• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 27

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

Ang Pinakamasamang Sales Strategy na Naranasan Ko

October 10, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Ang Pinakamasamang Sales Strategy na Naranasan Ko - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Nagsimula ito sa tanong nilang “gusto mo bang manalo ng libreng kotse?”

Noong nasa kolehiyo pa ako at nag-aaral ng psychology, pumunta ako sa SM Megamall sa Metro Manila, Philippines upang sumama sa isang convention. Mga 6pm na noong nagsimula ang mga nangyari dito. Habang naglalakad ako sa mga matataas na palapag ng mall kung saan mo mahahanap ang mga art galleries, travel agencies, at convention centers, nadaanan ko ang isang malaking booth na napapaligiran ng mga taong naka-business attire. Ang isang medyo matabang babae na sa palagay ko ay mukhang 30 years old ay tumiwalag mula sa grupo at tinanong ako kung gusto ko bang manalo ng libreng kotse.

Interesado nga naman ako, pero alam ko namang hindi ko sila dapat pagkatiwalaan ng husto. Hindi nga ito scam, pero hindi ko noon alam na papasukin ko pala ang isa sa pinakamasamang sales strategy na mararanasan ko.

[Read more…]

Limang Payo Tungkol sa Mabuting Pag-iisip na Makakatulong sa Iyong Umasenso

October 3, 2017 by Ray L. Leave a Comment

5 Payo sa Mabuting Pag-iisip na Makakatulong sa Iyong Umasenso - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Mula kay Napoleon Hill hanggang kay Jack Canfield, Robert Allen hanggang kay Anthony Robbins, marami nang mga manunulat ang nagresearch tungkol sa mga matagumpay na tao at sa kanilang mga gawain. Sa napakarami nilang nadiskubre, iisang aral ang napakahalaga:

Ang lahat ng nakakamit natin sa buhay ay resulta ng ating pag-iisip.

Ang mga desisyon at gawain natin ay magmumula sa mga bagay na pinagiisipan natin. Ang bunga ng lahat ng ating gawain ay naiipon sa pagdaan ng panahon, at ito’y pwedeng magbigay sa atin ng kasaganaan, kayamanan, at kasiyahan, o kahirapan, pagkabaon sa utang, at kawalan ng pag-asa.

Paano nga ba natin sisiguraduhing mabuti ang magiging bunga ng ating pag-iisip at gawa? Yun ang dahilan kung bakit kailangan nating pag-aralan kung paano mag-isip ng tama.

[Read more…]

20 Quotes Tungkol sa Utang na Kailangan Mong Basahin NGAYON

September 26, 2017 by Ray L. 1 Comment

Quotes Tungkol sa Utang na Kailangan Mong Basahin NGAYON - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Ilang buwan na ang nakalipas mula noong panahong naghahanap ako ng bagong cellphone at naisip kong bumili ng top-class phones at bayaran ito ng hulugan. Dahil may stable akong income mula sa streaming, naisip ko kakayanin ko naman itong bayaran.

Sa panahong iyon, nagdalawang isip ako at bumili na lang ako ng phone na kayang gawin ang kailangan ko at binayaran ko ito ng buo gamit cash.

Habang nagbabalik-tanaw ako, mabuting desisyon nga iyon. Ang streamer contract namin ng ilang mga kakilala ko ay biglaang naterminate at kasabay nitong nawala ang income ko mula doon. Kung nangutang ako para bilhin ang gadget na sobrang mahal kumpara sa pangangailangan ko, baka naging malaking problema iyon. Salamat naman at ang mga natutunan ko tungkol sa pag-iwas sa bad debts o utang ay nakatulong sa desisyon ko noon.

Ang ilang aral ay nangangailangan ng isang buong libro habang ang iba naman ay nangangailangan lang ng ilang salita. Ang halaga ng isang idea ay hindi natatagpuan sa dami ng salitang ginamit dito kundi sa kung gaano ito kahusay sa pagtuturo sa atin ng kailangan nating matutunan. Dahil doon, madalas akong magshare ng quotes o kasabihan sa aking mga articles. Kapag nagamit ang mga iyon ng mabuti (at sana nagamit ko rin sila ng mabuti), pwede nilang idiin sa iyong isipan ang mga aral na naituro. Hayaan mo akong magshare ng sampung quotes o kasabihan tungkol sa bad debt o utang at sana mainspire ka nitong mag isip ng mabuti kapag ikaw ay mangungutang para bilhin ang mga bagay na hindi naman pasok sa iyong budget.

[Read more…]

“Thoughts are Things”: Paghahanap ng Paraan Para Baguhin ang Iyong Mundo

September 19, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Thoughts are Things Paghahanap ng Paraan Para Baguhin ang Iyong Mundo - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

Paano kung may paraan para kontrolin ang halos lahat ng aspeto ng buhay mo at pagbutihin ito. Gagamitin mo ba?

Habang binabasa ko ang librong The Law of Success In Sixteen Lessons ni Napoleon Hill, may nabasa akong pamilyar at mahalagang tula na naglalaman ng pangunahing aral na matatagpuan sa napakaraming success at self-improvement books, at nais ko itong ipaalam sa iyo.

[Read more…]

Ang Habit ng Matagumpay: Paano Gumaling at Maging Successful

September 12, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Ang Habit ng Matagumpay Paano Gumaling at Maging Successful - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Noong nakakasali pa ako sa isang martial arts class, napansin ko na ang ilang estudyante ay mas magaling sa napakahirap na physical conditioning ng aming training. Ang mga regulars na nakakasali sa bawat klase ay nakakakumpleto ng ilang daang push-ups, sit-ups, squats, at matagal na planks ng mas mabilis at mas maayos kaysa sa mga katulad kong maswerte na kung makapasok ng isa o dalawang Sabado kada buwan. Ang ilan sa mga iyon ay nagsimula pagkatapos ko at, hindi nakakapagtaka, naging mas malakas sila sa pagdaan ng panahon.

Kung nagsimula ka sa kahit anong trabaho, sport, o hobby, nagtaka ka ba kung bakit ang ilan ay naging mas magaling o mas successful kaysa sa iyo? Hindi lang swerte o natural talent ito. Alam mo ba na may isa pang dahilan para dito at magagamit mo iyon para pagbutihin at pagalingin mo ang buong buhay mo? Iyon ang pag-aaralan natin dito. Ituloy mo lang ang pagbabasa dahil baka may matutunan kang napakabuti.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 25
  • 26
  • 27
  • 28
  • 29
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in