ENGLISH Version (Click Here)
Alam mo ba na ang mga Jeepney Driver ay pwedeng maging MILYONARYO?
Oo, alam ko na isa sila sa mga pinakamahirap sa Pilipinas at ang kinikita nila ay nasa P300-400 kada araw… pero huwag mong mamaliitin yon.
Kaya nilang maging milyonaryo kahit ganoon lang ang kinikita nila, at alam mo ba na…?
KAYA MO RIN.
“Palaging mukhang imposible hanggang may makagawa nito.”
– Nelson Mandela
Bago tayo magsimula, eto ang isang quiz:
40 years mula ngayon, nagtrabaho ka para sa iyong kabuhayan at para sa iyong pamilya. Bilang isang premyo, may dalawang kahon sa harap mo at iisa lang ang pwede mong piliin:
Ang unang kahon ay may P1 MILLION.
Ang pangalawang kahon ay puro BASURA: pinagkainan ng sitsirya, ubos na bote ng beer, abo ng sigarilyo, pinaglumaan at punit na damit, sirang kagamitan, atbp.
Alin ang pipiliin mo?
Kapag natutunan at nagamit mo ang aral dito, ang unang kahon ang makukuha mo.
Kapag hindi mo natutunan ang aral, makukuha mo ang pangalawang kahon kagaya ng iba.
Jeepney Driver to Millionaire:
Paano nga ba magiging Milyonaryo ang isang Jeepney Driver kapag P350 lang ang kita nila kada araw? Tignan natin kung paano.
Isipin mo na IKAW ang Jeepney Driver. Natutunan mo sa isang article sa internet na pwede ka palang maging milyonaryo gamit ang pag-invest, kaya pumunta ka sa isang internet cafe para pag-aralan ito. Dahil pangarap mong bigyan ng mas-masaganang buhay ang pamilya mo, gusto mo talaga itong matutunan ng maayos.
Nag-ipon ka ng kaunti at bumili ka ng ilang Finance Books sa Tagalog (at iba ay English) sa isang bookstore, at pinag-aralan mo kung paano pumili ng magagandang kumpanya (stocks), mutual funds, at iba pang assets na iinvestan mo. Pumunta ka uli sa ilang internet cafe para pag-aralan ang bawat-isang kumpanya at assets at nalaman mo na hindi sila scam at stable na investments sila na may maayos na kita.
Nag-invest ka rin sa maraming kumpanya/funds/assets kaya kahit malugi man ang isa, tutubo pa rin ang iba. Alam mo na ang isang magsasaka ay hindi lang isang puno ang itinatanin; nagtatanim siya ng ilang-daang puno. Masira man ang isa, may 99 pa na mamumunga.
Ngayon, isipin mo na ang mga investments mo ay nagbibigay ng 8% compounded interest kada taon (mga equities gaya ng stocks at stock funds, pwede ring real estate, ginto, atbp.).
Mag-ipon muna ng 10% at Mag-Invest
Isipin mo na bilang isang Jeepney Driver, ang average na kita mo kada araw ay P350.
Nag-ipon ka ng 10% muna bago gumastos, kaya nakakaipon ka ng P35 kada araw.
Dahil nagtratrabaho ka ng 5 days kada lingo, nakakaipon ka ng P175 a week.
Kada 4 weeks o isang buwan, nakakaipon ka ng P700 a month.
Kapag may pambili ka na ng investment, pinag-aaralan mo muna itong mabuti bago mo bilhin ito gamit ang savings mo. Minsan nalulugi ang investment at bumababa ang value, minsan rin naman tumataas ang halaga nito kaya kumikita ka ng pera. On average, 8% ang earnings ng mga investments mo (kapag binilang mo sa ilang dekada).
Maraming bilihin, walang ipon?
Alalahanin mo na ang ibang Jeepney Driver ay wala pang P300 ang kita, ang iba naman kumikita ng P400 o higit pa, at ang iba ay mas-marami pa doon ang kita… pero pare-pareho silang walng ipon. Bakit? Pagkatapos bayaran ang tubig, pagkain, at kuryente, kapag may pera pa tayo pambili ng gusto natin, gaya ng mahal na baso ng kape, isa pang bote ng alak, isa pang damit, isa pang pack ng sitsirya, o isa pang stick ng yosi/sigarilyo, bibili tayo at bibili hanggang maubos ang pera natin. Iyon ang dahilan kung bakit wala tayong ipon.
Ang iisang paraan para makasigurado sa pag-iipon ay MAG-IPON MUNA Bago Gumastos.
Gaya ng income tax, matututunan mong mabuhay ng wala ang perang iyon, at mabibili mo pa rin ang mga gusto mo at pwede ka pa ring mag-enjoy ng kahit ano kasama mga kaibigan mo. Ang pagkakaiba lang ay may ipon at investments ka na magpapayaman sa iyo balang araw, at sila wala (kung hindi mo sila tuturuan din kung paano ito gagawin).
Dalawang Hakbang Lamang:
1. Mag-ipon Muna (mga 10% ng kinikita)
2. Mag-invest sa mga mabubuting Assets gamit ang ipon
Hakbang sa kaliwa, hakbang sa kanan, ulit-ulitin at mararating mo rin ang pinakamalayong probinsya at mga bundok, mga ilog at dagat. Pareho lang iyon dito: Mag-ipon at mag-invest, at ulit-ulitin ng ilang dekada para yumaman.
Ganito tumutubo ang pera (the numbers):
*Ang kita mo ay P350 lang araw-araw noong 40 years na iyon, at ang investments mo ay may average 8% na kita (hindi ito guaranteed, pero sa loob ng ilang dekada ito ang returns niya).
Ang unang column ay ang taon o year.
Ang ikalawang column ay kung magkano na ang meron ka. Tatawagin natin itong “Capital” o approximate na net worth.
Ang ikatlong column ay kung magkano na ito pag kumita ito ng 8% compound interest.
Ang ikaapat na column ay ang investment mo ng P8,400 kada taon.
Ang ikalimang column ay ang total mo sa taong iyon.
Total invested in 40 years na P700 kada buwan: P336,000
Total na kinita gamit ang Compound interest: P1,840,074.76
Mukhang nagkamali ako…
31 years lang pala kailangan mo para maging Milyonaryo bilang isang Jeepney Driver!
Sa 40 years, hindi lang P1 million ang nasa kahon: Mayroon kang DALAWANG MILYON.
Ah, pero huwag mo itong uubusin. Kapag naghintay ka, ang investment mo ng 8% kada taon ay magbibigay sa iyo ng P160,000 kada taon on average. Yun ay P13,000 kada buwan… at hindi mo ito pinagtrabahuhan! Ang pera mo na ang nagtratrabaho PARA SA IYO AT PAMILYA MO. Noong Jeepney Driver ka, kita mo lang ay P7,000 kada buwan, pero ngayon P13,000 na kinikita mo nang hindi mo kailangang magpagod sa trabaho. IYON ang tinatawag nating “Financial Freedom.”
Alam na natin na posible ngang maging Milyonaryo ang isang Jeepney Driver.
“Ang compound interest ay ang ikawalong wonder sa mundo. Ang nakakaintindi dito, kumikita dito… ang hindi… nagbabayadnito.”
– Albert Einstein
“31 Years para sa unang milyon, pero siyam lang para sa ikalawa?”
31 years kailangan mo para sa una mong milyon, pero bakit wala pang siyam na taon ang kailangan para sa ikalawang milyon? Madali lang sagutin yan: Alalahanin mo na sa unang mga taon mo ang investments mo ay wala pang P100,000 ang halaga. Magkano kita noon sa 8% na interest? P8,000. Sa P8,000 kada taon, ilang taon ang kailangan mo para magkaroon ng P1 million (not compounded)? 125 years.
Ngayong nasa 31 years ka na may isang milyon ka. Magkano ang kinikita noon sa 8% interest? P80,000. Sa P80,000 kada taon, ilang taon ang kailangan mo para magkaroon ng P1 million (not compounded)? 12 years lang at anim na buwan. Idadagdag mo pa doon ang yearly investment mo at compound interest nito at mas-mabilis nga ang ikalawang milyon.
IMPORTANT: Bago ka magsimulang Mag-Invest:
“Ang pahamak ay lumilitaw kapag hindi mo alam ang ginagawa mo.”
– Warren Buffett
Isipin mo pumunta ka sa isang car dealer na may isang daang kotse na ibinebenta. Ang salesman itinuro sa iyo ang isang makintab na pulang kotse na sabi niya ay galing daw sa isang professional racer.
Gumastos ka ng ilang daang-libo para bilhin ang sports car, tapos pag-pirma mo sa kontrata at pagpihit mo ng susi sa ignition…
…sira pala ang makina. Tapos nalaman mo na walang refunds at walang insurance.
Nawalan ka ng ilang daang-libong piso sa isang sirang kotse dahil hindi mo alam kung paano pumili at mag-inspect ng maayos.
Ganoon din ang pag-invest. Kapag hindi ka marunong at hindi mo pinili ang tamang investments, mapapahamak ka.
Dito maraming natatalo – nag-iinvest sila sa isang bagay na “narinig nila sa isang kaibigan/kamag-anak/salesman,” tapos inilalagay nila ang life-savings nila dito ng hindi nila alam kung ano ito (scam ba ito? Popular pero papabagsak na mutual fund? Totoong investment?)
Kapag nagkamali ka, huwag mong sisihin ang kotse (investment vehicle), ang kalsada (economy), o ang laws of physics (ang mundo). Sisihin mo ang sarili mo sa maling pagpili (at paniniwala sa manlolokong salesman). Kailangan mo munang pag-aralan kung paano pumili ng tamang assets/investments.
Kung natutunan mo kung paano pumili ng tamang kotse at tiningnan mong mabuti ang ibang mga kotse sa car dealer, nakita mo sana na may ilang-dosenang sports cars na maayos ang kondisyon, at mura pa!
Paano nga ba pumili ng tamang investment? Simple: PAG-ARALAN KUNG PAANO!!
Maraming libro at seminar, internet articles at blog posts (gaya nitong sa akin) tungkol sa Personal Finance at Investing, kaya pag-aralan mo ang mga ito ng isa-isa at gamitin mo ang natutunan mo.
Ikaw Naman
Kahit sa mababang kita ng P7,000 kada buwan, posible pa rin para sa isang Jeepney Driver na maging isang milyonaryo. Paano naman ikaw? Ano ang trabaho mo at magkano kita mo? Sales agent ka ba? Office worker? Supervisor? Manager?
Kung ang isang Jeepney Driver ay kayang maging isang Milyonaryo…
…KAYA MO RIN!!
Ikaw Pipili:
Tayo ang responsable sa ating kapalaran. Ilang dekada mula ngayon magkakaroon na ng isa sa dalawang kahon, at kung alin man ang makukuha mo ay manggagaling sa sisimulan mong gawin mula ngayong araw na ito:
Ang isang kahon ay may milyon-milyong piso: Ang resulta ng iyong pagsisikap, talino, at disiplina.
Ang isang kahon ay maglalaman ng lahat ng basura na nakolekta mo dahil ginastos mo lahat ng kinita mo kaysa mag-ipon at mag-invest para sa iyong kinabukasan.
Alin ang pinagsikapan mo?
“Nagsisimula ang lahat sa isang personal na desisyon… isang pagpili na maging mayaman, mahirap, o middle class. Mahalagang desisyon ito, dahil alin man ang piliin mo para sa buhay mo – mayaman, mahirap, o middle class – magbabago ang lahat sa buhay mo.”
– Robert Kiyosaki
LIFEWORK (Parang homework, pero para sa kabuhayan mo!):
• Ano nga ba ang pagtitipid ng 10% para sa iyo? Siyam na bote ng beer kaysa sampu? Siyam na packs ng potato chips kaysa sa sampu? Apat na bagong damit kaysa sa lima? Sa maliit na savings na iyon tutubo ang iyong kayamanan, at hindi mo makakamit ang milyong pisong kahon kapag hindi mo ito pinagsikapan.
• Malalaman natin ang kinabukasan natin mula sa ginagawa natin araw-araw. Mula sa naipon mo ngayon, kapag nagretiro ka o namatay, ano ang iiwan mo sa mga anak mo? Mamahaling bayarin sa ospital at funerarya, o malaking pamana? Kapag namatay ka ngayon, ano ang iiwan mo sa pamilya mo?
• Sa panonood sa iyo ng ilang dekada, ano ang natutunan ng mga anak at apo mo mula sa ginagawa mo?
o Natutunan ba nilang walgasin ang lahat ng kita at hindi na pag-isipan ang kanilang kinabukasan?
o O natutunan ba nila sa iyo na maging masinop sa kinikita at mag-invest para maging mabuti at masagana ang kanilang kalagayan?
“Huwag kang matakot sa tagal ng panahong kailangan para mapagsikapan ang gusto mo. Magdadaan din ang panahon; gamitin na lang natin ito ng mabuti.”
– Earl Nightingale
Leave a Reply