• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » Tagalog » Page 32

Tatlong Kailangan Pag-Isipan Bago Magsimula ng Bagong Negosyo

April 18, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Tatlong Kailangan Pag-Isipan Bago Magsimula ng Bagong Negosyo - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Marami sa atin ang nangangarap magtayo ng sariling negosyo. Kahit mahirap ang buhay negosyante dahil ang kita mo ay magmumula lamang sa sarili mong pagpupunyagi at diskarte, malaki naman ang makukuha mo dito kapag nagawa mo ito ng maayos. Ang buhay negosyante ay magbibigay sa atin ng kalayaang magtrabaho kung kailan natin gusto upang makatakas mula sa 9-5 na trabaho, hindi na natin kailangan umasa pa sa boss para sa ating sweldo, at marami rin tayong mahahanap na oportunidad para umasenso dahil, sabi ko nga kanina, ang kita natin ay nakadepende sa pagsisikap at diskarte kaysa sa dami ng oras mong nakaupo sa opisina. Ito’y ibang iba sa pagpupunyagi ng husto araw araw para lang payamanin ANG IBANG TAO. Bago ka magsimula ng sarili mong negosyo, eto ang tatlong bagay na kailangan mong pag-isipan para dumami ang pagkakataon mong magtagumpay.

[Read more…]

Anong Gagawin Kapag Nakahanap ng Kakaibang Oportunidad

April 11, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Anong Gagawin Kapag Nakahanap ng Kakaibang Oportunidad - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Isang napakabuting kakayahan ang makapag-adapt at makagamit ng mga mabubuting oportunidad na dumadating, at may pagsubok akong hinarap tungkol dito noon lang. Dahil hindi ako mahilig magpakita o magpakitang-gilas sa publiko, hindi ko naisip na ako ay magiistream online. Malamang alam mo ang kasabihang “life begins at the end of your comfort zone” (ang buhay ay nagsisimula sa dulo ng kung saan ka komportable) at talaga ngang may kakaibang paraan ang buhay upang ibigay sa iyo ang mga oportunidad na kakailanganin mong harapin ang mga kinatatakutan mo upang lumusong. Iyon ang pag-aaralan natin sa article na ito.

[Read more…]

7 Masamang Kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa Pera na Kailangan mong IWASAN

April 4, 2017 by Ray L. Leave a Comment

7 Masamang Kaugalian ng mga Pilipino tungkol sa Pera na kailangan mong IWASAN - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Kapag pera ang usapan, MARAMING pwedeng gawing pagkakamali. Madalas hindi natin napapansin na TAYO ang sanhi ng ating mga problema. Ang mga ginagawa natin ay maaaring namiminsala sa ating kinabukasan. Kung gusto mong alisin ang mga masasamang kaugalian tungkol sa pera na maaaring natutunan mo, ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito. Ang unang hakbang sa pagaayos ng pagkakamali ay ang pang-alam sa mga ito.

[Read more…]

Tatlong Payo kapag Hindi mo Nakamit ang Iyong mga Layunin

March 28, 2017 by Ray L. 1 Comment

Tatlong Payo kapag Hindi mo Nakamit ang Iyong mga Layunin - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ang isa sa pinakamabuti mong pwedeng gawin para makamit ang tagumpay ay ang magtakda ng long-term goals o layunin. Sayang lang na minsan, hindi tayo nagtatagumpay dito o hindi natutupad ang mga plano natin. Ano nga ba gagawin mo tungkol doon?

Sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraang ilang buwan, klaro na hindi ko natupad ang ilang mga layunin o goals ko sa mga itinakdang deadlines. Halimbawa, ang kita na planado ko ay hindi umabot sa gusto ko, ang librong dapat tinapos at naipublish ko noong November 2016 ay nangailangan pala ng ilang buwan pang trabaho, at may ilan din akong personal na pangarap na hindi ko natupad na hindi ko sasabihin dito.

Maswerte nga lang, may ilan din akong layuning natupad. Ang isang dati kong layunin ay maapprobahan ang aking AdSense account bago mag December 31, 2015… at naapprobahan nga ito sa gabi ng December 30, 2015. Isa pang maliit na layunin ko ay ang makakuha ng higit isandaang views kada araw… at natupad ko iyon ilang buwan bago ang deadline.

Gayunpaman, sa buhay natin malamang hindi natin makakamit ang ilang gusto natin sa panahong pangarap natin silang makuha. Anong gagawin mo kapag hindi mo natupad ang ilang layunin mo? Narito ang aking tatlong payo para sa iyo.

[Read more…]

Kailangan mo ba ng Ambisyon para Magtagumpay?

March 20, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Kailangan mo ba ng Ambisyon para Magtagumpay - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Ang salitang “ambisyon” ay nagkaroon ng negatibong kahulugan dahil naiisip mo dito ang mga negosyante at opisyal na nagiging makapangyarihan gamit ang korupsyon. Sa katotohanan, ang ambisyon ay simpleng kagustuhang makamit ang isang bagay na nangangailangan ng lakas ng loob at pagsisikap. Walang mali dito basta mabuti ang gawain mo, at ito’y pangangailangan para magtagumpay. Kung wala kang lakas ng loob para magsikap upang umasenso, malamang mauuwi ka lang sa pagkabigo.

Bakit ko pinag-usapan ito? Dahil sa nabasa ko sa librong Self-Investment (Pagpuhunan sa sariling kakayahan) ni Orison Swett Marden:

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 30
  • 31
  • 32
  • 33
  • 34
  • …
  • 50
  • Next Page »

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in