English Version (Click Here)
Sabi nila kapag pangarap mong makamit ang isang kahanga-hangang bagay, kakailanganin mo ang tulong ng ibang tao. Ibig sabihin noon, kapag pangarap mong magtagumpay sa isang dakilang gawain, kailangan mong matutunan kung paano mamuno at mag-inspire ng mga tao, kasama na rito ang iyong sarili. Narito ang 20 leadership quotes na makakatulong sa iyong umasenso sa iyong career!
20 Leadership Quotes Para sa Mga Baguhang Leaders
1. “Good is the enemy of the great.” — Jim Collins (Ang sapat lang ay kalaban ng kahanga-hanga.)
2. “Whatever you are, be a good one.” — Abraham Lincoln (Anong klaseng tao ka man, kailangan mabuti o dalubhasa ka.)
3. “Be a first-rate version of yourself, not a second-rate version of someone else.” — Judy Garland (Maging magaling kang bersyon ng iyong sarili, hindi mahinang kopya ng iba.)
4. “You may succeed when others do not believe in you, when everybody else denounces you even, but never when you do not believe in yourself.” — Orison Swett Marden (Pwede kang magtagumpay kahit walang ibang nagtitiwala sa kakayahan mo, kahit batikusin ka man ng lahat, pero hindi ka magtatagumpay kapag hindi ka nagtitiwala sa iyong sarili.)
5. “Don’t worry about what other people think, there will always be people who want to see you fail, because they can’t succeed.” — Source Unknown (Huwag mong alalahanin ang iniisip ng iba, may mga taong gusto kang makitang mabigo dahil hindi nila kayang magtagumpay.)
6. “If it’s never our fault, we can’t take responsibility for it. If we can’t take responsibility for it, we’ll always be its victim.” — Richard Bach (Kung hindi natin ito kasalanan, hindi natin kayang kuhanin ang responsibilidad para dito. Kapag hindi natin makuha ang responsibilidad para dito, tayo’y palaging magiging biktima lang.)
7. “More people would learn from their mistakes if they weren’t so busy denying them.” — Harold J. Smith (Mas-maraming tao ang matututo mula sa kanilang mga pagkakamali kung hindi sila abala sa pagtanggo dito.)
8. “Alone we can do so little; together we can do so much.” — Helen Keller (Kapag nag-iisa lang tayo kakaunti lang ang ating nagagawa; kapag nagkaisa tayo napakarami tayong makakamit.)
9. “Your life works to the degree you keep your agreements.” — Werner Erhard (Ang buhay mo ay aayos ayon sa kakayahan mong tuparin ang iyong mga pinapangako.)
10. “No man will make a great leader who wants to do it all himself, or to get all the credit for doing it.” — Andrew Carnegie (Walang taong mamumuno nang mabuti kapag siya’y gustong gawin lahat, o makuha ang dangal para sa lahat ng kanyang mga gawain.)
11. “Leaders keep their eyes on the horizon, not just on the bottom line.” — Warren Bennis (Ang mga leader ay nakatanaw palagi sa himpapawid o posibilidad, hindi lang sa trabaho o karaniwang gawain.)
12. “Do what is right, not what is easy nor what is popular.” ― Roy T. Bennett (Gawin mo ang nararapat, hindi ang madali o popular.)
13. “Management is doing things right; leadership is doing the right things.” — Peter F. Drucker (Ang management ay para sa tamang paggawa; ang leadership ay para sa paggawa ng tama.)
14. “To lead people, walk beside them. As for the best leaders, the people do not notice their existence… When the best leader’s work is done, the people say, ‘We did it ourselves!’” – Lao Tzu (Para mamuno ng mga tao, kailangan mo silang samahan. Para sa pinakamabubuting namumuno, hindi sila napapansin ng mga tao… kapag natapos na ang trabaho ng pinakamagaling na pamuno, sasabihin ng mga tao ‘Kami ang may gawa nito!'”)
15. “Never tell people how to do things. Tell them what to do, and they will surprise you with their ingenuity.” — George Patton (Huwag mong sabihin sa mga tao kung paano sila dapat magtrabaho. Sabihin mo kung ano ang kailangang gawin at gugulatin ka nila ng kanilang katalinuhan.)
16. “Any fool can criticize, condemn, and complain—and most fools do.” — Dale Carnegie (Ang kahit sinong hangal ay marunong pumuna, bumatikos, at magreklamo—at ito nga ang ginagawa ng maraming hangal.)
17. “High achievement always takes place in the framework of high expectations.” — Charles Kettering (Ang mataas na tagumpay ay palaging nagmumula sa mataas na pag-aasa o pag-asam.)
18. “Nobody rises to low expectations.” ―Calvin Lloyd (Walang sumisikat ng dahil sa mababang paghahangad.)
19. “There is more hunger for love and appreciation in this world than for bread.” — Mother Teresa (Sa mundong ito, mas maraming mas nangangailangan ng pag-ibig at pagpapahalaga kumpara sa tinapay o pagkain.)
20. “You can have everything in life you want, if you will just help other people get what they want.” — Zig Ziglar (Makakamit mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay, kapag tinutulungan mo ang iba na makamit ang kanikanilang mga pangarap.)
Ayen Ma says
Sir, the ideas shared really helps me a lot with my guilt in life and grief.