English Version (Click Here)
Kung nagbabasa ka tungkol sa pagsisimula ng online negosyo o paano kumita ng pera online, malamang nakapagbasa ka na tungkol sa blogging, ang halaga ng pagkakaroon ng website para sa iyong negosyo, affiliate marketing, freelancing, at iba pa. Kinailangan naming pagaralan at gamitin ang mga iyon para itayo, imaintain, at pagbutihin ang YourWealthyMind.com. Kung gusto mong isetup o pagbutihin ang iyong online negosyo, baka mabuting basahin mo ang ilang karanasan namin dito.
Ano ang natutunan namin sa pagsesetup sa blog na pwede ring gamitin sa negosyo? Paano mo ito magagamit para umasenso ang iyong negosyo? Basahin mo lang ito.
Paano Aasenso o Pagbutihin ang Iyong Online Negosyo
Magbasa basa ka tungkol sa online business at malamang may maririnig ka tungkol sa “growth hacking“. Ano nga ba iyon? Ang simpleng explanasyon, ito’y ang patuloy na pagpapabuti ng iyong produkto o negosyo hanggang makamit mo ang product market fit. Ibig sabihin noon, papasok ka sa market kapag ikaw ay may napakabuting produktong magagamit ng mga nangangailangan nito. Halimbawa, kinailangan ng mga tao ang online storage, saka lumitaw ang Dropbox. Nagbigay rin ito ng bonus space sa mga referrals at dahil doon napakaraming gumamit dahil sa mga kaibigan na nagrerefer ng mga iba nilang kaibigan.
Hindi lang ito tungkol sa product market fit o pagpapabuti ng iyong produkto hanggang magustuhan itong husto ng mga tao. Ito rin ay pagpapabuti ng iyong buong negosyo sa pagsubok ng iba ibang bagay, katulad ng di karaniwang pagsasagawa ng pagasenso at marketing (Dropbox referrals ay mas mabuti ang nagawa kumpara sa mga billboards at TV ads), pati na rin sa pagaaral ng mga pagkakamaling nagawa.
Mag-experiment upang matuto
Ilang buwan ang nakalipas, tumaas ang internet traffic (dami ng bumibisita) ng YourWealthyMind.com at sinubukan naming gamitin ito sa pagdadagdag ng mga paraan kung paano kikita ang site:
- Amazon Book recommendations,
- pinabuting code ng ibang ad network,
- at isang bagong affiliate program para sa mga Filipino consumers na karamihan sa aking mga readers.
Bukod pa doon, natutunan ko rin ang tungkol sa Accelerated Mobile Pages (AMP) system na pinopromote ng Google at sinubukan ko rin ito. Sa palagay ko, magiging mas mabuti ang rankings ko sa Google.
May mga pagkakamali
Kahit ginawa ang lahat ng iyon, bumaba ng unti unti ang traffic sa nakaraang buwan pati na rin ang AdSense earnings.
Kailangang pigilan itong pangyayaring ito. Tinignan ko uli ang aking data at nagresearch ako. Ito ang mga nalaman ko:
- Karamihan sa aking traffic ay nagmumula sa organic google search.
- Hindi nagbago ang direct traffic at social media traffic. Ang bumaba ay google search.
- Ayaw ng Google sa mga websites na punong puno ng mga ads, affiliate banners, at widgets, at binababaan nila ang search rankings nito.
- Binababaan rin ng Google ang rankings ng mga mas mabagal na websites. Bumabagal ang mga pages kung sobra sobra ang mga widgets at ads nito.
- Ang backlinks mula sa masasamang website ay nakakapagpababa ng iyong rankings. Posible na yung paulit kong ginamit na social bookmarking service ang may sala.
- Noong inalis ko ang isang blog promotion subscription, napansin ko na walang malaking pagbaba ng aking stats. Ang pag-alis sa $5 a month na subscription na iyon ay mabuting desisyon.
Isang bahagi ng growth hacking ay experimentation at ang paggamit ng mas mabuting aksyon. Sa ganitong paraan, paunti unti kang humuhusay. Ano ang ginawa ko pagkatapos kong makita ang datos?
- Para sa pinakamahahalaga kong pages na nakakatanggap ng pinakamaraming traffic o readers (mga Tagalog translations), tinaggal ko ang mga widgets at affiliate links na pwedeng nagpababa sa aking traffic.
- Para pagbutihin ang website speed, tinanggal ko ang mga hindi kailangan tulad ng category list at slider ng pinakabagong articles.
- Itinigil ko rin ang paggamit sa isang bookmarking at backlink building service.
Ano ang resulta?
- Kahit hindi agarang tumaas ang traffic, parang tumigil naman ang pagbaba.
- Tumaas ang AdSense earnings.
- Tumaas din ang mailing list signups.
- Sa madaling salita, may ilang mga improvements.
May kakaiba rin akong nakita. Ang aking TopBlogs.com.ph ratings ay hindi nagbago masyado. Nasa top 10 pa rin ako ng kanilang Filipino Business Blog list. May posibilidad na ang traffic ng aming rehiyon ay bumaba at hindi kailangang sisihin ang affiliate links, pero sa susunod na namin titignan iyon. Sa ngayon, tuloy ang mga pagbabago at kailangan ko pa ring maghanap ng paraan para umasenso.
Sabi ni Ryan Holiday, ang may akda ng Growth Hacker Marketing (inirerekomenda ko nga pala ang librong iyon), kailangan palagi mong kinakalikot o binabago ang iyong negosyo. Kailangan mo palaging maghanap ng paraan para pagbutihin ang iyong produkto o negosyo. Naiquote niya si Sean Beausoleil, “Whatever your current state is, it can be better” (ano man ang kalagayan mo, pwede mo itong pagbutihin).
Mabuting alalahanin natin iyon. Magexperiment at mag improve, gamitin ang nakabubuti, at alisin o baguhin ang hindi nakabubuti.
Paano mo pagbubutihin ang iyong online negosyo? Subukan mo ito:
-
Tanggalin ang Hindi Kailangan
Sabi sa Pareto principle, 20% lang ng mga gawain mo ang nagbibigay ng 80% ng iyong pinakamabubuting resulta. Ibig sabihin noon, kaunti (1/5th) lang ng mga ginagawa mo ang mahalaga, at ang iba ay halos walang kwenta. Bawasan o iwasan mo ang mga walang kwentang gawain at pagtuonan mo ng pansin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng resultang kailangan mo. Sa website na ito, ang pagtanggal ng mga hindi kailangang widgets ay nagpabuti ng aking site speed ng halos 30% (Google Analytics data), at iyon ay pwedeng makapagpataas ng aking rankings.
Tandaan: Hindi palaging mabuti ang pagpapadami, at ang pagpapataas ng kalidad ay madalas mas makabubuti kaysa sa paramihan lamang.
-
Kontrolin mo ang mga Pagbabago
Sabi nga, kung hindi ka nagbabago at pinapabuti ang iyong sarili, ang kamalasan ay pupuwersahin kang magbago.
Ang isang dahilan kung bakit kilala ang Japan dahil sa kalidad ng kanilang gawain ay dahil sa konsepto nilang “kaizen” o “mabuting pagbabago”. Ngayon, ito’y kilala bilang pilosopiya sa negosyo at ito’y tungkol sa palagi at walang tigil na pagpapabuti. Ito ang paraan kung paano nagiging magaling ang karaniwang negosyo at produkto, at sa palagay ko ito ang pilosopiya sa likod ng growth hacking.
Pwede kang umasenso. Ang tanong lang ay “papaano”.
Gagana ba ang paggamit ng mas magandang theme o layout para sa iyong website? Sa pagbabago ng prices? Sa pagsusulat ng mas mabuting sales letters at sales copies? Sa pagpost ng mas magagandang pictures sa iyong fanpage? Sa pagpapaganda ng packaging at delivery system? Sa pagpasok sa mas magandang target market? Isang payo na natutunan ko tungkol sa blogging book ni Bob Lotich, ang pagbabago lang daw ng theme, shape, o lokasyon ng mga ads mo ay makakapagpataas ng iyong earnings ng husto. Ano ang gagana para sa iyo? Mabuti na lang, may A/B testing ang AdSense kaya pwede mong alamin ito.
Habang ang mga pagkakamali ay pwedeng magpababa ng kita, ang susunod mong maliit na pagbabago ay pwede ring magdulot ng malaking tagumpay. Ito’y katulad lamang ng ginawa ng hotmail sa paglagay ng “Get your free e-mail at Hotmail” sa bawat email na sinend sa system nila dati. Di natin malalaman kung anong makakapagpapabuti sa ating negosyo kung hindi natin susubukan, kaya mabuting subukan lang natin!
-
Magkamali at Matuto
Hindi ko sinasabing isabotahe mo ang sarili mo. Ang ibig kong sabihin ay magdesisyon ka ng mas madalas at pagaralan mo ang mga pagkakamaling magagawa mo habang nagsisikap. Ang pinakamabubuting leaders tulad nina Jack Welch, ang dating CEO ng G.E., ay nagturo na hindi ka dapat matakot sa mga pagkakamali dahil sila ang nagbibigay ng mga pinakamabubuting oportunidad upang matuto at mag improve.
Alalahanin mo ang sinabi ni Thomas Edison noong ilang beses siyang pumalya sa pagbuo ng lightbulb o bumbilya: “I have not failed. I’ve just found 10,000 ways that won’t work.” (Hindi ako nagkamali. Nakahanap lang ako ng 10,000 na paraang hindi gagana.)
Inuulit ko, huwag kang matakot sa mga pagkakamali, lalo na kapag ito’y nagmula sa kalkuladong risks.
Ngayon obserbahan mo ang iyong negosyo o career. May mga bagay ka bang pwedeng pagbutihin ngayon? Bakit hindi mo subukan at tignan ang mga mangyayari? Baka ito’y magbigay ng tagumpay na napakalaki.
[…] Are to Where You Want to Be ni Jack Canfield. Ano man ang trabahong ginagawa mo ngayon, malamang may paraan para magawa mo ito nang mas mabilis o mas mabuti. Kailangan nating masanay na palaging pagbutihin ang ating sarili, ating negosyo o career, at ang […]