eto ang tatlong susi mula kay W. Clement Stone, ang may akda ng “The Success System that Never Fails.” (Click Link for the Book)
[Read more…]

Bakit Pumapalya Minsan ang Financial Education (And Parabula ng Nagtatanim)

October 27, 2015 by Ray L. Leave a Comment

why financial education fails yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

Sa dati kong naisulat (“The Rich vs Poor Myth: Ang Kayamanan ay hindi Ninanakaw; ito’y PINAGSISIKAPAN”), nasabi ko ang tungkol sa Philippine Poverty Rate na halos 26% na. Marami ang naghihirap, KAHIT HINDI NAMAN DAPAT MAGHIRAP.

Hindi lang din mga pulubi ang naghihirap. Kasama na rin ang mga middle class na naiipit sa “rat race” ng buhay. Tinatawag natin itong “isang kahig, isang tuka” o “living paycheck to paycheck.”

Ano nga ba ang solusyon? Ang isasagot naming mga finance bloggers ay Financial Education. Para sa karamihang walang pera o kasaganaan, ang solusyon ay PAG-ARALAN kung PAANO ito Pagsisikapan.

Pag-aralan kung paano gumawa ng “value” at oportunidad, gaya ng lahat ng mga nagsikap at yumaman (ipinaliwanag ko dito kung bakit).

Napakaraming success at finance books, seminars, government programs, at mga bloggers at manunulat na nagtuturo tungkol sa pagsisikap at pagaasenso… pero iilang lang ang mga gumagamit nito. Maibigay mo man ang PINAKAMAGALING na Wealth at Finance Training sa buong mundo, pwede ka pa ring mabigo sa pagpapasagana ng buhay ng iba.

Bakit?
[Read more…]

Ang Presyo ng Kamangmangan: Pagsayang ng Oras, Pagod, at Oportunidad

October 21, 2015 by Ray L. Leave a Comment

Price of Ignorance yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)

“Kung iniisip mo na mahal ang maging edukado, subukan mong maging mangmang.”

– Derek Bok

 

Noong preschool ako (mga isa o dalawang taon bago maging grade 1) naaalala ko ang isang assignment na ibinigay sa amin ng guro bago kami umuwi:

“Kumuha kayo ng isang papel at magsulat ng mga numero!”

 

Pumunit ako ng isang papel at nagsimula akong magsulat. Sa aking pagkasigasig, nagsulat ako ng higit sa 100 bago ko ipinasa ang aking papel. Isang salita lamang ang sinabi sa akin ng guro:

“Labis” (superfluous) at ibinalik niya sa akin ang papel.

 

Noong kabataan ko, hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin ng salitang iyon… pero dahil binalik niya sa akin ang papel, inakala ko na kulang pa ang sinulat ko kaya patuloy akong nagsulat.

Paglipas ng ilang minuto, halos lahat ng mga kaklase ko ay nagpasa na ng papel at nagsiuwian. Dahil ang papel ko ay hindi pa rin tinatanggap, patuloy akong nagsulat hanggang sinundo ako ng mga magulang ko sa classroom.

Inakala ko pa rin na hindi pa ako tapos.
[Read more…]

Isang Hindi Inaasahang Aral mula sa isang High School Teacher

October 15, 2015 by Ray L. Leave a Comment

An Unexpected Leadership Lesson from a High School History Teacher yourwealthymind your wealthy mind
English Version (Click Here)
“Sa klase natin sa lunes magkakaroon tayo ng CHEERDANCE COMPETITION!”

 

Hindi ko alam kung anong hinithit ng History teacher namin noon, pero iyon ang assignment na ibinigay niya sa aming lahat.

Doon nagsimula ang isang aral na HINDI ko Makakalimutan.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 45
  • 46
  • 47
  • 48
  • 49
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in