English Version (Click Here)
Gustohin man nating isipin na ang pagsisikap lamang ang kailangan para magtagumpay, ang katotohanan ay kulang ito. Mas marami kang kailangan kaysa sa pagpipilit at pagpapagod. Ano ang kailangan mo para pagbutihin ang iyong gawain? Heto ang sampung mahahalagang aral mula sa sampung iba-ibang tao.
-
“Never mistake activity for achievement.” – John Wooden
(Huwag kang magkamaling isipin na magkatumbas ang pagsisikap at pag-asenso.)
-
“You’ve got to think about the big things while you’re doing small things, so that the small things go in the right direction.” – Alvin Toffler
(Kailangan pag-isipan mo ang mga malalaki o mahahalagang bagay habang ginagawa mo ang mga karaniwang bagay, para ang mga ito ay patungo sa tamang direksyon.)
-
“So often, people are working hard at the wrong thing. Working on the right things is probably more important than working hard.” – Caterina Fake
(Madalas, marami ang nagtratrabaho o nagpapagod sa maling bagay. Ang pagtrabaho sa mga tamang gawain ay malamang mas mahalaga kaysa sa pagpapagod o pagsisikap.)