*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.
English Version (Click Here)
Kung paguusapan natin ang mga librong naglalaman ng napakahahalagang aral sa buhay, malamang narinig mo na ang mga librong Art of War ni Sun Tzu, The Prince ni Niccolo Machiavelli, The Book of Five Rings ni Miyamoto Musashi, at marami pang iba. May isa pa akong irerekomenda, at ito ang librong The Art of Worldly Wisdom ni Baltasar Gracian. Ito’y naglalaman ng higit 300 aphorisms (mga talinhaga) at aral na napakahalaga pa rin ngayon.
Sa article na ito, paguusapan natin ang isa sa mga talinhagang iyon dahil pwede natin itong magamit sa mga bagay tulad ng pera at tagumpay sa buhay.
Isang Aral Mula kay Baltasar Gracian
Aphorism #134: “Double Your Resources”
“You thereby double your life. One must not depend on one thing or trust to only one resource, no matter how pre-eminent. Everything should be kept double, especially the causes of success, of favor, or of esteem.
The moon’s mutability transcends everything and gives a limit to all existence, especially of things dependent on human will, the most brittle of all things. To guard against this inconstancy should be the sage’s care, and for this the chief rule of life is to keep a double store of good and useful qualities. Thus as nature gives us in duplicate the most important of our limbs and those most exposed to risk, so Art should deal with the qualities on which we depend for success.”
Pagsasalin sa Tagalog: Doblehin mo ang iyong mga resources o pinagkukunan.
Sa gayon, dodoblehin mo ang iyong buhay. Hindi ka dapat aasa sa iisang bagay o magtiwala sa iisang pinagkukuhanan kahit gaano pa man ito nakahihigit sa lahat. Ang lahat ng bagay ay dapat dinodoble, lalo na sa pinanggagalingan ng iyong tagumpay, pabor, o paggalang.
Ang pagbabago pagbo ng buwan ay nangingibabaw sa lahat at nagbibigay din ito ng limitasyon sa lahat ng bagay, lalo na sa mga bagay na nakadepende sa loobin ng mga tao na sobrang marupok. Ang protektahan ang sarili mula sa pagbabago bagong ito ay dapat gawin ng matalino, at para dito ang pangunahing payo sa buhay ay kailangan nating magtago ng doubleng mabubuti at kapaki-pakinabang na katangian. Tulad ng kung paano tayo binigyan ng kalikasan ng dalawang paa’t kamay na laging nahaharap sa mga panganib, mainam din na gawin natin ito para sa mga kalidad na inaasahan natin para makamit ang tagumpay.
Noong kumuha ako ng maikling first aid at basic life support training mula sa dalawang independent first responders at search and rescue agents, ang isang mahalagang payo na itinuro nila ay tungkol sa redundancy o pagdadala ng extra. Sa first aid, dapat hindi lang isa ang gamot na dala mo kundi marami, hindi dapat isa lang ang triangular bandage mo, mga latex gloves mo, atbp.
Ito ay dahil pwedeng magkaproblema ka kahit pinaghandaan mo ito, at kung ang gamit na inihanda mo ay nasira, mabuti nang mayroon kang backup o extra. Hindi lang ito nagagamit sa first aid o disaster prevention. Magagamit mo rin ito sa iyong paghahawak ng pera.
Gumawa ng Maraming Pinagkakakitaan
Ito ay isang napakahalagang payo na si Robert Allen, and may akda ng The One Minute Millionaire at nagsulat siya ng isang libro tungkol dito. Madalas iisa lamang ang pinagkakakitaan natin sa buhay. Iisang trabaho o negosyo. Kung sa iisang pinagkakakitaan lang tayo umaasa, malamang malalagay tayo sa malaking peligro kung may mangyaring masama dito.
Isipin man natin na secure ang trabaho natin, wala naman talaga tayong alam kung may malaking pagbabago na darating sa ekonomiya, madidisgrasya ang kumpanya niyo, o, tulad ng nangyari sa akin, hindi na nakabubuti para sa akin ang pinagtratrabahuhan mo at kailangan mo nang umalis.
Habang ang ibang tao ay umiiwas sa paggawa ng sidelines o side business sa kung ano mang dahilan, tandaan mo rin na ang trabaho ay isa lang paraan para kumita. Hindi dito nakabase ang pagkatao mo. Hindi mo kailangang gipitin ang sarili mo sa trabaho mo lamang, at pwede ka namang maghanap ng extrang pagkakakitaan tulad ng mga sidelines at investments kung nais mo. Sa akin, ang kinita ko mula sa dibidendo ng investments ko ang dahilan kung bakit kinaya kong umalis sa dati kong trabaho at simulan ang YourWealthyMind.com, at napapatakbo ko ito dahil sa iba’t-ibang paraan para kumita mula sa blog.
Maraming negosyo din ang nagsimula sa weekends lang habang ang may ari ay nagtratrabaho, kaya huwag mong babalewalain ang posibilidad na ito.
Bukod sa pagkakaroon ng isa pang pinagkakakitaan, alalahanin mo ring mag-ipon at gumawa ng emergency fund. Mahalaga nga naman ito sa financial stability o pagiging matatag sa paghawak ng pera.
Mag-Diversify ng mga Investment
Malamang narinig mo na ang kasabihang “don’t put all your eggs in one basket”. Huwag mong ilalagay ang lahat ng iyong itlog sa iisang bayong. Kung naisipan mong isugal ang lahat ng pagmamay-ari mo sa iisang bagay o gawain, pwedeng maglaho lahat ito kapag ikaw ay nagkamali. Mahalaga man sa tagumpay ang kakayahang magfocus sa iilang nakatakdang goals o layunin, sa paghahawak ng pera at pag-invest, mabuti nang mag-diversify para pababain ang risk o peligro.
Kaysa ilagay ang lahat ng pera mo sa iisang stock, mutual fund, piraso ng lupa o real estate, investment, bank account, o iba pang bagay, mainam na idiversify o ipaghiwa-hiwalay ito sa iba ibang klase ng assets. Kaya man nating hulaan ang pagkatatag o pagiging profitable ng isang investment, wala tayong makukuhang seguridad sa katatagan nito sa pagdaan ng panahon.
Matutong magdiversify! Basahin mo lang ang isa naming article tungkol sa diversification dito!
Ang isa ko pang payo ay dapay mayroon kang higit sa isang bank account, at paghatiin mo ang pera mo sa mga ito. Minsan nasisira o nagiging offline ang mga bank networks at kung wala kang ibang paghuhugutan ng pera kapag kailangang kailangan mo na, baka mapeligro ka. Pwede din mawala ang mga credit (at debit) card, kaya kung nanakaw ang card mo, mabuti nang hindi nila manakaw ang pera sa kaisaisa mong account na naglalaman ng LAHAT ng iyong pera.
Sabi ng iba, “burn your bridges” o sunugin mo ang mga matatakasan mo kung gusto mong magtagumpay (para hindi ka na makatakbo kapag natakot ka at ang magagawa mo lang ay lumusong). Hindi ito mabuting istratehiya sa maraming bagay.
Iniisip minan ng iba na kahinaan ang pagkakaroon ng backups o plan B dahil iniisip nilang papalya sila. Hindi masamang maghanda ng alternatibo at pagbutihin ang iyong posisyon. Isipin mo rin, hindi puro offense o pag-atake ang mga palaro. Para manalo at magtagumpay, kailangan mo rin ng mabuti o matatag na defense. Kailangan mo ng mabuting istratehiya at maraming tactics at kagamitang magagamit para makamit ang tagumpay.
Tandaan mo lang ang sinabi ni Baltasar Gracian. Dapat doblehin natin ang ating pinagkukuhanan ng tagumpay sa buhay. Sa paggawa nito, dinodoble rin natin ang kalidad ng ating buhay.
Leave a Reply