• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 14

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

15 Quotes Tungkol sa Kritiko at Kritisismo na Kailangan Mong Basahin Ngayon

February 1, 2019 by Ray L. Leave a Comment

Quotes Tungkol sa Kritiko at Kritisismo na Kailangan Mong Basahin Ngayon Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Halos 7.7 billion ang mga tao sa mundo, at ang bawat isa sa kanila ay may sari sariling mga paniniwala at pananaw sa buhay. Habang marami sa atin ang magkakasundo sa ilang bagay, marami rin sa atin ang magtatalo sa iba. Alalahanin mo na kahit ano pa man ang gawin mo, palagi kang makakahanap ng mga tao na makikipagtalo sa iyo dahil hindi magkapareho ang pagiisip at gawain niyo.

Ang kritisismo ay bahagi na ng ating buhay, at magiging mas malaking bahagi ito ng buhay mo kapag nagsisikap ka para magtagumpay. Habang makatwiran naman ang pagpuna o kritisismo (hal. pagpuna o pagreklamo laban sa mga kriminal at corrupt), marami din naman ang hindi makatwiran. Ang listahan ng mga quotes na ito ay tungkol sa mga iyon. Narito ang ilang quotes o kasabihan tungkol sa kritisismo na kailangan mong mabasa ngayon kung pangarap mong magtagumpay balang araw.

[Read more…]

Limang Magagandang Librong Dapat Mong Basahin Ngayong Taon

January 22, 2019 by Ray L. Leave a Comment

Limang Magagandang Librong Dapat Mong Basahin Ngayong Taon your wealthy mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Huwag kang titigil sa pag-alam ng mga bagong bagay at huwag kang titigil sa pagpapabuti ng iyong sarili. Habang mabuting balikan ang mga nabasang libro upang maalala ang mga bagay na dati mong nakalimutan, mahalaga pa ring pag-aralan mo ang mga bagong kaalaman. Narito ang iilan kong mga paboritong libro sa mga bago kong nabasa, at malamang may makukuha kang mabubuting kaalaman mula sa mga ito.

Tignan mo lang ang mga inirerekomenda ko dito!

[Read more…]

Paano Magtipid ng Pera Gamit ang Istratehiya ng isang Greek Hero

January 15, 2019 by Ray L. Leave a Comment

Paano Magtipid ng Pera Gamit ang Istratehiya ng isang Greek Hero your wealthy mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Palagi tayong nakakaisip gumastos. May mga sale at discounts, luxury goods o luho, at magagandang kagamitang hindi naman talaga natin kailangan. May napakagandang bagong mga damit sa tindahan. Nariyan ang tindahang nagbebenta ng paborito mong pagkain. Nariyan din ang magandang headphones, earrings, o accessory na nagugustuhan mo… at may pera ka naman para sa kanilang lahat. Hindi naman masamang bilihin ang iilan sa mga ito diba?

Pagkatapos ng ilang shopping trips, napapansin mo na halos wala na palang laman ang wallet mo at sakto na lang ang laman ng iyong savings account sa bangko para mabuhay hanggang sa susunod na suweldo.

Nariyan palagi ang tukso para tayo ay gumastos at mayroon palagi tayong mga bagay na gustong bilhin. Pwede nga tayong magbudget, pero madalas mapapagastos tayo nang sobra at masisira lang ito. Ano ang dapat nating gawin?

Sa librong Dollars and Sense ni Dan Ariely, may istratehiyang ginamit ang isang sinaunang bayani ng Griyego para makatakas sa sakuna, at pwede natin itong gamitin para makatipid ng pera at tumigil sa sobra sobrang paggastos. Tinawag itong “Ulysses contracts” ni Dan, at ito ay mga istratehiya para maiwasan natin ang mga dadating na tukso.

[Read more…]

20 Quotes Para Mainspire Ka Ngayong Bagong Taon

January 8, 2019 by Ray L. Leave a Comment

20 Quotes Para Mainspire Ka Ngayong Bagong Taon Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Pwede kang magturo ng isang aral sa librong may nilalamang 100,000 na salita, pero pwede mo rin itong ituro sa loob lamang ng isang dosena. Iyon ang kagandahan ng mga popular na quotes. Makakakuha ka ng mahalagang aral o karunungan mula sa iilang salita na pwede mong isulat sa iyong notebook o phone o ilagay sa alaala. Narito ang iilang napakagandang quotes na magiinspire sa iyo ngayong bagong taon.


You get a new year, you get a new start, you get a new opportunity.


— Billy Butler

May bago kang taon, may bago kang simula, may bago kang oportunidad.


It’s a wise man who understands that every day is a new beginning, because boy, how many mistakes do you make in a day? I don’t know about you, but I make plenty. You can’t turn the clock back, so you have to look ahead.


— Mel Gibson

Maalam ang taong naiintindihan na ang bawat araw ay isang panibagong simula, dahil iilan nga namang pagkakamali ang nagagawa mo araw araw? Di ko alam sa iyo, pero ako napakarami. Hindi mo pwedeng ibalik ang nagdaang panahon, kaya kailangan mong humarap sa kinabukasan.


Even though the future seems so far away, it is actually beginning right now.


— Mattie Stepanek

Sa ngayon mukhang napakalayo ang hinaharap, pero ang kinabukasan natin ay nagsisimula na ngayon.

[Read more…]

Paano Paramihin ang Iyong Tagumpay sa Dadating na Bagong Taon

December 28, 2018 by Ray L. Leave a Comment

English Version (Click Here)

Sabi nga naman, ang mga hindi nagplaplano ay nagplaplanong mabigo. Marami sa atin ang naka automatic ang schedule at sumasabay lang sa agos ng buhay. Nakakalimutan nating pagplanuhan ang ating kinabukasan. Gigising tayo, kakain ng almusal, magcocommute papunta sa trabaho, magtratrabaho buong araw, uuwi, at manonood ng TV o magbrobrowse ng internet bago matulog. Uulit-ulitin iyon hanggang weekend, at madalas sinasayang naman natin iyon sa walang katuturang libangan.

Gaano ba tayo kadalas maglaan ng oras para sa mga gawaing magbibigay sa atin ng pangmatagalang benepisyo? Mga bagay na magbibigay ng magtatagal na saya sa buhay? Maalamang bihirang bihira. Marami sa atin ang kontento na sa paguulit-ulit ng ating schedule araw araw hanggang tumanda tayo (at mamatay).

Kakaunti lang, kung meron man, ang sumasabay lang sa agos ng buhay at biglang nagtatagumpay. Ang karamihan sa pinakamararangal na tagumpay ay planado muna at SAKA PINAGSIKAPAN, sa loob ng napakaraming taon. Ngayong bagong taon, pag-isipan natin saglit ang kinabukasan at pagplanuhan natin ang ating tagumpay at pag-asenso.

[Read more…]
  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 12
  • 13
  • 14
  • 15
  • 16
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in