English Version (Click Here)
Isa sa pinakapopular kong article ay tungkol sa kung paano magbayad ng utang. Sa palagay ko, mas-mabuti ang pag-iingat kaysa sa paggamot, kaya mas-mainam na umiwas ka na lang sa sobrang pangungutang kaysa palaging mabaon at magbayad ng mga ito.
Paano mo maiiwasan ang sobrang pangungutang? Gamitin mo ang mindset o pananaw na ituturo ko!
Sandaling Katuwaan, Matagal na Bayaran
Nabasa ko noon na halos lahat tayo ay nag-iisip ng short-term (sa madaling panahon) kaysa sa long-term. Mas-pinapansin natin ang mga agarang panganib (hal. Ahas at tigre, o Discount/Sale na matatapos na) at katuwaan (hal. pagkain, bagong gadgets, atbp) habang pinababayaan natin ang long-term consequences o kahihinatnan (hal. smoking, polusyon, at pagkabaon sa utang).
Nakasasama ang short-term thinking, lalo na kapag ito’y ginagamit sa pangungutang. Marami sa atin ang nag-aabuso ng mga credit cards para bilhin ang mga gusto natin NGAYON dahil hindi natin napapansin ang tunay nating pagbabayaran.
Magbabayad ka ba ng P15,000 para sa isang bagay na P10,000 lang ang presyo? Hindi? Yun ang nangyayari kapag ipinasok mo sa kalkulasyon ang interest rates pati na rin ang depreciation (pagkasira o pagkaluma).
Masama pa doon ay kapag bumili ka ng isang bagay na hindi nakakatulong: Nagbayad ka ng P15,000 sa isang bagay na walang halaga!
Ang Pag-iingat ay mas-mabuti sa Paggamot: Iwasan ang sobrang Pangungutang!
Paano mo mapipigilan ang pagkabaon sa utang? Simple lang!
Iwasan ang mangutang!
Malamang narinig mo na ang mga tips na “magbayad gamit cash (at hindi credit card)” o “bayaran agad ang mga credit card bills,” pero nasubukan mo na bang takutin ang sarili mo para iwasan ang pangungutang?
Sa susunod na natitipuan mong mangutang para mamili ng isang mamahaling bagay, pag-isipan mo muna ang tunay na presyong binabayaran mo at ang tunay na halagang nakukuha mo.
Lifetime Loan
Isipin mo kunwari na P15,000 kada buwan ang kita mo (after tax at living expenses).
Iyon ay P180,000 kada taon kapag walang mga bonus at 13th month salaries.
Sa loob ng 40 years, kumita ka ng P7.2 MILLION (kapag nagsimula kang magtrabaho noong 20 years old ka at nagretiro ka ng 60 years old).
Ngayon, isipin mo na noong 20 years old ka, binigyan ka ng P7.2 Million loan ng mga bangko at ginamit mo ito para magshopping. Binili mo lahat ng latest cellphones, laptops, gadgets, magarang damit, alahas, kotse, atbp.
Isipin mo na ginastos mo ang LAHAT ng kikitain mo sa buong buhay mo sa isang magarang shopping spree. Siguradong natuwa ka noon (habang may pera ka pa), pero ano ang susunod na mangyayari?
Trabaho para Magbayad ng Utang
Nagtratrabaho ka ng 40 years PARA SA WALA. Matapos ang tubig, kuryente, bahay at pagkain, LAHAT ng kinikita mo ginagamit mo pambayad sa utang.
Malala pa roon, lahat ng binili mo sa shopping spree mo ay maluluma at masisira.
“Buy Now Pay Later.” Ang problema sa ganoong pag-iisip ay napakadaling mapasobra sa paggastos (short-term thinking) at makalimutan mong MAGBABAYAD KA PA RIN (long-term consequences).
Pagbabago ng Pag-iisip
Paano mo iiwasan ang sobrang pangungutang?
Baguhin mo ang pag-iisip mo: Kapag natitipuan mong mangutang para bumili ng bagong laruan, isipin mo ang bagay na iyon 10 years from now, naluma na at nasira… pero nagbabayad ka pa rin ng credit card bills para doon.
Sa susunod na ginusto mong mangutang para bumili ng luho, itanong mo sa sarili mo…
“Is it REALLY worth it?” (Mahalaga ba talaga ito sa akin?)
Baka maisip mo na may iba ka pa palang dapat paggamitan ng perang kikitain mo.
Sa ngayon, kapag nabaon ka na sa utang at gusto mong malaman kung paano makaahon, may isa kaming guide tungkol doon!
[…] gamot: Kontrolin mo ang iyong paggastos. Iba-iba ang sweldong natatanggap ng mga tao pero palaging walang laman ang kanilang mga pitaka sa […]