English Version (Click Here)
Mahirap magsimula ng bagong gawain. Madalas gagawin lang natin ito kapag pinilit tayo, tulad ng pagkakaroon ng bagong trabaho o bagong responsibilidad sa opisina. Malas lang na ang isang bagay na kailangan para umasenso sa buhay ay ang pagsisimula ng bagong mabubuting habits. Huwag sana nating kalimutan na ang lahat ng nakamit natin ngayon ay nagmula sa lahat ng mga nagawa natin.
Ang isang dahilan kung bakit mahirap magsimula ng bagong bagay ay dahil tayo ay “creatures of habit.” Palagi nating ipinapagpatuloy ang mga nakasanayan natin at palagi tayong abala sa mga gawain natin araw araw. Idagdag mo pa doon ang katotohanan na madalas hindi natin makita ang kapalarang mas-masagana kaysa sa kung ano man ang mayroon tayo ngayon. Isipin mo lang, ang isang trabahador na kumikita ng P15,000 kada buwan ay malabong mangarap kumita ng ilang milyong piso kada araw diba? Pero posible ito (ilang trabahador na naging negosyante o naging executive na ang nakagawa nito), at ang pagtanaw sa mga posibilidad ang nagbibigay-lakas sa mga tao para subukang magsikap at umasenso.