English Version (Click Here)
Mahirap magsimula ng bagong gawain. Madalas gagawin lang natin ito kapag pinilit tayo, tulad ng pagkakaroon ng bagong trabaho o bagong responsibilidad sa opisina. Malas lang na ang isang bagay na kailangan para umasenso sa buhay ay ang pagsisimula ng bagong mabubuting habits. Huwag sana nating kalimutan na ang lahat ng nakamit natin ngayon ay nagmula sa lahat ng mga nagawa natin.
Ang isang dahilan kung bakit mahirap magsimula ng bagong bagay ay dahil tayo ay “creatures of habit.” Palagi nating ipinapagpatuloy ang mga nakasanayan natin at palagi tayong abala sa mga gawain natin araw araw. Idagdag mo pa doon ang katotohanan na madalas hindi natin makita ang kapalarang mas-masagana kaysa sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Isipin mo lang, ang isang trabahador na kumikita ng P15,000 kada buwan ay malabong mangarap kumita ng ilang milyong piso kada araw diba? Pero posible ito (ilang trabahador na naging negosyante o naging executive na ang nakagawa nito), at ang pagtanaw sa mga posibilidad ang nagbibigay-lakas sa mga tao para subukang magsikap at umasenso.
Pagkamit ng Pag-Asenso sa Buhay
May popular na self-help book na isinulat ni Og Mandino na may pamagat na The Greatest Salesman in the World. Ang librong iyon ay hindi lang para sa mga salespeople na gustong palakihin ang kanilang kinikita. Ito’y isa pa ring mabuting self-help at self-improvement book. May isang aral doon na nakuha ang aking pansin at ito’y nasa kabanatang “the scroll marked I”. Ito ang ilang excerpts:
“Today I begin a new life… (Sa araw na ito ako’y magbabagong buhay…)
To create the olive, king of all trees, a hundred years is required. An onion plant is old in nine weeks. I have lived as an onion plant. It has not pleased me. Now I wouldst become the greatest of olive trees and, in truth, the greatest of salesmen… (Para magawa ang olive, ang hari ng mga puno, isang-daang taon ang kailangan. Ang sibuyas ay nangangailangan lang ng siyam na linggo. Nabuhay ako na parang sibuyas. Hindi ako natutuwa. Ngayon ako’y magiging pinakamagaling sa lahat ng mga puno ng olives at, sa katotohanan, ang pinakamagaling na salesman…)
I will commence my journey unencumbered with either the weight of unnecessary knowledge or the handicap of meaningless experience… (Sisimulan ko ang aking paglalakbay ng hindi nabibigatan ng kaalamang hindi kailangan o kapansanan ng walang katuturang karanasan…)
Today my old skin has become as dust. I will walk tall among men and they will know me not, for today I am a new man, with a new life. (Ngayon ang aking dating anyo ay parang alikabok na lamang. Ako’y mabubuhay ng marangal kumpara sa iba at hindi nila ako makikilala, dahil ngayon ako’y nagbago, may bago nang buhay.)”
Itigil mo na ang mga luma at walang kwentang habits o nakasanayan mo at palitan mo sila ng mga gawain na gagawin kang mas-mabuting tao. Iyon ang pagkakaiba ng masipag na trabahador na nakakauha ng promotions… at ng snatcher na nagnanakaw lang ng wallets araw araw.
Ang aral na gusto kong matutunan mo ay ito:
Naiiba ka sa kung sino ka man kahapon at hindi mo kailangang manatili sa iyong kasalukuyang antas ng tagumpay o pagkabigo. Hindi mo kailangan manatiling maghirap, mangmang, o biguan.
Hindi ka nililimitahan ng mga kondisyon ng iyong pagkapanganak, iyong grades sa high school o kolehiyo, iyong dating trabaho o negosyo, o kahit ano pa. Kahit ang mga ito’y magpapasya ng mga hadlang na haharapin mo at kung gaano kahirap ang pagsisikap na kakailanganin mo para malampasan sila, ang mga ito’y hindi magpapasya ng hangganan ng tagumpay na iyong makakamit.
Where there is no vision, the people perish. — Proverbs 29:18 KJV
(Kung walang pangarap, ang mga tao ay mamamatay.)
Sa unang panahon, ang mga tao ay nakatira sa mga kubo at naglalakbay gamit mga kabayo. Wala namang nakakita ng skyscraper o eroplano noon, pero naging hadlang ba ito? Hindi. May mga taong nagkaroon ng pangarap para sa kinabukasan ng sangkatauhan at naimbento o nagawa nila ang lahat ng mayroon tayo ngayon, tulad ng mga bumbilya at computer, mga eroplano at ang internet. Ang mga tao ay nakatanaw ng kinabukasang mas-mabuti kaysa sa kung ano man ang mayroon sila noon, at kaya nila ito NILIKHA.
Totoo rin ito para sa iyo. Nakakakita ka ba ng kinabukasang mas-maganda sa kung ano man ang mayroon ka ngayon?
Huwag mong kalilimutan ang aral na ito: Kaya mong lumikha ng mas-mabuting kapalaran para sa sarili mo, sa iyong pamilya, mga mahal sa buhay, at para na rin sa buong mundo. Ang kailangan mo lang gawin ay magsimula. Magdadaan din ang panahon at papasalamatan mo rin ang sarili mo dahil sa ginawa mo ngayon.
Your present circumstances don’t determine where you can go; they merely determine where you start. — Nido Qubein
(Ang kalagayan mo ngayon ay hindi magpapasya ng mararating mo; ito’y magpapasya lang ng iyong sisimulan.)
Leave a Reply