English Version (Click Here)
Gustohin man nating isipin na ang pagsisikap lamang ang kailangan para magtagumpay, ang katotohanan ay kulang ito. Mas marami kang kailangan kaysa sa pagpipilit at pagpapagod. Ano ang kailangan mo para pagbutihin ang iyong gawain? Heto ang sampung mahahalagang aral mula sa sampung iba-ibang tao.
-
“Never mistake activity for achievement.” – John Wooden
(Huwag kang magkamaling isipin na magkatumbas ang pagsisikap at pag-asenso.)
-
“You’ve got to think about the big things while you’re doing small things, so that the small things go in the right direction.” – Alvin Toffler
(Kailangan pag-isipan mo ang mga malalaki o mahahalagang bagay habang ginagawa mo ang mga karaniwang bagay, para ang mga ito ay patungo sa tamang direksyon.)
-
“So often, people are working hard at the wrong thing. Working on the right things is probably more important than working hard.” – Caterina Fake
(Madalas, marami ang nagtratrabaho o nagpapagod sa maling bagay. Ang pagtrabaho sa mga tamang gawain ay malamang mas mahalaga kaysa sa pagpapagod o pagsisikap.)
-
“The things which matter most must never be at the mercy of things which matter least.” – Johann Wolfgang von Goethe
(Ang pinakamahahalagang bagay ay hindi dapat mas mababa sa mga bagay na walang kwenta.)
-
“I have never known of any person to make his life worthwhile in any direction until he came to the realization of the immense value of time.” – Orison Swett Marden, Prosperity: How to Attract It
(Wala akong kilalang tao na hindi mas-bumuti ang buhay sa kahit anong pagsisikap hangga’t hindi niya nalalaman ang napakalaking halaga ng oras.)
-
“And then there is the most dangerous risk of all — the risk of spending your life not doing what you want on the bet you can find yourself the freedom to do it later.” – Randy Komisar, The Monk and the Riddle: The Education of a Silicon Valley Entrepreneur
(At nariyan ang pinakamalubhang panganib sa lahat — ang pahamak na naubos mo ang buhay mo sa pagkalimot sa iyong mga pangarap dahil umaasa ka na makakahanap ka ng kalayaan para gawin ang mga ito sa dadating na panahon.)
-
“Winners almost always do what they think is the most productive thing possible at every given moment; losers almost never do.” – Tom Hopkins
(Ang mga nananalo ay palaging ginagawa ang mga pinakamainam na gawain bawat oras; ito’y palaging hindi ginagawa ng mga talunan.)
-
“While we are free to choose our actions, we are not free to choose the consequences of our actions.” – Stephen Covey
(Malaya man tayong piliin ang ating mga gagawin, hindi tayo malaya para piliin ang magiging bunga nito.)
-
“If you are willing to do only what’s easy, life will be hard. But if you are willing to do what’s hard, life will be easy.” – T. Harv Eker
(Kung payag kang gawin laman ang mga madadaling bagay, magiging mahirap ang buhay. Pero kapag payag kang gawin ang mga mahihirap na bagay, ang buhay ay magiging madali.)
-
“Success is the sum of small efforts, repeated day in and day out.” – Robert Collier
(Ang tagumpay ay kabuuan ng mga maliliit na pagsisikap na paulit ulit ginagawa kada araw.)
Leave a Reply