English Version (Click Here)
Si Brian Tracy ay nagsulat ng isang kabanata tungkol sa “laws of money” sa kanyang libro na “The 100 Absolutely Unbreakable Laws of Business Success” at may isang bahagi doong napagtuunan ko ng pansin (mahalaga ito kapag gusto mong malaman kung paano maging mayaman):
“Money tends to flow toward people who can use it in the most productive ways to produce valuable goods and services and who can invest it to create employment and opportunities that benefit others.
At the same time, money flows away from those who use it poorly or who spend it in nonproductive ways.”
(Ang pera ay pumupunta sa mga taong nakakagamit nito ng mabuti upang gumawa ng mahahalagang bagay o serbisyo at nakakapag-invest nito upang makagawa ng trabaho at oportunidad na nakabubuti sa iba.
Bukod pa doon, ang pera ay lumalayo sa mga hindi marunong gumamit nito ng mabuti.)
In short: Dadami ang pera mo kapag ginamit mo ito sa mainam na paraan at mawawalan ka ng pera kapag hindi mo ito ginagamit ng maayos.
Medyo obvious yung aral na iyon, pero iilan lang ang nakaaalala nito. Kapareho lang ito ng mga naninigarilyo: Alam nilang nakakasama sa kanilang katawan ang paninigarilyo pero patuloy pa rin nila itong ginagawa kahit gusto nilang maging healthy.
Alam nating nakakasama ang ilang paraan ng paghahawak ng pera, pero ginagawa pa rin natin ito kahit pangarap nating yumaman balang-araw.
Malala pa doon, marami sa atin ang hindi alam na nagsasayang pala tayo ng pera!
[Read more…]