English Version (Click Here)
Kung may isang aral tungkol sa goal setting o paggawa ng layunin at visualization na palagi kong nalilimutan, ito ay ang magawiang gawin ang mga iyon gabi gabi bago matulog. Ngayon ko nalaman na may lumang kanta pala tungkol doonat ang titolo nito ay “Count your Blessings (Instead of Sheep)” ni Irving Berlin na kinanta rin ni Jose Mari Chan. Ito nga pala ay madalas pinapatugtog tuwing magpapasko. Nagkataon nga naman na narinig ko itong itinugtog noong Linggo (Sep. 24*) at dahil doon naisip kong isulat itong article na ito para sa inyo.
*Nagsisimula kasi ang Christmas season sa Pinas sa Setyembre.
Basahin mo ang lyrics at ang aral mula sa isang Christmas song dito:
“Count Your Blessings (Instead of Sheep)” by Irving Berlin
When I’m worried and I can’t sleep
(kung ako ay nag-aalala at hindi makatulog)
I count my blessings instead of sheep
(binibilang ko ang aking mga biyaya kaysa mga tupa)
And I fall asleep counting my blessings
(at nakakatulog ako habang binibilang ang mga biyaya)
When my bankroll is getting small
(kung kumakaunti ang pera ko sa bangko)
I think of when I had none at all
(inaalala ko noong wala akong pera)
And I fall asleep counting my blessings
(at nakakatulog ako habang binibilang ang mga biyaya)
I think about a nursery and I picture curly heads
(iniisip ko ang isang nursery at naiisip ko ang mga ulong kulot)
And one by one I count them as they slumber in their beds
(isa-isa binibilang ko sila habang sila’y natutulog)
So if you’re worried and you can’t sleep
(kaya kapag nagaalala ka at hindi makatulog)
Count your blessings instead of sheep
(bilangin mo ang iyong mga biyaya kaysa mga tupa)
And you’ll fall asleep counting your blessings
(at makakatulog ka habang nagbibilang ng mga biyaya)
Ito ay napakahalagang aral. Kaysa mag-alala o magreklamo ka sa problema at pahamak na nararanasan mo sa buhay gabi gabi, subukan mong bilangin ang mga biyayang natanggap mo at kabutihang nakamit mo sa buhay!
Sabi ni Jack Canfield, ang may akda ng The Success Principles at ang popular na Chicken Soup for the Soul na mga libro, kailangan mong maglaan ng kaunting oras bago matulog para isipin ang mga tagumpay mo, alalahanin ang iyong mga layunin, pagtuonan mo ng pansin ang iyong matagumpay na kinabukasan, at pagplanuhan mo ng mabuti ang gagawin mo sa susunod na araw.
Ito ay dahil ang lahat ng ginagawa at pinagiisipan mo sa huling 45 minuto ng araw bago ka matulog ay iproproseso ng utak mo nang abot anim na beses na mas madalas kaysa sa kahit ano pang naranasan mo sa buong araw na iyon. Sinabi rin ni Canfield na ito ang dahilan kung bakit ang panonood ng horror o nakakatakot na movie bago matulog ay nakakapagbigay ng bangungot o kung bakit ang pagaaral sa gabi bago ang test ay pwedeng gumana.
Itinuro din ito ni Orison Swett Marden, ang may akda ng Prosperity: How to Attract It. Sabi niya, ang malikhaing pwersa sa isipan mo ay mas-aktibo sa gabi kaysa sa araw, at ito’y mas-madaling tumanggap sa mga pinagiisipan mo bago ka makatulog.
Sinabi rin niya na hindi tayo dapat matulog nang mahina ang loob o malungkot dahil ang pagdududa sa sarili ay isang malakas na kalaban na pumatay sa tagumpay ng napakaraming tao. May pamamahala pa rin naman tayo sa isipan natin, kaya bakit hindi natin subukang pigilan ang pahamak bago ito mangyari diba?
Alalahanin mo ang aral dito bago ka matulog mamayang gabi.
Bilangin mo ang iyong mga biyaya, isipin mo ang iyong mga layunin, at pagisipan mo ang masagana mong kinabukasan. Isipin mo ang isasagot mo sa mga tanong na ito mamayang gabi:
Ano ang mga pinasasalamatan mo sa buhay?
Anong kabutihan, gaano man ito kaliit, ang nagawa mo ngayong araw?
Ano ang gusto mong matapos bukas?
Ano ang gusto mong makamit limang taon mula ngayon?
Ano ang pinakamalalaki mong layunin sa buhay? Ano ang kalidad ng buhay mo kapag nakamit mo silang lahat?
Leave a Reply