• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 17

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Ang Iyong Sampung Maswerteng Hakbang Patungo sa Pag-Asenso (Isang Aral Mula kay Catherine Ponder)

October 9, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Ang Iyong Sampung Maswerteng Hakbang Patungo sa Pag Asenso Isang Aral Mula kay Catherine Ponder
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Ang isang mahalagang aral na natutunan ko mula sa napakaraming self-improvement books ay magiging napakahirap umasenso at magtagumpay sa buhay kung hindi natin kayang isipin at asahan na magtatagumpay nga tayo sa mga gusto nating gawin. Sa kasamaang palad, para sa karamihan sa atin, ang ating negatibong pag-iisip ay nakahahadlang sa atin. Sa librong Dynamic Laws of Prosperity ni Catherine Ponder, may bahagi doon na tinatawag na “Your Ten Lucky Steps” o ang iyong sampung maswerteng hakbang, at ang mga iyon ay makakatulong sa iyong makamit ang pagiisip na makakapagbigay ng pag-asenso.

Paguusapan natin ang sarili nating salin ng sampung hakbang dito at pwede mo silang subukan. Oo nga pala, kapag gusto mong basahin ang orihinal na bersyon at ang buong kabanata sa libro, pwede mong bilihin ang libro ni Catherine dito sa link na ito. 

[Read more…]

Mga Sinasabi ng Mabubuting Leaders: Apat na Parirala ng Mga Leaders na Dapat Mong Matutunan

October 2, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Mga Sinasabi ng Mabubuting Leaders Apat na Parirala ng Mga Leaders na Dapat Mong Matutunan Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

Sa isang punto ng iyong career, malamang ipropromote ka sa isang posisyon ng pamumuno. Bukod pa doon, kung nagtayo ka ng sarili mong negosyo, kakailanganin mo talagang mamuno sa iyong kumpanya. Kapag naging leader o pinuno ka, magiging responsable ka sa napakaraming bagay at ang tagumpay o pagpalya ng iyong organisasyon ay nakasalalay sa kung gaano ka kagaling mamuno ng ibang tao.

Sa librong The Art of the Start: The Time-Tested, Battle-Hardened Guide for Anyone Starting Anything ni Guy Kawasaki, sinabi ng may-akda nito na ang mabubuting leaders o pinuno ay hindi nagaalangan sa paggamit nitong apat na parirala o phrases na ito: “I don’t know” (hindi ko alam), “Thank you” (salamat), “Do what you think is right” (gawin mo ang sa tingin mo ay tama), at “It’s my fault” (kasalanan ko ito). Kahit hindi ito ipinaliwanag nang husto ni Guy, ito ay itinuro din naman ng ibang mga leader. Bakit napakahalaga nitong apat na kasabihang ito? Eto ang dahilan kung bakit… [Read more…]

Pagkamit ng Ibang Kayamanan sa Buhay: Bakit Hindi mo Dapat Balewalain ang Halaga ng Pera

September 26, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Pagkamit ng Ibang Kayamanan sa Buhay Bakit Hindi mo Dapat Balewalain ang Halaga ng Pera Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Sa isang nakaraang article, sinabi ko na maraming iba’t ibang klase ng kayamanan bukod sa pera. May mga bagay tulad ng kalusugan, karunungan, pakikisama sa iba o relationships, mga nagawa para sa iba, at napakarami pang iba. Maraming bagay ang mas-mahalaga kaysa sa pera, pero huwag mo iyong gagamiting dahilan para itigil ang pagsisikap upang yumaman at umasenso.

Habang ang pagtrato sa pera bilang mas mahalaga sa mga bagay tulad ng pagrespeto sa sarili at pagrespeto sa batas ay nakakapagdala ng malaking pahamak, hindi rin naman natin ito pwedeng balewawalain. Ang pera nga naman ay isang napakahalagang kagamitan tulad ng mga kotse, eroplano, computer, at marami pang iba. Narito ang ibang kayamanan sa buhay na makakamit mo kapag nagsikap kang umasenso:

[Read more…]

Aral Mula sa Isang Christmas Song: “Count Your Blessings”

September 18, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Aral Mula sa Isang Christmas Song Christmas Song Count Your Blessings Instead of Sheep your wealthy mind
English Version (Click Here)

Kung may isang aral tungkol sa goal setting o paggawa ng layunin at visualization na palagi kong nalilimutan, ito ay ang magawiang gawin ang mga iyon gabi gabi bago matulog. Ngayon ko nalaman na may lumang kanta pala tungkol doonat ang titolo nito ay “Count your Blessings (Instead of Sheep)” ni Irving Berlin na kinanta rin ni Jose Mari Chan. Ito nga pala ay madalas pinapatugtog tuwing magpapasko. Nagkataon nga naman na narinig ko itong itinugtog noong Linggo (Sep. 24*) at dahil doon naisip kong isulat itong article na ito para sa inyo.

*Nagsisimula kasi ang Christmas season sa Pinas sa Setyembre.

Basahin mo ang lyrics at ang aral mula sa isang Christmas song dito:

[Read more…]

Pagpaparami ng Tunay na Yaman : Pagkamit ng Kayamanan Bukod sa Pera

September 11, 2018 by Ray L. Leave a Comment

Pagpaparami ng Tunay na Yaman Pagkamit ng Kayamanan Bukod sa Pera Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Hindi natin mahahanap ang kayamanan kung wala tayong alam tungkol dito. Isipin mo ang dami ng mga personal finance gurus at investing seminars sa mundo. Alam ng mga tao ang halaga ng pera at may mga industriyang dedikado sa pagtulong sa mga tao na umasenso sa buhay at makamit ang kasaganaan.

Huwag sana nating kalimutan na kahit nabibili ng pera ang kalusugan, oras para gawin ang gusto natin, kasaganaan ng pagkatao, at iba pa, marami ring ibang uri ng “kayamanan” bukod sa malaking bank account o investment portfolio. Alalahanin din natin na ang pera ay isang bagay lamang na magagamit natin para makamit ang tagumpay sa ibang bahagi ng ating buhay.

Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa nito para makita ang ibang halimbawa ng tunay na kayamanan sa buhay na kailangan nating pagsikapan.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 15
  • 16
  • 17
  • 18
  • 19
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in