English Version (Click Here)
Minsan, ang mga mabubuting salita ay nakakapagpagaling sa ating damdamin at nagbibigay sa atin ng inspirasyon sa atin upang magpatuloy. Naghihirap ka ba sa panahong ito? Pumalya ka ba sa isang mahalagang bagay? Nagaalala ka ba na baka ikaw ay maging isang talunan? Narito ang 12 na kasabihan na sana ay makainspire sa iyo ngayong araw na ito. Sana ang mga simpleng aral dito ay magbibigay sa iyo ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang pagsisikap sa kabila ng lahat ng mga hadlang at sagabal na hinaharap mo ngayon.
1. “However difficult life may seem, there is always something you can do and succeed at.” — Stephen Hawking
Gaano man kahirap ang buhay, mayroon ka pagaling bagay na magagawa at pagtatagumpayan.
2. “Life is not a losing game. It is always victorious when properly played. It is the players who are at fault. God did not make a man to be a failure. He made him to be a glorious success.” — Orison Swett Marden
Ang buhay ay hindi larong puro talunan. Ito ay palaging mapapanalo kapag nilaro ng maayos. Ang mga manlalaro lang ang may kasalanan. Ang tao ay hindi ginawa ng Diyos upang maging talunan. Ginawa ang tao upang maging matagumpay.
3. “I can accept failure, everyone fails at something. But I can’t accept not trying.” — Michael Jordan
Matatanggap ko ang pagkatalo, lahat naman sa atin ay natatalo sa ilang bagay. Hindi ko matatanggap ang hindi pagsubok.
4. “Failure is the key to success; each mistake teaches us something.” — Morihei Ueshiba
Pagkatalo ang susi sa tagumpay; ang bawat pagkakamali ay may naituturo sa atin.
5. “Sheer effort enables those with nothing to surpass those with privilege and position.” — Toyotomi Hideyoshi
Ang pagpupunyagi ay nagpapahintulot sa mga dukha na lagpasan ang mga taong may pribilehiyo at posisyon.
6. “The key to success is to focus our conscious mind on things we desire, not things we fear.” — Brian Tracy
Ang susi sa tagumpay ay ang pagbibigay natin ng pansin sa mga bagay na pinapangarap natin, hindi sa mga bagay na kinatatakutan natin.
7. “The man who makes everything that leads to happiness depend upon himself, and not upon other men, has adopted the best plan for living happily.” — Plato
Ang taong pinagsikapan na ang magbibigay ng kasiyahan niya ay nakadepende sa sarili niya, at hindi sa iba, ay gumagamit ng pinakamabuting plano upang mabuhay nang masaya.
8. “Your present circumstances don’t determine where you can go; they merely determine where you start.” — Nido Qubein
Ang kalagayan mo ngayon ay hindi basehan ng iyong mararating; ito’y basehan lamang ng iyong pagsisimulan.
9. “A successful man is one who can lay a firm foundation with the bricks others have thrown at him.” — David Brinkley
Ang matagumpay na tao ay ang may kayang maglatag ng matibay na pundasyon gamit ang mga bato o ladrilyong inihagis ng iba sa kanya.
10. “True greatness is starting where you are, using what you have, doing what you can.” — Arthur Ashe
Ang tunay na galing ay pagsimula sa kasalukuyan mong kalagayan, paggamit sa kung ano mang mayroon ka, at paggawa ng iyong makakaya.
11. “Will you look back on life and say, ‘I wish I had,’ or ‘I’m glad I did’?”— Zig Ziglar
Sa pagbabalik-tanaw mo sa buhay, ang sasabihin mo ba ay ‘sana ginawa ko,’ o ‘mabuti na lang ginawa ko’?
12. “Tough times never last, but tough people do!” — Robert H. Schuller
Ang paghihirap ay hindi nananatili, pero ang matitibay na tao ay nagtatagal!
Ngayon ikaw naman. May mga alam ka bang quotes na makakapaginspire sa iba? Sabihin mo sa comments section sa ibaba!
Leave a Reply