English Version (Click Here)
Noong binabasa ko ang librong You Were Born Rich: Now You Can Discover and Develop Those Riches na isinulat ni Bob Proctor, may isang aral doon na ginusto kong matutunan ng iba dahil pwede itong makatulong sa paglaya mula sa pagkabigo. Sa may dulo ng libro, itinuro ni Bob Proctor na may “law of opposites” kang mapapansin sa mundo. Kung may yin, may yang. Kapag may liwanag, may dilim. Kapag may tagumpay, may pagkabigo. Alam naman na natin iyon, pero bakit ito mahalaga?
Marami sa atin ang pangarap maging successful at masaya. Sa kasamaang palad, madalas hindi natin ito natutupad. Hindi natin nakukuha ang trabahong pangarap natin, hindi umaasenso ang negosyo, o nabibigo tayo sa iba pang bagay. Sa anumang dahilan, nabibigo tayo sa mga bagay na nakapagbigay sana sa atin ng kasiyahan at tagumpay.
Meron akong mabuting balita. Kapag may dahilan kung bakit ikaw ay nabibigo…