English Version (Click Here)
“Magsikap ka sa trabaho at yayaman ka.”
Narinig na nating lahat iyon. Sinundan natin ang payo at nagsikap sa trabaho… pero NABIGO pa rin tayo sa pagpapayaman.
Overtime ka palagi, nagtratrabaho sa weekends, at minsan naghahanap ka pa ng second job, pero hindi ka pa rin yumayaman. Nahihirapan ka pa rin magbayad ng mga bills, at hindi mo pa rin mabili ang iyong dream home, ang pangarap mong kotse, international na bakasyon, pagkain sa napakasarap na restaurant, o pambayad sa tuition fee ng magandang school para sa iyong mga anak. Nahihirapan ka rin sigurong magdonate ng P1,000 sa charity.
May pay raises ka nga, mga bonus, at mga promotion sa pagtrabaho ng maigi… pero malamang hindi ito sapat para sa lahat ng pangarap mo sa buhay.
Bakit ang iba yumayaman at ang iba hindi? Paano mo nga ba mapapagsikapan ang mga pangarap mo?
Ito ang Tatlong Hakbang na kailangan mong alalahanin:
Step 1: Gumawa ng Mahalagang bagay para Kumita ng Pera
Wala kang kikitain kapag wala kang ginagawa. Ang pera ay kinikita lang mula sa paggawa ng mahahalagang bagay: Gumawa ka ng mga bagay o gawain na kailangan ng iba at babayaran ka nila. Ano man ang trabaho mo, ginagawa mo ito dahil kailangan ito ng iba at binabayaran ka nila para gawin ito para sa kanila.
Eto naman ngayon ang problema: Pwede kang magbuhat ng mas-maraming sako ng cement, maglinis ng mas-maraming kuwarto at magpakintab ng mas-maraming inidoro, at sumagot ng mas-maraming calls at mag-overtime ng 3 hours extra araw-araw para pagandahin ang iyong report, pero malamang wala dito ang magbibigay ng extra P1 million sa P15,000 na sahod mo kada buwan.
Bakit? Simple lang:
Hindi naman nakabase ang kita mo sa pagpapagod mo kundi sa HALAGA na ibinibigay mo.
Ito ang itinuro ni T. Harv Eker tungkol sa “Law of Income”: “Ang bayad sa iyo ay direktang nakabase sa halagang ibinibigay mo ayon sa market.” Kapag mas-mahalaga ang ginagawa mo, mas-mataas ang kikitain mo.
Ang Hard Work (Pagpapagod) ay ibang-iba sa Giving Value (Paggawa ng mahalagang bagay).
Pwede kang magpagod ng husto sa trabaho hanggang mabali ang likod mo, pero kapag walang karagdagang halaga ang ibinibigay mo, hindi tataas ang kita mo.
Isipin mo ang isang pulubi na sumisigaw ng mas-malakas para makakuha ng mas-maraming limos. Hindi siya makakatakas sa kahirapan sa ginagawa niyang iyon…
Kung ang pulubing iyon ay natutong magtayo ng condominium o international na negosyo… sigurado hindi na siya pulubi.
Naalala ko sumama ako sa isang seminar ni John Calub, at isang lesson niya ang hinding-hindi ko makakalimutan:
“The harder you work FROM THE NECK DOWN, The Poorer You’ll Be.”
(Kapag mas-nagsikap at nagpagod ka GAMIT ANG KATAWAN MO mula sa leeg PABABA, Mas-lalo kang Maghihirap.)
Ang mga doktor ay binabayaran ng malaki dahil ginagamit nila ang isipan nila para magpagaling ng may-sakit at magligtas ng mga buhay. Mahalaga yun.
Ang mga abogado ay binabayaran ng malaki dahil sa kanilang kaalaman sa law at sa pagrepresenta sa korte. Mahalaga din iyon.
Ang mga engineer ay binabayaran ng malaki dahil sa kailang kaalaman sa agham at engineering na nakakatulong sa mga problema ng sambayanan. Napakahalaga din noon!
Isa pang halimbawa, ang mga CEO at Executives ay hindi nagbubuhat ng mga crates ng produkto o nagluluto ng tone-toneladang pagkain, pero NAG-IISP sila ng paraan para gawin ito kahit hindi sila mismo ang gumagawa. NAG-IISIP sila ng mga paraan para magbigay pa ng mas-malaking halaga:
Paano ka makakaluto at makakapackage ng 500,000 packets ng noodles para makakain ang ilang-libong pamilya?
Paano mo mabebenta ang noodles mo sa ibang bansa gaya ng Australia, France, at Mexico? Paano mo ito mapapadala doon?
Paano ka makakakuha ng mga executives na kukuha at magmamanage ng ilang-libong empleyado?*
Alalahanin mo ito: Kapag mas-mahalaga ang ginagawa mo, mas-malaki ang kita mo.
*Note: Kung kaya mong sagutin ang mga tanong na iyon at GAWIN SILA, kikita ka rin ng perang kinikita ng mga CEO at Executives.
Step 2: Mag-Ipon ng Pera
Hindi sa Kinikita kundi sa Naiipon.
Isa sa pinakaunang aral na natutunan ko tungkol sa investing ay nanggaling sa librong “The Bogleheads’ Guide to Investing” (na isinulat nina Larimore, Lindauer, at LeBoeuf):
Pwede kang kumita ng marami kada buwan, pero kapag ginastos mo lang ito sa walang-kwentang bagay, hindi ka mayaman, MAAKSAYA ka lang.
Kumita ka man ng P10,000 kada buwan, P25,000 kada buwan, o P100,000 kada buwan, kapag sinugal mo, pinambili ng mamahaling damit, mas-mamahaling gadget, mas-maraming beer, atbp., edi walang katuturan ang dami ng kinikita mo.
Walang matitira sa iyo sa katapusan ng buwan, at walang matitira sa iyo sa katapusan ng iyong buhay.
Magkano mo nga ba maibebenta ang bago mong Cellphone at ang crate ng naubos mong beer bottles 10 years mula ngayon?
Paano mo Masisiguro ang Pag-iipon?
Bago ka gumastos sa utility bills, pagkain, at iba pang bilihin, MAG-IPON KA MUNA!
Nagsulat na ako ng dalawang articles tungkol dito. Ang una ay sa pagbubudget para makahanap ng oportunidad sa buhay at mag-invest dito (Click Link), at ang pangalawa ay tungkol sa pagbabayad ng mga utang (Click Link).
Kapag NAG-IPON KA MUNA, matututunan mong mabuhay sa natitirang sahod dahil iiwasan mo na ang mga hindi mo kailangan. Hindi ka na magsasayang pa ng pera sa mga extrang sitsirya, magsayang ng kuryente, tubig, at lahat ng iba (pati na rin ang pag-abuso sa credit card at mabaon sa utang).
Kung kulang ang kinikita mo para sa mga bilihin, alalahanin mo na dapat mong gawin ang Step 1: Gumawa ng Mahalagang bagay para Kumita ng Pera.
Step 3: Magpayaman
Kumikita ka ng pera at nag-iipon, pero saan mo nga ba ilalagay ang naipon mo?
Tignan mong mabuti ang kita mo at gastos mo. Matapos ang mga kailangan kagaya ng pagkain, tubig, kuryente, tuition fees, internet connection, cellphone subscription, atbp., halos PALAGI kang mayroong leftover cash.
Ano ang ginagawa mo dito?
May dalawa kang pagpipilian:
Ang unang kahon ay P50,000 ang presyo at ito’y magiging P126,000 paglipas ng 20 years.
Ang ikalawang kahon ay P50,000 ang presyo pero ito’y magiging BASURA sa loob ng 10 years.
Kahit ang unang kahon ang mas-mabuting kunin, halos lahat ay binibili ang ikalawang kahon.
Bakit?
Ang unang kahon ay mga assets gaya ng stocks, mutual funds, pondo para sa negosyo, atbp. Ang ikalawang kahon ay bagong damit, bago at mas-mahal na gadgets, sitsirya, atbp. Uulitin ko, magkano mo maibebenta ang bago mong cellphone ngayon at ang mga naubos mong beer bottles 10 years from now?
Ito ang tinutukoy ni Robert Kiyosaki noong sinabi niya na ang karamihan ay “ginagawang basura ang pera.” Makakabili ka pa rin ng mga gusto mo, pero ang paggamit ng LAHAT ng kinikita mo sa mga bagay na magiging basura ay hindi nakabubuti.
Paggastos vs. Pag-invest
Si Robert Allen, ang nagsulat ng librong “Multiple Streams of Income” ay sinabi na ang mga nananatiling mahirap, nakikita ang pera bilang isang bagay na ginagastos lang pagkakuha. Ang mga yumayaman, nakikita ang pera bilang mga buto na naitatanim para maging “puno” na namumunga ng mas-maraming pera.
Ang lesson na iyon ay katulad ng itinuro nina Steve Siebold (“How Rich People Think”) at Robert Kiyosaki (“Rich Dad Poor Dad”):
Habang ang mga mahihirap at middle class at nagpapagod para kumita ng pera, ang mga mayayaman ay ginagamit ang pera para magsikap para sa kanila.
Ang mga mayayaman ay nag-iinvest sa mga assets na kumikita pa ng Mas-MARAMING pera. Ginagawa nila iyon buong buhay nila, at isa iyon sa dahilan kung bakit mayaman sila.
Magsikap, Umasenso, Ulitin ng Walang Katapusan
Mas-marami kang kinikita, mas-marami kang maiipon.
Mas-marami kang maiipon, mas-marami kang maiinvest.
Mas-marami kang nainvest, mas-dadami ang kinikita.
Ulit-ulitin mo iyon hanggang kumita ka na ng marami at mayroon ka nang pambili ng lahat ng pangarap mo.
Ganoon ang pagpapayaman.
Itinuro ito ni Hesus sa “Parable of Talents.” Ang gumagamit ng mabuti ng kung ano man ang meron sila, gumagawa ng mahahalagang bagay gamit ang kanilang katawan at isipan at nag-iipon at nag-iinvest ay nakakatanggap pa ng mas-maraming biyaya. Pinagsikapan nila ito. Ang hindi gumagamit mabuti ng kung ano man ang mayroon sila ay nawawalan ng lahat. (Tignan mo ang Matthew 25:29)
Ang mga mayayaman ay nagsisikap kumita ng pera at ginagamit nila ito para magpayaman at makamit ang masaganang buhay.
Ang pulubi walang ginagawa, nawawala sa kaniya ang lahat, at naghihirap habang siya ay mas-lalong humihirap.
Kapag ang pulubing iyon ay nagsikap maghanap ng trabaho, mag-ipon ng kinita, at mag-invest para gumawa ng mas-mahalagang bagay, edi yayaman din siya!
Ang Mahiwagang Tanong:
Paano ka makakagawa ng mahahalagang bagay?
Paano ka makakaipon?
Paano mo mahahanap ang mga mabubuting assets na nagiging mas-mahalaga para magpayaman?
Simple lang ang sagot: PAG-ARALAN KUNG PAANO!
Libo-libong katao anga nagtagumpay sa buhay, at marami sa kanila ay nagsulat ng mga libro tungkol sa mga natutunan at nagawa nila. Basahin mo ang mga ito para magawa mo ang nagawa nila at makopya ang kanilang tagumpay.
Yayaman ka lang kapag natutunan mo kung paano yumaman… kaya magsimula ka na ngayon!
LifeWork (parang homework… pero para sa pag-asenso sa buhay):
- Ano ang ginagawa mo para kumita ng pera? Anong halaga ang ginagawa mo? Sa kakayahan at kaalaman mo ngayon, ano ang magagawa mong mas-mahalaga para kumita pa ng mas-malaki?
- Magaling ka bang magluto at magbenta ng pagkain? Magaling ka bang magmanage ng mga empleyado? Natutunan mo bang maging magaling sa paghahanap ng mga kliente?
- PAANO ka makakagawa ng mas-mahalagang bagay para palakihin ang kinikita mo?
- Magkano ang naiipon mo kada buwan? Sa lahat ng taon na nagtratrabaho ka… ano na ang napala mo at naipon mo?
- Basahin mo ang “Your Wealthy Mind Savings and Budget Plan” at sundan mo ito. Minimum mag-ipon ka ng 10% ng kinikita mo para mag-invest. Mag-ipon ka rin ng 10% para makabili ng Finance books. (Basahin mo rin ang mga naisulat ko dito. Gaano man kaliit, sinisigurado ko na makakatulong ang mga iyon.)
- Bago ka mag-invest, maghanap ka muna sa internet ng mga mabubuting libro tungkol sa Finance at Business. Kung may nahanap kang gusto mo, bilhin mo sila agad sa isang bookstore at pag-aralan mo sila. Kung magagamit mo agad ang mga natutunan mo dito, gamitin mo sila agad!
Leave a Reply