English Version (Click Here)
Minsan bumibisita ako sa mga Pinoy personal finance forums at madalas magtanong ang mga baguhan tungkol sa kung saan nila dapat ilagay ang kanilang pera. Marami ang nagpapayo na maginvest sila sa mutual funds, at kung ang baguhang investor ay may kagustuhang mag-aral, mga stocks/equities ng mga kumpanya. Pag may nagpayo na maginvest sa mga funds, ang madalas na susunod na tanong ay anong fund ang dapat nilang piliin. Doon ko naisipang ilista dito ang mga financial companies na may mutual funds (kasama ETF and UITF).
Heto ang maikli at hindi pa kumpletong listahan ng mutual funds sa Pilipinas. Kung may nakaligtaan ako, pakisabi na lang. Sa kung alin man sa mga funds na ito ang nararapat para sa iyo, ito ay magdedepende sa iyong investment objectives o gustong makamit, kung gaano mo kayang sikmurain ang risk o volatility, edad at kinikita, at marami pang iba.
- High Risk, High Potential Returns: Equity funds o funds na nagiinvest sa stocks. Mainam ito para sa mga mas batang investors na gusto ng pagkakataong kumita ng malaki.
- Medium Risk and Potential Returns: Balanced funds na nagiinvest sa stocks pati na rin sa mga fixed income securities (bonds), cash, money market, atbp.
- Low Risk and Low Potential Returns: Bond o Fixed Income Funds. Ito at ang mga money market funds sa ibaba ay madalas nararapat sa mga mas matatanda na nangangailangan ng stabilidad sa kanilang investment portfolio.
- Lowest Risk, Lowest Potential Returns: Money Market Funds.
Babala: Dapat basahin mo ang objectives o istratehiya ng fund at ang prospectus nito. Ang ilang funds ay mayroong kakaibang investing strategies at ibang detalye na mainam na malaman mo.