English Version (Click Here)
May kasabihan tayong mga pinoy na “libre lang ang mangarap.” Kahit maganda ang mga salita, ang kasalukuyang kahulugan nito ay nagsasabi na kahit pwede kang mangarap ng lubos, napakahirap nitong gawin kaya huwag mo na lang subukan. Kahit pangarap nating maging mayaman at matagumpay, hindi ito mangyayari kaya dapat tanggapin na lang natin ang “ordinaryong” pamumuhay. Kung pinanganak tayong mahirap, kailangan tanggapin na lang natin ito at tayo’y MANATILING mahirap.
Pero paano nga naman kung pangarap mo talagang maging matagumpay? Kung ganoon, kakailanganin mo ng kahanga-hangang pangarap para makamit iyon! Libre nga ang mangarap… at libre din mag-isip, magplano, at maghanap ng paraan para makamit ito.
“If you limit your choice only to what seems possible or reasonable, you disconnect yourself from what you truly want, and all that’s left is a compromise.”-Robert Fritz
(Kung itinakda mo ang pagpipilian mo sa kung ano lang ang mukhang posible o reasonable, itinataboy mo ang sarili mo sa tunay na gusto mo, at ang matitira lamang ay ang pagkompromiso.)