English Version (Click Here)
Noong nakaraang panahon may pyramid scheme na nagngangalang Emgoldex na naging popular sa mga Pinoy bago ito naexpose bilang isang scam. Kung ang kaibigan mo ay malapit nang maloko at maglagay ng pera sa scam na ito, ang isa sa pinakamabuting pwede mong gawin para sa kanya ay ang pagsabi ng totoo. Kung tatanggapin nila ang payo mo o hindi, sila na ang bahalang magdesisyon doon.
Kaya isinulat ko ito ay dahil tila mas maraming fake news, kasinungalingan, at manipulasyon na nagaganap ngayon kumpara dati. Sabi ni Terry Pratchett, “a lie can run round the world before the truth has got its boots on.” Ang isang kasinungalingan ay nakalibot sa mundo bago man makapagsapatos ang katotohanan. Ang isang fake news ay pwedeng makarating sa ilang milyong katao bago may magverify ng katotohanan at tumutol sa kasinungalingan.
Ano ang dapat mong gawin kapag may nagpost o nagtanggol ng kasinungalingan? Ano ang dapat mong gawin kapag ang isang kaibigan mo ay malapit nang maloko ng isang scam, hoax, o pekeng balita? Depende na ito sa iyong diskarte. Basahin mo ang mga aral dito at gamitin mo ang mga payo ng iba. [Read more…]