English Version (Click Here)
May mga panahong pakiramdam natin hindi na natin kayang harapin ang ating mga problema. Iyong mga oras na nawawalan tayo ng pag-asa, masyado na tayong maraming pinagdaanan, at parang mas madaling sumuko na lang at tigilan ang lahat.
Gayunpaman, may mga bagay na hindi natin pwedeng isuko, at kailangan natin silang ipagpatuloy hanggang sa huli. Ang pamilya namin ay nahihirapan ngayon dahil sa mga plano ng isang korporasyon, at ang proyekto nila ay makakasakit sa pamumuhay ng pamilya namin. Naiistress kami nang husto dahil sa kanila. Kahit gusto nilang ituloy ang proyektong iyon kahit masasaktan ang pamilya namin, hindi kami susuko.
Sa mga oras na ganoon, narito ang ilang quotes o kasabihan na pwedeng makapagbigay sa iyo ng pag-asa sa buhay. Kapag ikaw ay nahihirapan nang husto dahil sa iyong mga problema, sana mabigyan ka ng mga ito ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang laban hanggang sa huli.
They say a person needs just three things to be truly happy in this world: someone to love, something to do, and something to hope for.
— Tom Bodett
(Sabi nila, tatlo lang ang kailangan lang ng tao para maging masaya sa buhay sa mundong ito: isang taong iniibig, bagay na ginagawa, at bagay na inaasahan.)
Do not spoil what you have by desiring what you have not; remember that what you now have was once among the things you only hoped for.
― Epicurus
(Huwag mong sayangin ang mga nakamit mo dahil sa paghahangad mo sa mga bagay na hindi pa napapasaiyo; alalahanin mo na ang mga nakamit mo ngayon ay mga bagay na hinahangad mo lang dati.)
We dream to give ourselves hope. To stop dreaming – well, that’s like saying you can never change your fate.
― Amy Tan
(Nangangarap tayo para magkaroon ng pag-asa. Ang pagtigil sa pangangarap – katumbas na rin iyon ng pag amin na hindi mo mababago ang iyong kapalaran o kinabukasan.)
The road that is built in hope is more pleasant to the traveler than the road built in despair, even though they both lead to the same destination.
― Marion Zimmer Bradley
(Ang landas na ginawa mula sa pag-asa ay mas mabuti para sa mga manlalakbay kaysa sa mga landas na ginawa dahil sa desperasyon kahit pareho ang kanilang pinatutunguhan.)
We must free ourselves of the hope that the sea will ever rest. We must learn to sail in high winds.
— Aristotle Onassis
(Kailangan nating iwanan ang pagaakala na magpapahinga ang dagat. Kailangan nating matutong maglayag habang napakalakas ng hangin.)
If we will be quiet and ready enough, we shall find compensation in every disappointment.
― Henry David Thoreau
(Kapag tayo ay mananahimik lang at maghahanda, makakahanap tayo ng kabutihan sa bawat kabiguan.)
We need never be hopeless because we can never be irreparably broken.
― John Green
(Hindi tayo tuluyang matatanggalan ng pag-asa dahil hindi tayo pwedeng masira nang tuluyan.)
It is not despair, for despair is only for those who see the end beyond all doubt. We do not.
― J.R.R. Tolkien
(Hindi ito kabiguan, dahil ito ay para lamang sa mga nakakakita ng tiyak na pagkatalo. Hindi tayo ganoon.)
Even in the mud and scum of things, something always, always sings.
― Ralph Waldo Emerson
(Kahit sa putik at dumi ng mundo, mayroon palaging kumakanta.)
I don’t think of all the misery, but of the beauty that still remains.
— Anne Frank
(Hindi ko iniisip ang paghihirap, kundi ang kagandahang natitira doon.)
There is nothing like a dream to create the future.
― Victor Hugo
(Walang katumbas ang pangarap sa paglikha ng ating kinabukasan.)
It is often in the darkest skies that we see the brightest stars.
― Richard Evans
(Madalas nasa pinakamadilim na langit natin makikita ang pinakamaliwanag na mga bituin.)
You can cut all the flowers but you cannot keep Spring from coming.
— Pablo Neruda
(Pwede mong putulin ang lahat ng bulaklak, pero hindi mo pwedeng pigilan ang panahon ng pagsibol.)
Hope costs nothing.
― Colette
(Libre ang pag-asa.)
But you can build a future out of anything. A scrap, a flicker. The desire to go forward, slowly, one foot at a time. You can build an airy city out of ruins.
― Lauren Oliver
(Kaya mong lumikha ng iyong kinabukasan mula sa kahit ano. Isang tira, isang kislap. Ang kagustuhang lumusong, pakaunti-kaunti, paisa-isang hakbang. Pwede kang lumikha ng marangal na siyudad mula sa lugar ng pagkasira.)
A little more persistence, a little more effort, and what seemed hopeless failure may turn to glorious success.
— Elbert Hubbard
(Kaunti pang pagtitiyaga, kaunti pang pagpupunyagi, at ang nagmumukhang tiyak na pagkabigo ay pwedeng gawing dakilang tagumpay.)
At what point do you give up – decide enough is enough? There is only one answer really. Never.
― Tabitha Suzuma
(Sa anong punto ka susuko – magdesisyon na tama na at ayaw mo na? Iisa lang ang sagot diyan. Hinding hindi kahit kailanman.)
Believe it is possible to solve your problem. Tremendous things happen to the believer. So believe the answer will come. It will.
― Norman Vincent Peale
(Maniwala kang posible mong lutasin ang iyong problema. Napakalalaking bagay ang nangyayari sa naniniwala. Kaya maniwala kang makakahanap ka ng sagot. Darating ito.)
Few things in the world are more powerful than a positive push. A smile. A world of optimism and hope. A ‘you can do it’ when things are tough.
— Richard M. DeVos
(Kakaunting bagay sa mundo ang mas-malakas pa sa maliit na positibong pagtulak. Isang ngiti. Isang mundong puno ng optimismo at pag-asa. Isang ‘kaya mo yan’ kahit napakahirap ng mga problemang hinaharap.)
When you’re at the end of your rope, tie a knot and hold on.
― Theodore Roosevelt
(Kapag nasa dulo ka na ng lubid na iyong kinakapitan, itali mo ito at kumapit ka pa.)
Kapag may hinaharap kang malubhang problema sa buhay at nawawalan ka na ng pag-asa, sana mahanap mo ang lakas ng loob para kumapit pa at magpatuloy, kahit ano pa man ang kinakalaban mo at resultang nakukuha mo.
Sana ay nagustuhan mo itong munting koleksyon ng mga kasabihan na ito. May mga paborito ka ba? Sabihin mo lang sa comments sa ibaba!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]