English Version (Click Here)
“Thoughts are things” (Napoleon Hill), “ano man ang palagi mong pinag-iisipan ay dadami”, at “hanapin mo at makakamit mo” (Matteo 7:7). Ano mang pag-isipan mo kapag wala kang ginagawa ang magiging batayan ng palagi mong makikita at makakamit: Oportunidad o Pagkabigo. Ang pinag-iisipan , pinaniniwalaan, at perspectives mo ang magiging batayan ng iyong pananaw sa mundo.
- Ang iba nakakakita ng isang bakanteng lote… ang iba naman nakakakita ng posibleng sakahan o shopping mall.
- Ang iba nakakakita ng kalsadang puno ng pagod na trabahador… ang iba naman nakakakita ng kalsadang nangangailangan ng restaurant o cafe.
- Ang iba nakakakita ng laptop para sa games at facebook… ang iba nakakakita ng kagamitan para sa online business.
- Ang iba nakakakita ng luma at sirang mga bahay…ang iba nakakakita ng renovation at decoration business opportunity.
- Ang iba nakakakita ng taong walang trabaho… ang iba naman nakakakita ng posibleng entrepreneur o empleyado.
- Ang iba nakikita na wala silang oras dahil sa matagal na commute… ang iba nakakakita ng panahon para magbasa ng business o investing books habang nasa bus o tren.
- Ang iba nakakakita ng panahon para manood ng TV… ang iba nakakakita ng panahon para pag-aralan ang mga investments.
- Ang iba nakakakita ng perang maipangsusugal… ang iba nakakakita ng perang pwedeng i-invest para sa kanilang kinabukasan.
- Ang iba nakakakita ng libro tungkol sa finance, business, o investing na nagkakahalagang P500 at iniisip nilang napakamahal nito… ang iba nakakakakita ng kaalamang pwede nilang gamitin para kumita ng sampung milyong piso.
- Ang iba nakikita na mahihirap sila… ang iba naman nakikita na pwede silang magsikap para yumaman.
- Ang iba nakakakita ng lahat ng problema at limitasyon sa buhay… ang iba nakikita nila ang kanilang mga biyaya at oportunidad.
Uulitin ko: Ang iyong pinag-iisipan, pinaniniwalaan, at perspectives ang magiging batayan mga oportunidad o problemang mahahanap o makakaligtaan mo, pati na rin ang mga gagawin mo tungkol dito. Ano ang pananaw mo sa mundo?