English Version (Click Here)
Ilang buwan na ang nakalipas mula noong panahong naghahanap ako ng bagong cellphone at naisip kong bumili ng top-class phones at bayaran ito ng hulugan. Dahil may stable akong income mula sa streaming, naisip ko kakayanin ko naman itong bayaran.
Sa panahong iyon, nagdalawang isip ako at bumili na lang ako ng phone na kayang gawin ang kailangan ko at binayaran ko ito ng buo gamit cash.
Habang nagbabalik-tanaw ako, mabuting desisyon nga iyon. Ang streamer contract namin ng ilang mga kakilala ko ay biglaang naterminate at kasabay nitong nawala ang income ko mula doon. Kung nangutang ako para bilhin ang gadget na sobrang mahal kumpara sa pangangailangan ko, baka naging malaking problema iyon. Salamat naman at ang mga natutunan ko tungkol sa pag-iwas sa bad debts o utang ay nakatulong sa desisyon ko noon.
Ang ilang aral ay nangangailangan ng isang buong libro habang ang iba naman ay nangangailangan lang ng ilang salita. Ang halaga ng isang idea ay hindi natatagpuan sa dami ng salitang ginamit dito kundi sa kung gaano ito kahusay sa pagtuturo sa atin ng kailangan nating matutunan. Dahil doon, madalas akong magshare ng quotes o kasabihan sa aking mga articles. Kapag nagamit ang mga iyon ng mabuti (at sana nagamit ko rin sila ng mabuti), pwede nilang idiin sa iyong isipan ang mga aral na naituro. Hayaan mo akong magshare ng sampung quotes o kasabihan tungkol sa bad debt o utang at sana mainspire ka nitong mag isip ng mabuti kapag ikaw ay mangungutang para bilhin ang mga bagay na hindi naman pasok sa iyong budget.