English Version (Click Here)
Halos lahat sa atin ang nakakaalam sa kasabihang “money is the root of all evil” o “pera ang ugat ng lahat ng kasamaan”, pero mali ang kasabihang iyon. Ang totoo, ang “LOVE of money” o “pagmamahal sa pera” ang ugat ng lahat ng kasamaan.
Kung iisipin mo, ang mga kriminal na nagnanakaw o pumapatay para sa mga pitaka, mga corrupt o mandarambong na pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan, at mga sakim na negosyante at real estate developers na nananakit at nandaraya ng mga tao ay mas minamahal ang pera kumpara sa kapakanan ng kapwa nilang tao.
Kung akala mo ang biblia ay tungkol lamang sa pagtataboy sa pera, dapat maintindihan mo na hindi totoo iyon. Bukod sa mga babala laban sa kasakiman at kasamaan, ang bibliya ay may napakaraming mabuting kasabihan tungkol sa pagsisikap yumaman. Ang kayamanan kapag pinagsikapan ay isa lang sa maraming uri ng biyayang ibinibigay ng Diyos. Sa ngayon, ibabahagi ko sa iyo ang ilan sa aking mga pinakapaboritong kasabihan sa bibliya tungkol sa kayamanan at pera!
Note: Ang lahat ng Ingles na bersikulo ay nagmula sa New International Version (NIV) at isinalin ko sa Tagalog.
Mahalagang Kasabihan sa Bibliya Tungkol sa Kayamanan at Pera
Lazy hands make for poverty, but diligent hands bring wealth.
Proverbs 10:4
(Translation: Ang pagiging tamad ay nagdudulot ng kahirapan, pero ang pagiging masipag ay nagdadala ng kayamanan.)
Whoever loves money never has enough; whoever loves wealth is never satisfied with their income. This too is meaningless.
Ecclesiastes 5:10
(Translation: Ang sino mang nagmamahal sa salapi ay hindi nasisiyahan; ang nagmamahal sa kayamanan ay hindi natutuwa sa kanilang sahod. Ang ganoon ay walang saysay.)
Whoever oppresses the poor shows contempt for their Maker, but whoever is kind to the needy honors God.
Proverbs 14:31
(Translation: Ang sino mang nang-aapi sa mahihirap ay nanlalait sa maykapal, pero ang matulungin sa mga nangangailangan ay nagbibigay dangal sa Diyos.)
One who oppresses the poor to increase his wealth and one who gives gifts to the rich—both come to poverty.
Proverbs 22:16
(Translation: Ang nang-aapi sa mahihirap para payamanin ang sarili at ang nagbibigay ng suhol sa mga mayayaman—pareho ang maghihirap.)
Ill-gotten treasures have no lasting value, but righteousness delivers from death.
Proverbs 10:2
(Translation: Ang kayamanang nakamit sa masamang paraan ay walang halaga sa katagalan, pero ang pagiging makatarungan ay nagliligtas mula sa kamatayan.)
The rich rule over the poor, and the borrower is slave to the lender.
Proverbs 22:7
(Translation: Ang mayayaman ay naghahari sa mga mahihirap, at ang nangutang ay alipin ng nagpautang.)
Do not be one who shakes hands in pledge or puts up security for debts; if you lack the means to pay, your very bed will be snatched from under you.
Proverbs 22:26-27
(Translation: Huwag kang maging isang tao na nangangako lang para mangutang; kung hindi mo kayang magbayad, pati ang kamang hinihigaan mo ay mawawala sa iyo.)
The wicked borrow and do not repay, but the righteous give generously.
Psalm 37:21
(Translation: Ang mga sakim ay nangungutang at hindi nagbabayad, pero ang mga mararangal ay nagbibigay nang bukas-palad.)
Dishonest money dwindles away, but whoever gathers money little by little makes it grow.
Proverbs 13:11
(Translation: Ang perang nakuha mula sa pandaraya ay naglalaho, pero ang unti unting nag-iipon ay nagpaparami ng yaman.)
For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.
1 Timothy 6:10
(Translation: Ang pagmamahal sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan. Ang iba, sa kagustuhang magkapera, ay tumiwalag mula sa kanilang pananampalataya at sinasaktan ang kanilang mga sarili sa napakaraming pagdurusa.)
Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.
Luke 6:38
(Translation: Magbigay, at ito ay babalik sa iyo. Marami, masiksik, itinipon at umaapaw sa dami, at ito ay ihahandog sa harap mo. Sa pamantayang ginagamit mo, ito ay gagamitin din sa iyo.)
The wealth of the rich is their fortified city; they imagine it a wall too high to scale.
Proverbs 18:11
(Translation: Ang yaman ng mga mayayaman ay ang kanilang pinatibay na siyudad; ito’y tipong pader na napakataas para akyatin.)
The blessing of the Lord brings wealth, without painful toil for it.
Proverbs 10:22
(Translation: Ang biyaya ng Diyos ay nagdadala ng kayamanan nang walang paghihirap.)
There need be no poor people among you, for in the land the Lord your God is giving you to possess as your inheritance, he will richly bless you.
Deuteronomy 15:4
(Translation: Wala sa inyo ang kailangang maghirap, dahil sa lupang ibinibigay sa iyo ng ating Panginoong Diyos bilang iyong pamana, ikaw ay bibiyayaan nang husto.)
By wisdom a house is built, and through understanding it is established; through knowledge its rooms are filled with rare and beautiful treasures.
Proverbs 24:3-4
(Translation: Sa katalinuhan ang bahay ay itinatayo, at sa karunungan ito ay itinatatag; sa kaalaman ang mga kuwarto nito ay pinupuno ng mga pambihira at napakagandang mga kayamanan.)
Dito muna tayo magtatapos. Sana may mabuti kang natutunan mula sa mga ito. May mga paborito ka bang kasabihan mula sa bibliya? Ishare mo lang sa comments sa ibaba!
[…] Tagalog Version (Click Here) […]