• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 27

Ang First Metro Index on MSCI Philippines IMI Launch (Tagalog)

November 1, 2017 by Ray L. 2 Comments

The First Metro Index on MSCI Philippines IMI Launch - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Noong October 24, 2017, inilunsad ng First Metro Investment Corporation at MSCI, Inc. ang isang bagong customized stock index na tinatawag nilang First Metro Index on MSCI Philippines IMI.

Ang First Metro Investment Corporation ay bahagi ng Metrobank group at ito ay isa sa pinakamalaking investment banks sa Pilipinas. Ito’y nakatanggap ng ilang awards katulad ng Best Investment Bank of 2016 mula sa Global Finance magazine at Euromoney, ilang Best Bond House awards mula sa FinanceAsia, at marami pang iba. Gamit ang kanilang subsidiary na First Metro Asset Management, Inc. (FAMI), nakipagpartner ang First Metro sa MSCI, Inc. na isang kilalang index provider na mayroong higit $11 Trillion ng assets na nakabenchmark sa kanilang indexes ayon sa datos noong 2016.

Ngayon, bakit iyon mahalaga? Paano mo magagamit ang index na iyon para pagbutihin ang iyong investing strategy at investment portfolio? Unahin muna nating pag-aralan ang mga indexes, mutual funds, at passive investing.

[Read more…]

Ano ang Mutual Funds? (Isang Maikling Guide para sa mga Baguhan)

October 23, 2017 by Ray L. 2 Comments

Ano ang Mutual Funds Isang Maikling Guide para sa mga Baguhan - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Para sa lesson natin this week, babalik tayo sa basics! Ngayon, pag-uusapan natin ang investment vehicle na tinatawag na mutual funds. Ano nga ba ito? Isipin mo ito. Sampu kayong magkakaibigan na gustong mag-invest, pero karamihan sa inyo ay hindi marunong pumili ng mga stocks at bonds ng mabubuting kumpanya. Ang isa nyong kaibigan ay isang expert na nagaral ng business sa kolehiyo at nagtrabaho at nagiinvest sila sa stock exchange ng higit dalawampung taon. Dahil magaling siyang pumili ng investment, tinipon tipon niyo ang inyong pera at hinayaan nyong siya ang maginvest para sa inyo (binibigyan nyo sya ng kaunting service charge). Kumikita kayo depende sa kung gaano kagaling ang investment ng kaibigan ninyo at kung gaano karaming pera ang pinahiram mo sa grupo. Ganoon gumana ang mutual fund.

Ang mutual fund ay isang investment kung saan maraming tao ang nagtitipon-tipon ng pera para mag-invest sa assets tulad ng stocks, bonds, money market, at iba pa. Ang mga fund na ito ay pinangangalagaan ng mga propesyonal na money managers at ang layunin nila ay iinvest ang resources ng fund upang kumita ng pera para sa mga shareholders. Ikaw ay magiging shareholder kapag nag-invest ka sa isang mutual fund gamit ang pagbili ng kanilang shares.

Ngayon, bakit mo dapat pag-isipang mag-invest dito?

[Read more…]

Kapag may dahilan kung bakit ka nabibigo…

October 17, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Kapag may dahilan kung bakit ka nabibigo - your wealthy mind
English Version (Click Here)

Noong binabasa ko ang librong You Were Born Rich: Now You Can Discover and Develop Those Riches na isinulat ni Bob Proctor, may isang aral doon na ginusto kong matutunan ng iba dahil pwede itong makatulong sa paglaya mula sa pagkabigo. Sa may dulo ng libro, itinuro ni Bob Proctor na may “law of opposites” kang mapapansin sa mundo. Kung may yin, may yang. Kapag may liwanag, may dilim. Kapag may tagumpay, may pagkabigo. Alam naman na natin iyon, pero bakit ito mahalaga?

Marami sa atin ang pangarap maging successful at masaya. Sa kasamaang palad, madalas hindi natin ito natutupad. Hindi natin nakukuha ang trabahong pangarap natin, hindi umaasenso ang negosyo, o nabibigo tayo sa iba pang bagay. Sa anumang dahilan, nabibigo tayo sa mga bagay na nakapagbigay sana sa atin ng kasiyahan at tagumpay.

Meron akong mabuting balita. Kapag may dahilan kung bakit ikaw ay nabibigo…

[Read more…]

Ang Pinakamasamang Sales Strategy na Naranasan Ko

October 10, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Ang Pinakamasamang Sales Strategy na Naranasan Ko - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Nagsimula ito sa tanong nilang “gusto mo bang manalo ng libreng kotse?”

Noong nasa kolehiyo pa ako at nag-aaral ng psychology, pumunta ako sa SM Megamall sa Metro Manila, Philippines upang sumama sa isang convention. Mga 6pm na noong nagsimula ang mga nangyari dito. Habang naglalakad ako sa mga matataas na palapag ng mall kung saan mo mahahanap ang mga art galleries, travel agencies, at convention centers, nadaanan ko ang isang malaking booth na napapaligiran ng mga taong naka-business attire. Ang isang medyo matabang babae na sa palagay ko ay mukhang 30 years old ay tumiwalag mula sa grupo at tinanong ako kung gusto ko bang manalo ng libreng kotse.

Interesado nga naman ako, pero alam ko namang hindi ko sila dapat pagkatiwalaan ng husto. Hindi nga ito scam, pero hindi ko noon alam na papasukin ko pala ang isa sa pinakamasamang sales strategy na mararanasan ko.

[Read more…]

Limang Payo Tungkol sa Mabuting Pag-iisip na Makakatulong sa Iyong Umasenso

October 3, 2017 by Ray L. Leave a Comment

5 Payo sa Mabuting Pag-iisip na Makakatulong sa Iyong Umasenso - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Mula kay Napoleon Hill hanggang kay Jack Canfield, Robert Allen hanggang kay Anthony Robbins, marami nang mga manunulat ang nagresearch tungkol sa mga matagumpay na tao at sa kanilang mga gawain. Sa napakarami nilang nadiskubre, iisang aral ang napakahalaga:

Ang lahat ng nakakamit natin sa buhay ay resulta ng ating pag-iisip.

Ang mga desisyon at gawain natin ay magmumula sa mga bagay na pinagiisipan natin. Ang bunga ng lahat ng ating gawain ay naiipon sa pagdaan ng panahon, at ito’y pwedeng magbigay sa atin ng kasaganaan, kayamanan, at kasiyahan, o kahirapan, pagkabaon sa utang, at kawalan ng pag-asa.

Paano nga ba natin sisiguraduhing mabuti ang magiging bunga ng ating pag-iisip at gawa? Yun ang dahilan kung bakit kailangan nating pag-aralan kung paano mag-isip ng tama.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in