• Home
  • About us
  • Articles
    • Resource Page
    • Quotes
    • Success
    • Self-Improvement
    • Wealth and Finance
    • Leadership and Management
    • Tagalog Translations
  • Gallery
  • Contact Us

Your Wealthy Mind

Because Ideas Change Lives

  • Success
  • Wealth and Finance
  • Leadership and Management
  • Self-Improvement
  • Quotes
  • Tagalog Translations
Home » tagalog » Page 30

Hello!
Please click the "Tagalog" category to view our translated articles!!

10 Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Magtatagumpay sa Buhay (at Kung Paano Mo Ito Lulutasin)

June 14, 2017 by Ray L. Leave a Comment

10 Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Magtatagumpay sa Buhay at Kung Paano Mo Ito Lulutasin - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Sobrang dami ng mga dahilan kung bakit maraming tao ang nagiging biguan, tulad ng kawalan ng mabubuting oportunidad, kakulangan ng edukasyon, hindi napabuting komunidad at infrastruktura, at marami pang iba. Ganoon pa man, marami pa rin ang nagtatagumpay sa buhay sa halip ng mga hadlang na iyon. Maraming bagay sa buhay ang hindi natin kontrolado tulad ng kalagayan ng ating pagkapanganak, ang estado ng ating komunidad, at iba pa. Kahit ganoon, marami pa rin tayong KAYANG kontrolin sa ating buhay, tulad ng kung paano natin ginagamit ang ating oras, paano natin ginagamit ang ating isipan, at kung paano natin pinagplaplanuhan at binubuo ang ating kinabukasan.

Dapat nating alalahanin na halos lahat ng nakakamit natin sa buhay ay resulta ng ating mga gawain at pagkakamali. Ito ang sampung pinakamadalas na dahilan kung bakit ang karamihan sa atin ay hindi nagtatagumpay, at kung paano mo maiiwasan ang mga ito. Kung pangarap mong paunlarin ang iyong sarili at ang iyong kapalaran, kailangan mong pag-aralang gamitin ang lahat ng mga aral na matututunan mo dito.

[Read more…]

Ano ang Magandang Investment Para sa mga Beginners?

June 6, 2017 by Ray L. 1 Comment

Ano ang Magandang Investment Para sa mga Beginners - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Gagawa muna ako ng disclaimer. Ang article na ito ay opinion ko lamang na nakabase sa lahat ng mga personal finance at investing books na nabasa ko. Hindi ako financial planner at hindi rin ako investment professional kaya huwag mong basta basta susundin ang mga payo ko dito. Malamang magkapareho lang tayo, kaso nag-aral ako ng ilang mabuting investing books. Ngayon, kung ikaw din naman ay nakabasa at nagresearch sa mga magagandang libro, edi mabuti. Malamang hindi mo ganoong kailangan ang impormasyon dito. Kung wala ka pang nababasa, maayos na ring basahin mo ang article na ito para sa kaunti kang basic na impormasyong makukuha. Kakailanganin mo pa ring gumawa ng sarili mong research para mahanap ang investing style na magagamit mo.

[Read more…]

Bakit Dapat Matutunan ang Tamang Paghawak ng Pera? (Bonus: Libreng First Chapter ng “30 Steps to Wealth”!)

May 30, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Bakit Dapat Matutunan ang Tamang Paghawak ng Pera - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Ok, so kakatapos ko lang magcut at magedit ng 10% sample ng aking eBook sa Amazon (30 Steps to Wealth) at gusto kong iannounce na ito’y available na para sa lahat. Ang unang chapter nga palang iyon ay naglalaman ng pinakaunang aral tungkol sa pag-asenso sa buhay, at ikaw ay magiging biguan kapag hindi mo ito naisasapuso. Alam naman nating ang tagumpay ay hindi nagmumula sa swerte at tsamba. Kahit makakuha ka ng panalong recipe o lottery ticket (halimbawa, may special talents at skills ka na pwedeng mapagkakitaan ng maraming pera), kung hindi ka nagsikap para kunin ang iyong premyo, edi wala rin itong kwenta.

Ang unang aral sa 30 Steps to Wealth ay tungkol sa self-improvement, at ang centrong tema nito ay tungkol sa tamang paghawak ng pera. Bakit ko naisipang ituro ito? May tatlong mahalagang dahilan kung bakit:

[Read more…]

Limang Mabuting Aral sa Buhay (na Makakatulong sa Iyong Career)

May 23, 2017 by Ray L. Leave a Comment

Limang Mabuting Aral sa Buhay - Your Wealthy Mind

*Ang article na ito ay naglalaman ng affiliate links.

English Version (Click Here)

Kamakailan lang nainvite ako para gumawa ng speech para sa PETFI annual dinner at inisip ko kung ano ang gusto kong pag-usapan. Dahil ang karamihan sa mga makikinig ay mga estudyante (scholars) at ang kanilang mga magulang, nagdesisyon akong ituro ang ilan sa mga bagay na isinusulat ko dito sa YourWealthyMind.com! Mga bagay na makakatulong sa buhay! Eto ang limang aral sa buhay na pwedeng makatulong sa iyo at sa iyong career.

[Read more…]

[Hindi na Available] Paano maging Uber Driver sa Pilipinas

May 16, 2017 by Ray L. 1 Comment

Paano maging Uber Driver sa Pilipinas - Your Wealthy Mind
English Version (Click Here)

UPDATE: Hindi na available ang UBER mula pa noong April 2018.

Kung makakapagbigay ako ng bagong oportunidad sa mga tao, gagawin ko! Yun ang dahilan kung bakit sumali ako kamakailan lang sa Uber affiliate program. Ito’y dahil magagamit ko ito para makatulong sa ibang kumita ng pera sa kanilang spare time, at para suportahan na rin ang blog na ito. Ang Uber nga pala ay katumbas ng pagtatawag ng taxi gamit ang iyong mobile device (cellphone). Para mapagana ang serbisyo nila, kailangan nila ng drivers/partners para dalhin ang mga kliente sa kanilang mga gustong puntahan. Kung gusto mong malaman kung paano kumita ng pera sa iyong spare time bilang isang Uber partner (driver), basahin mo lang ang article na ito.

[Read more…]

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 28
  • 29
  • 30
  • 31
  • 32
  • …
  • 47
  • Next Page »

Sign-up for Freebies!

Enter your email and click to get Freebies and Updates!

Privacy Policy

Want to learn more? Read these!

Book 1
Book 2
Book 3
Book 4
Book 5
previous arrow
next arrow

Search this Website

PropellerAds
Privacy Policy

Affiliate Policy

Copyright © 2025 · Magazine Pro Theme on Genesis Framework · WordPress · Log in