• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 23

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

10 Masamang Paniniwala Tungkol sa Pera na Magdudulot ng Iyong Pagkabigo sa Pag-Asenso (PART 1 of 2)

March 7, 2018 by Ray L. Leave a Comment

10 Masamang Paniniwala Tungkol sa Pera na Magdudulot ng Iyong Pagkabigo sa Pag-Asenso - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Itinuro ni Mahatma Gandhi na ang iyong paniniwala ay magiging pagiisip mo, ang pagiisip mo ay magiging salita, ang iyong salita ay magiging paggalaw, ang paggalaw mo ay iyong makakasanayan, ang iyong mga nakasanayang gawin ay magiging pinahahalagahan o values mo, at ang iyong values ay magiging iyong tadhana. Sa madaling salita, ang mga bagay na pinaniniwalaan mo ay magiging basehan ng tadhanang makakamit mo sa buhay.

Kapag may masamang paniniwala ka tungkol sa pera, malamang magdudulot ito sa iyo ng napakaraming problema sa pera. Narito ang sampung masamang paniniwala tungkol sa pera na kailangan mong iwasan ngayon kapag pangarap mong pagbutihin ang pagkakataon mong umasenso sa buhay.

[Read more…]

20 Leadership Quotes Para sa Mga Baguhang Leaders

February 27, 2018 by Ray L. 1 Comment

20 Leadership Quotes Para sa Mga Baguhang Leaders - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Sabi nila kapag pangarap mong makamit ang isang kahanga-hangang bagay, kakailanganin mo ang tulong ng ibang tao. Ibig sabihin noon, kapag pangarap mong magtagumpay sa isang dakilang gawain, kailangan mong matutunan kung paano mamuno at mag-inspire ng mga tao, kasama na rito ang iyong sarili. Narito ang 20 leadership quotes na makakatulong sa iyong umasenso sa iyong career!

20 Leadership Quotes Para sa Mga Baguhang Leaders

1. “Good is the enemy of the great.” — Jim Collins (Ang sapat lang ay kalaban ng kahanga-hanga.)

2. “Whatever you are, be a good one.” — Abraham Lincoln (Anong klaseng tao ka man, kailangan mabuti o dalubhasa ka.)

3. “Be a first-rate version of yourself, not a second-rate version of someone else.” — Judy Garland (Maging magaling kang bersyon ng iyong sarili, hindi mahinang kopya ng iba.)

4. “You may succeed when others do not believe in you, when everybody else denounces you even, but never when you do not believe in yourself.” — Orison Swett Marden (Pwede kang magtagumpay kahit walang ibang nagtitiwala sa kakayahan mo, kahit batikusin ka man ng lahat, pero hindi ka magtatagumpay kapag hindi ka nagtitiwala sa iyong sarili.)

5. “Don’t worry about what other people think, there will always be people who want to see you fail, because they can’t succeed.” — Source Unknown (Huwag mong alalahanin ang iniisip ng iba, may mga taong gusto kang makitang mabigo dahil hindi nila kayang magtagumpay.)

[Read more…]

30 Pinakamahalagang Payo Tungkol sa Pera na Kailangan Mong Matutunan Ngayon

February 20, 2018 by Ray L. Leave a Comment

30 Pinakamahalagang Payo Tungkol sa Pera na Kailangan Mong Matutunan Ngayon - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Gustuhin mo man o hindi, mahalaga ang pera sa buhay natin ngayon. Kung gusto mong mabuhay at umasenso sa panahon ngayon. kailangan mong matutunang gamitin ang pera ng mabuti. Kung pangarap mong yumaman, narito ang 30 na payo tungkol sa paghahawak ng pera na kailangan mong matutunan ngayon.

 

30 Pinakamahalagang Payo Tungkol sa Pera na Kailangan Mong Matutunan Ngayon

1. Alamin mo ang iyong kalagayang pinansyal. Masagana ka ba at mayroong ilang libong nakainvest sa mabubuting negosyo at assets, o nabaon ka ba ng ilang daang libo sa utang? Hindi mo masosolusyonan ang iyong mga problema kapag hindi mo aaminin kung may problema ka pala, at hindi mo mahahanap ang mga oportunidad para umunlad kapag hindi mo sila hahanapin.

2. Gamitin mo ang pinakamabuting paraan para makaipon ng pera: “Pay yourself first!” (Ang idea dito ay “mag-ipon muna”) (Maglagay ka muna ng pera sa ipon bago gumastos.)

3. “It’s not how much you earn, but how much you keep.” (Hindi lang sa kinikita kundi pati na rin sa naiipon.) Walang kwenta ang mataas na sweldo kapag isinugal o winalgas mo lang ito sa mga mamahaling kagamitan na hindi mo naman kailangan.

4. Mag-ipon ka para sa mga oportunidad at emergencies. Ang ipon na ito ay pwedeng maging capital para sa iyong negosyong naisip itayo, o perang magagamit kapag nawalan ka bigla ng trabaho.

5. Iwasan mo ang sobrang pangungutang.

No one can be happy, no matter how optimistic, who is forever in the clutches of poverty, of harassing debt.

— Orison Swett Marden

(Walang magiging masaya, gaano man kaganda ang pananaw nila sa buhay, kapag sila ay habang buhay nabaon sa kahirapan, at mapang-aping utang.)

[Read more…]

Paano Gumawa ng Business Plan

February 13, 2018 by Ray L. 3 Comments

Paano Gumawa ng Business Plan - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Sa pagluluto, ang mga pinakamagagaling na chef ay sumusunod sa konseptong “mise en place” (lahat nasa tamang lugar). Ibig sabihin noon, kailangan naintindihan mo na ang mga instructions o tagubilin sa pagluluto at inihanda mo na ang lahat ng sangkap bago ka magsimula. Kung hindi mo siniguradong ihanda ang lahat ng kailangan, ang mga nakalimutan mong gawin ay pwedeng makasira sa lasa ng iyong niluluto. Ang konseptong ito ay pwede mo ring gamitin sa pagsisimula ng negosyo. Kailangang planado mo na ang lahat para makita mo ang mga bagay na pwedeng pagmulan ng problema at iresolba mo sila bago ka magsimula, at ililista mo rin ang mga bagay na kailangan mong gawin para mas mataas ang pagkakataong magtagumpay ang iyong negosyo.

Bukod sa paghahanda para sa mga problemang pwedeng harapin, kapag nangangailangan ka ng loans sa bangko o kailangan mo ng investors na magbibigay ng pera o kapital para sa iyong negosyo, malamang gugustuhin muna nilang makita ang iyong business plan. Isipin mo lang, kung may nanghihingi sa iyo ng sampung libong dolyar (halos P500,000), ang negosyanteng alam ang kailangan nilang gawin para magtagumpay ang kanilang negoyso ay mas nararapat bigyan ng pagkakataon kumpara sa isa pang negosyanteng nanghuhula lang.

Maraming ibang mas detalyadong guides tungkol sa pagsulat ng business plan sa internet. Ang article na ito ay maglalaman lang ng basics. Ang pangunahing dahilan kung bakit isinulat ko ito ay dahil hindi ganoon karami ang mga guides na nakasulat sa Tagalog. Kapag kailangan mong magsimulang gumawa ng business plan, basahin mo lang ito para makita ang ilang mga bagay na kailangan mong pagisipan.

[Read more…]

Sampung Bagay na Kailangan Mo Para Magtagumpay sa Buhay

February 6, 2018 by Ray L. 6 Comments

Sampung Bagay na Kailangan Mo Para Magtagumpay - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Isipin mo ang isang treasure chest na puno ng ginto’t dyamante at nakakandado ito gamit ang isang combination lock. Kailangan mong hanapin ang tamang kombinasyon ng mga numero, mga bagay na kailangan mong gawin, upang makuha ang kayamanan sa loob. Katulad lang noon ang pagsisikap para sa tagumpay.

Ang buhay ay punong puno ng kayamanan o treasure chests na tinatawag nating mga oportunidad para magtagumpay sa buhay. Kailangan mong piliin ang tamang kahon at saka mo pagsikapang alamin ang code na kailangan para makamit ang kayamanan. Sa pagsisikap umasenso at magtagumpay sa buhay, narito ang sampung bagay na nararapat mong alalahanin upang makamit mo ang iyong mga pangarap.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 21
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in