English Version (Click Here)
Stress sa trabaho, mga babayarang gastusin, at napakarami pang problemang lumilitaw araw araw. Ang lahat ng ito ay parang nakakapagpawala ng pag-asa sa buhay. Malamang maiisip mo rin na kung ano man ang mayroon ka ngayon, buhay na isang kahig isang tuka, ang tangi mong makakamit. Maiisip mo din na ang mediocrity, pagkabigo, at pati kahirapan ay normal.
Hindi totoo iyon.
Ang DAPAT mong makamit at ang NAKALAAN para sa iyo sa buhay ay kayamanan at tagumpay. Karapatan mong yumaman, at gaano mo man isipin na hindi ito totoo, ito’y nararapat sa iyo kapag pinagsisikapan mo ito. Alalahanin mo ang mga quotes dito kapag ikaw ay nagdududa pa.