English Version (Click Here)
Minsan iisang napakahalagang impormasyon na lang ang kailangan mo para magtagumpay, at isa sa pinakamabuting paraan para makamit ito ay pag-aralan ang isinulat ng mga nagtagumpay na. Ito ang aking maikling guide tungkol sa kung paano pumili ng pinakamabuting libro tungkol sa kahit-anong kailangan mong gawin.
(Bago ang lahat!) Bakit Libro at hindi mga Libreng Blog Posts at Internet Resources?
- Madalas, ang mga mabubuting libro ay naka-organize ng mabuti mula sa simula hanggang katapusan. Kahit makakahanap ka ng kaparehong impormasyon sa napakaraming blog post, ang mga idea ay hiwa-hiwalay at malamang mahihirapan kang buoin at gamitin ang lahat ng ito.
- Di gaya ng mga blog posts na, dahil kailangan nilang maging maikli at hindi nila kayang i-discuss ang isang topic ng malalim, ang mga libro ay kayang maging mas-detalyado tungkol sa sakop nila at kaya nila itong gawin ng mas-consistent sa tema.
- Ito ang pinakamahalagang rason: Dahil KAHIT SINO ay pwedeng magsulat lang sa isang blog, malalaman mo na MILYON-MILYONG posts (at “free” eBooks) ay walang-kwenta gaya ng mga kinopyang post (plagiarized), black hat SEO spam, atbp. (blogger din ako pero sinisigurado ko na mahalaga ang mga pinopost ko). Sa kabilang dako, ang mga libro ay nairereview muna ng mga editors bago i-publish at isa itong paraan para hindi malakabas ang mga walang kwenta. Ang isa pang seguridad ay ang mga reviews na ginagawa ng ibang tao at naka-post ang mga ito sa internet. Kapag binasa mo ang mga review na ito, malalaman mo kung tama nga ba para sa iyo ang impormasyong nilalaman ng isang libro.