English Version (Click Here)
“Diligence is the mother of good luck.” (Kasipagan ang ina ng Swerte.) – Benjamin Franklin
Makikita mo ang maswerteng tao sa paligid mo. Mayroon silang mayayamang magulang, magaling sila sa sports, at palagi silang nakakakuha ng matataas na grades sa iskwelahan. Karamihan naman sa atin ay ordinaryo lamang.Wala tayong napakayamang magulang, hindi tayo magaling sa sports, at pasang-awa lamang tayo sa exams. Para sa karamihan satin, mas-malala pa dahil nakapasan ang maraming kakulangan at ang buhay ay parang puro paghihirap lamang.
Siguro naramdaman mo naman iyon. Nag-aral ka para sa exams at halos hindi ka parin pumasa sa test. Nagsisikap ka sa trabaho at hindi ka pa rin napromote. Sinusubukan mong umasenso ang negosyo mo pero hindi pa rin dumadami ang iyong benta. Habang ginagawa mo iyon, ang ibang tao naman ay parang nadadalian lamang sa buhay. Sa iba lang talaga napupunta ang swerte diba?
Alam mo, sana bigyan din ako ng swerte ng isang billion-dollar business bukas. Gusto ko ring maging maswerte at maging world champion athlete. Diba ganoon naman gumagana ang swerte? Gigising ka na lang at may nabuo ka na palang multinational corporation mula sa wala, nanalo ka sa world title fight ng hindi ka man lang umaalis sa iyong upuan, o mula fast food worker magiging real estate billionaire ka sa isang araw dahil “sinuwerte” ka.
Sayang lang at hindi nangyayari iyon. Ano nga ba ang magagawa natin?