English Version (Click Here)
Namomroblema nang husto ang pamilya ko nitong nakaraang buwan dahil sa ginawa ng isang korporasyon malapit sa aming bahay kaya nakikiusap kami sa mga abugado at government offices para humingi ng tulong. Nagkakasakit na ang aking ina dahil sa pagod, at hindi kami makapagpahinga dahil sa pagaalala.
Sa mga panahong ganito, naalala ko tuloy ang isang simpleng dasal na natutunan ko sa dati kong kolehiyo. Ito ay ang “Serenity Prayer” na isinulat ni Reinhold Neibuhr (1892-1971).
The Serenity Prayer (short version)
“God, grant us the serenity to accept the things we cannot change,
the courage to change the things we can,
and the wisdom to know the difference.”
(Note: Para sa kumpletong serenity prayer, iclick mo ito.)
Translation: “Amang Diyos, bigyan niyo po kami ng mapayapang pagiisip para tanggapin ang mga bagay na hindi namin mababago, lakas ng loob para baguhin ang kaya namin, at karunungan o talino para malaman kung alin doon ang hinaharap namin.”
Sa buhay, palagi tayong magkakaproblema. Mula sa mga final exams sa iskwelahan at paghahanap ng trabaho pagkatapos ng graduation, pagpapalaki ng mga anak at pag-aayos ng pagkamatay ng iyong mga magulang at kamag-anak, hindi tayo mauubusan ng mga bagay na kailangan nating iresolba. Kapag nasa mahirap na sitwasyon tayo, malamang tayo ay magaalala at mapapagod, at malamang mahirap talagang maghanap ng solusyon.
Nagkakasakit tayo at mga kamag-anak natin, naaaksidente, tumatanda, at namamatay. Pwede rin tayong mauwi sa sakuna dahil sa natural disasters, o kapag may nakakasakit na ginawa ang ibang tao sa atin. Hindi man natin pwedeng baguhin ang mga nangyari na, pwede nating ibahin ang AKSYON na gagawin natin tungkol sa mga nangyayari sa atin.
Kung sinaktan tayo, pwede tayong manlaban at manakit ng iba, pero malamang mas lalaki lang ang magiging problema natin. Sa kabilang dako naman, pwede naman nating masolusyonan ang mga problema sa makatarungan at mapayapang paraan, at madalas mas mabuti ang magiging mga resulta noon.
Maraming bagay sa buhay ang hindi natin maiiwasan, tulad ng mga importanteng hakbang sa buhay at mga paglibing, at kailangan nating matutunang paghandaan at harapin ang mga ito kapag nangyari sila. May mga bagay din na pwede nating kontrolin at baguhin, at para sa mga iyon kailangan nating gawin ang ating makakaya. Magtagumpay man tayo o hindi, dapat nating matutunang tanggapin ang resultang nakakamit natin.
Kapag tayo ay napapagod dahil sa mga sakunang hinaharap natin sa buhay, mainam na maghanap tayo ng panahon para sa ating mga sarili at mag-isip. Sabi nga sa dasal, dapat matutunan nating tanggapin ang hindi natin mababago, at lakasan natin ang loob natin para sa mga problemang kaya nating baguhin.
Sa ngayon, may isa pa akong huling aral na natutunan ko sa dati kong propesor ng pilosopiya noong kolehiyo. Ano mang problema ang hinaharap natin ngayon, alalahanin natin na “ito ay maglalaho din”. May katapusan ang lahat, pati ang mga problemang hinaharap natin.
Sana nagustuhan mo ang aral namin dito, at sana pagpalain ka ng kaalaman at lakas ng loob para sa mga haharapin mo sa buhay. Kung gusto mong matuto pa ng iba pang mga mahahalagang aral, magbasa ka sa aming listahan ng mga articles dito!
[…] ko, “kung masaya ako ngayon, malamang baka makakatanggap ako ng bad news mamaya”. Siguro magiging mas malala ang problema ng pamilya namin sa lupa. Siguro ang isang kamag-anak ko ay mapipinsala, magkakasakit, o mas malala pa. Baka makakatanggap […]