English Version (Click Here)
Para sa ilan satin, minsan sa ating pagsisikap tayo ay tatawagin upang mamuno. Kahit sa pagtulong at pagturo sa mga baguhan, o pagsimula ng pinapangarap mong mutinational na organisasyon, eto ang ilang mahalagang aral tungkol sa leadership na kailangan mong matutunan para sa kapakanan ng iyong koponan.
Mula kay Warren Bennis (“On Becoming a Leader”)
Peligro, pag-aabuso, at katiwalian, ang 2003 version ng classic na isinulat ni Warren Bennis, “On Becoming a Leader,” ay nagsimulang magkwento tungkol sa napakasamang epekto ng maling pamumuno at kung paano ito naililigtas ng mga mabubuti. Ang isa sa pinakaunang aral mula kay Bennis ay hindi mo kailangang maging “gifted” o ipinanganak na maswerteng may kakayahang mamuno. Ito’y pwede mong matutunan. Hindi man ito madali, pero sabi nga ni Bennis mas-madali ito kaysa sa inaakala mo dahil lahat tayo’y may kakayahan para dito.
Ang pangunahing kaalaman na kailangan ng mga leaders ay:
Isang “guiding vision” o pangarap. Kailangan mo ng malinaw na layunin o pangarap makamit pati na rin ang lakas ng loob na magtiyaga kahit napakarami ang humahadlang. Naniniwala ako na ito’y magagamit nating lahat sa pamumuno natin sa sarili nating buhay (at kapag tayo ay namumuno na sa iba, pati na rin ang mga aksyon nila): Kailangan natin ng malinaw na layunin. Kung hindi, malamang nagsasayang lang tayo ng oras at pagod, kahit gaano pa man tayo mukhang “busy.”
Passion o Pagkahumaling. “Do what you love” sabi nga nila. Kapag gustong-gusto mo ang iyong pinagsisikapan, makakahanap ka ng mga kasamang katulad mo at maiinspire mo rin sila dahil sa iyong kasipagan dito.
Integridad. Sa lahat ng katangiang kailangan ng isang leader, para sa akin ito ang pinakamahalaga. Mas-mabuti ang walang ginagawa kaysa, alam mo man o hindi, makasakit ng ibang tao dahil sa ilang-libong maliliit na pag-abuso’t katiwalian, gaya ng hindi pagtupad sa mga pangako o hindi pagbayad sa mga utang. Kung wala kang integridad, walang susunod sa iyo at wala ka ring mabuting makakamit. Sabi nga ni Samuel Smiles, “ang korona’t kaluwalhatian ng buhay ay ang mabuting pagkatao (integridad)… kahit ang isang tao’y hindi ganoon kulturado, hindi matalino, at hindi mayaman, kapag ang kaniyang pagkatao ay napakabuti, siya’y palaging may impluwensiya, ito ma’y sa workshop (opisina), sa “counting-house” (bangko), sa mga tindahan, o sa senado.”
Pagtiwala. Kailangan kang pagkatiwalaan ng mga tao bago ka nila hayaang mamuno, at ito’y makakamit mo lamang kapag palagi kang nagpapakita ng integridad at mabuting pagkatao.
Pagkamausisa at pagkatapang (curiosity and daring). Kapag mayroon tayong layunin o pangarap, kailangan nating palaging maghanap ng mga paraan upang makamit ito, kahit natatakot tayo sa pagkabigo. Kailangan rin nating magtiyaga sa harap ng lahat ng humahadlang sa atin at sa pamimintas ng lahat ng hindi nakakaintindi sa ating pangarap. Kailangan mo ng lakas ng loob para alisin ang limitasyon ng kung ano man ang posible.
Marami pang ibang aral mula kay Warren Bennis na hindi ko muna tatalakayin ngayon, pero ito ang link sa libro niya kung gusto mo pang matuto.
Mula kay Jack Welch (Dating CEO ng General Electric at may-akda ng “Winning: The Ultimate Business How-To Book”)
Isang aral na natutunan ko mula kay Jack Welch ay ang “spirit of candor” o bukas-loob at matapat na pagsasalita. Sumasang-ayon ako sa kaniya na hindi ito pwedeng maging kumpleto palagi dahil natatakot pa rin ang mga empleyado sa pagtutol ng kanilang mga boss, pero ito’y kailangan pa rin nating itaguyod.
Para magawa mo ang pinakamabuting resulta na kaya mong gawin, kakailanganin mo ng coaching at feedback. Ito’y napakahalaga lalo na kapag may mga pagkakamali kang hindi napapansin o sa mga bagay na pwede mo pa palang pagbutihin na hindi mo alam. Kahit hindi mo sila alam, sigurado nakikita ito ng mga katrabaho mo. Huwag mong hayaang makarating ito sa oras na naghihintay na lang silang mabigo ka. Ano pa mang mangyari, sabi nga ni Jack Welch, kapag bukas ang loob ng mga kasama mo, ang organisasyon mo ay magkakaroon ng maraming idea at ito rin ay magiging mas-mabilis kumilos. Isipin mo na lang ang oras na nasasayang sa pagpapatamis sa bad news at kung gaano karaming oras at pagod matitipid natin kapag may nagsasabi sa atin kung kailan hindi gumagana ang ginagawa natin.
Sa aking (limitadong) experience, nagawa kong magbukas-loob ng kaunti ang mga kasama ko sa aking koponan dahil nakikinig ako ng may intensyong makaunawa kapag may masamang balita o mga isyung hindi ko magugustuhan. Nagbibigay din ako ng feedback na may intensyong makapag-pagaling ng performance at hindi naninisi o naninita lamang.
Mula kay Stephen Covey (“The 7 Habits of Highly Effective People: Powerful Lessons in Personal Change”)
Kapag nagdedesisyon at negosasyon, isipin mo “Win-Win” (panalo ang lahat). Piliin mo ang makapagbibigay ng pinakamabuting benepisyo sa lahat, kahit ito ma’y pagtanggi (palagi namang magkakaroon ng iba pang oportunidad). Ang pandaraya sa iba o magpaabuso sa iba ay hindi “Win-Win” dahil may natatalo sa negosasyon. Bakit mahalaga ito? Kapag dinadaya mo ang iyong mga customers, lalayuan ka nila. Kapag nagsakripisyo ka naman para pasayahin ang mga kliente, hindi ka lang mawawalan ng nararapat mong kita, pwede ring lumubog ang iyong negosyo.
Naaalala ko ang isang manager namin dati na palaging nagsasabi ng “Win-Win” at palagi siyang nagbibigay ng sobra-sobra sa mga customers para manatili sila (“win sa mga customers, win sa kumpanya” iniisip niya), pero hindi niya naisip na may natatalo doon: Ang mga EMPLEYADO. Hindi ko man maikwento ito dito dahil sa confidentiality clause, pero ang resulta ng mga ginawa niya ay inabuso kaming lahat ng mga customers at sumama ang loob ng mga nagtratrabaho sa opisina. Puwersahan siyang pinagresign matapos ang ilang buwan.
Siya nga pala, ang “Win-Win” ay nagagamit din kapag may nagkamali. Magbigay ka ng tamang pagbilin para makapagpagaling ng performance at ito’y win-win. Kapag ang intensyon mo ay pagalitan o sitahin lamang ang nagkamali, ito’y lose-lose: Nasasaktan ang damdamin ng iyong katrabaho, at mawawalan ka rin ng respeto mula sa iyong mga kasama sa opisina.
(Marami pa doon ang Seven Habits kaya kapag gusto mo pang matutunan ang iba, basahin mo lang ang libro!)
Mula kay Marcus Buckingham at Curt Coffman (“First, Break All the Rules: What the World’s Greatest Managers Do Differently”)
Ito’y mas-nararapat na management lesson kaysa leadership lesson pero mahalaga pa rin ito. Isang malaking konsepto na natutunan ko sa “First, Break All the Rules” ni Marcus Buckingham ay, imbis na pilitin mo ang lahat ng katrabaho mo na gawin ang iba-ibang trabaho ng pantay-pantay, mas mainam na ibigay mo sa kanila ang mga trabaho na gumagamit mabuti ng kanilang mga talento. Bakit? Kung hindi, para itong pagpuwersa sa mga miyembro ng orchestra na subukan ang lahat ng iba’t ibang instrumento para sila’y maging “well-rounded.” Isipin mong pinupuwersa mo ang isang flute player na nag-aral sa instrumentong iyon ng 20 years na magtugtog gamit ang violin at drums sa mga susunod na concert. Pwede mo silang bigyan ng training, pero hindi ito mainam at papangit ang pagtugtog ng iyong orchestra.
Kapag magaling ang team member mo sa mga computer, ilagay mo siya sa trabahong gumagamit ng mga computer. Kapag ang isang team member ay magaling makitungo sa ibang tao, malamang pwede siya siya sa customer support. Kapag ang isa namang team member ay magaling sa pagsusulat at sa art, pwede mong ipagawa sa kanya ang mga website banners at company blog posts. Kung sinubukan mong ilipat-lipat sila, malamang sira na palagi ang mga computer mo, galit ang mga customers, at papangit ang nilalaman ng iyong website.
Mula kay John Wooden (“Wooden on Leadership: How to Create a Winning Organization”)
Isa sa pinakasimple pero pinakamabisang aral na natutunan ko ay nagmula sa kung paano itinuro ni John Wooden (ang coach na nagpapanalo sa UCLA basketball team ng sampung NCAA National Championships sa loob ng 12 years, 88 straight games, at apat na perfect seasons) na huwag mong pagtuonan ng pansin sa pagkapanalo lamang. Mas-mainam na pagtuonan mo ng pansin ang paggawa ng lahat ng iyong makakaya. Ito’y isang pilosopiya na kailangan nating ituro sa ating koponan.
“Kapag ibinigay mo ang lahat ng iyong makakaya, hindi ka magiging talunan dahil lamang sa score na nakuha mo. Kapag kakaunti lang ang ginawa mo, hindi ka nito biglaang gagawing matagumpay.” – John Wooden
Itinuro ni John Wooden na ang tanging paraan para mapanatili ang iyong dignidad kahit ikaw ay matalo ay kapag alam mo na ibinigay mo ang lahat ng iyong makakaya gamit ang kakayahan at kaalaman mo noong panahong iyon. Sabi ko nga sa aking post tungkol sa pagdedesisyon ng malakas ang loob, madalas ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya. Ang pinakamabuti nating pwedeng gawin kapag tayo’y nagkamali ay pag-aralan ang mga matututunan natin mula dito at gumawa lang ng mas-mabuti sa susunod na pagkakataon.
Siya nga pala, hindi lang ito tungkol sa sports, games, trabaho, o pakikitungo sa mga kliente; ito’y para sa lahat ng ating ginagawa sa buhay. Kasama rito ang ginagawa mo sa iyong free time, paano ka nageensayo, pakikitungo mo sa ibang tao, disiplina, pag-aaral ng bagong kakayahan, at pagdedesisyon. Hindi ka rin magtataka na kapag naging mabuti ka sa mga iyon, mas-lalaki ang pagkakataon mong magtagumpay sa buhay.
Kung gusto mo nga palang malaman ang iba pa tungkol sa libro ni John Wooden, pwede mong basahin ang review ko dito sa 10 best books na nabasa ko tungkol sa Finance, Leadership, at Success.
Ang leadership ay isang subject o paksa na nakapupuno ng ilang silid-aralan at ito’y isang art na mangangailangan ng buong buhay para magamit ng mabuti. Kahit ganoon pa man, kung pangarap nating makagawa pa ng mas-makabubuti, ito’y kailangan pa rin nating pag-aralan at pagbutihin.
Leave a Reply