English Version (Click Here)
Sa nakaraang article tungkol sa kung paano gumawa ng online investment account, sinabi ko na dumarami ang mga Pilipino na nagiging mas interesado sa pag-iipon ng pera at investing. Sa kasamaang palad, ang mundo ng investing ay naglalaman ng napakaraming komplikadong salita at kasabihan na hindi palaging ginagamit ng ordinaryong tao at may mga baguhang natatakot dahil komplikado ang ibang salita dito. Marami malamang ang sumusuko sa pag-aaral ng investing kapag nabasa nila ang ilang mga pangungusap o salitang hindi nila maintindihan, at dahil doon nawawala ang oportunidad nilang umasenso at yumaman gamit ang investing.
Iyon ang dahilan kung bakit ginawa ko itong maikling guide na ito. Narito ang ilang stock at forex trading terms na dapat matutunan ng mga baguhan.
*Oo nga pala, ang salitang “forex” ay tumutukoy sa foreign exchange at pagpapalit ng currencies o pera ng iba’t-ibang bansa.
Trading Basics: Stock at Forex Trading Terms para sa mga Baguhang Investors
1. Buy o “Long” trades – Ito ang isa sa pinakakilalang paraan para mag-invest at kumita mula sa stocks o iba pang investments. Bibili ka ng stocks, bonds, mutual fund o ETF shares, real estate, o iba pang investment tapos hihintayin mong tumaas ang presyo nito bago mo ito ibenta sa mas mataas na presyo para kumita. Buy low, sell high, ika nga. Kung narinig mo ang ibang taong nagsabi ng “go long” o “long trade” sa investing, ito ang tinutukoy nila.
2. Sell o “Short” trades – Ito ang isa pang paraan para kumita sa pagtrade ng stocks o forex. Ito ang kabaliktaran ng long trade at ito ang paraan para kumita kapag ang stock, currency pair, o ibang investment ay BUMABABA ang presyo. Mayroon kaming guide tungkol sa kung paano gumagana ang short selling dito sa link na ito.
3. Candlestick Chart – Sa highschool math ginagamit natin ang mga line graph para ipakita ang pagbabago bago ng mga numero. Sa investing naman, ang isa sa pinakamadalas gamiting chart ay ang “candlestick chart”. Makikita mo dito ang open o simulang presyo at close o katapusang presyo, ang pinakamataas at pinakamababang halaga sa mga nakatakdang panahon. Makikita mo rin dito malawakang ang paggalaw ng presyo ng investment sa nagdaang panahon.
4. Trends – Maraming nakakaalam ng salitang trends sa mundo ng fashion (“fashion trends”) o sa social media (“trending” o “nag-viral”), pero ang trends sa investing ay tungkol sa direksyon ng paggalaw ng presyo. Kapag ang presyo ng investments o market ay patuloy na tumataas, pwede mong sabihing may “uptrend”. Kapag pagaba naman, “downtrend” ang tawag dito.
5. Bull Market – Kung nakinig ka minsan sa mga economic reports, maririnig mo ang mga salitang “bullish” o “bearish”. Kung naisip mong alamin ang tinutukoy nila, ang ibig sabihin ng “bullish” o ang isang “bull market” ay mabuti ang kalagayan ng isang market at tumataas ang presyo o halaga ng mga investments sa market na iyon (hal. stock market, real estate market, atbp.).
6. Bear Market – Sa kabilang dako naman, ang salitang “bearish” o “bear market” ay tungkol sa hindi mabuting paggalaw ng isang market at pagbaba ng mga presyo ng investments dito.
7. Support – Isipin mo na bibili ka ng salmon o tuna sa palengke. Gaano kababa dapat ang presyo para bilihin at ubusin ito ng napakaraming tao? Ito ang tinatawag na support price, at ito rin ay nangyayari sa stocks, mutual funds, forex currency pairs, at iba pang investments. Kung ang downtrend ay bumaba sa presyong sobrang sulit o mura (kaya uubusin ito ng mga tao), ang presyong iyon ay nagiging “support level”.
8. Resistance – Ang resistance naman ang kabaliktaran ng support. Kapag sobrang nagmahal ang isang bagay na wala nang may gustong bumili nito, ang presyong iyon ay nagiging resistance level para sa investment.
9. Bid, Ask, and Spread – Kapag bumisita ka sa ibang mga bansa, napansin mo ba na may dalawang presyo sa mga currency exchangers/forex? Gamitin nating halimbawa ang USD/PHP o U.S. Dollar at Philippine Peso sa halagang 1 USD = 53.40 PHP / 53.60 PHP. Ang mas mababang presyo ay ang “bid” price at ang mas mataas na presyo ay ang “ask” price. Kung may $100 (USD) ka at kailangan mong ipapalit ito sa piso, bibilhin ito mula sa iyo ng currency exchanger o dealer (“bid”) sa halagang P53.40 kada dolyar sa total na P5,430. Kung papunta ka naman sa U.S.A. at kailangan mong bumili ng $100 gamit ang Philippine peso, ang dealer ay bebentahan ka ng $100 sa kanilang “ask” price na P5,360. Oo nga pala, ang pagkakaiba ng dalawang presyo ay tinatawwag na “spread” o “bid-ask spread”. Bukod sa currencies, ang stocks at iba pang investments ay mayroon ding “bid-ask spreads”.
10. Fees – Alam natin na ang fees ay tungkol sa mga expenses o bayarin, pero kung baguhan ka pa lang sa investing baka hindi mo mapansin kung paano inuubos ng mga fees ang pera mo para sa investing. Mukha silang maliit sa simula, pero habang ginagamit mo ang iyong investment account mararamdaman mo kung paano dumarami ang iyong mga binabayaran. Ang ilang pinakamadalas na fees kapag nagsimula kang mag invest at magtrade ay ang mga initial deposit fees, annual fees sa accounts, maintaining balance fees, early withdrawal and cancellation fees, withdrawal fees, transaction fees, at marami pang iba. Ang komisyon ng broker at transaction fees ay mahalagang alalahanin. Kapag bumibili o nagbebenta ka ng stock, currency pair o iba pang investment, ang broker mo ay madalas makakakuha ng komisyon NA BINAYARAN MO. Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong iwasan ang mga broker na palaging nagsusuggest ng trades (“buy this, sell that, buy, sell, buy, sell,…”). Kung ang broker o investment manager mo ay nagpapagawa palagi ng trades na hindi naman kailangan, ito ay tinatawag na “churning” at ilegal ito sa ilang lugar.
Marami pang ibang salita at terms tungkol sa investing na kailangan mo pang matutunan, pero dito muna tayo magtatapos. Kung sinubukan mong pagaralan silang lahat nang biglaan, malamang ikaw ay mai-information overload.
Wala sa atin ang natuto ng buong alphabet nang biglaan noong bata tayo. Pinag-aralan natin ito nang paisa-isa. Kailangan nating gawin din ito kung gusto nating maging mas-epektibo sa pag-aaral tungkol sa paghawak at pag-invest ng pera.
Hanggang dito muna tayo. Sana nagustuhan mo ang maikling guide na ito! Magsusulat pa kami ng mas marami para sa iyo!
[…] mga traders ay sinusubukang kumita mula sa mabilisang price movements (sa “short […]